#001: Ibang-iba na nga ba ang mga Kabataang Pinoy?[PODCAST]

Sharing is caring...Email this to someoneShare on FacebookShare on Google+Tweet about this on TwitterShare on LinkedInPin on PinterestShare on RedditShare on StumbleUponShare on Tumblr

Welcome to the first episode of the Gen Y Chronicles podcast!

In this episode, I talk about the topics that will be covered in the podcast (radio program) and what you can expect in the coming episodes.

Of course, for every episode, we have a Question for the Week. Sa first episode, ang ating question ay:

Ibang-iba na nga ba ang Kabataan Natin Ngayon? Sa paanong paraan?

Right click to download the MP3 file.

More specifically, ito yung mga topics sa first episode:

  • Attention span. Mas maikli na ang attention span ng mga kabataang Pinoy ngayon. Gusto natin, instant everything!
  • Mas liberal na ang mga kabataang Pinoy ngayon. Less religious na raw tayo at dumarami ang nag-e-engage sa premarital sex.

Music played in this episode:

  • “Noon at Ngayon” by Blakdyak
  • “Betamax” by Sandwich

episode1-2

Here’s the transcript of this episode:

Sino nga ba ang mga kabataang Pinoy ngayon?
Sino ang kasapi ng Generation Y o tinatawag ding Millenials?
Kasama ka ba sa kanila?

Good evening, good evening!

Magandang gabi mga katropa!

Welcome sa pinakaunang episode ng Generation Y Chronicles. Ako si Kuya Mighty, ang katropa ninyo at ang makakasama ninyo tuwing Lunes ng gabi dito sa DZMR.

So February na ‘no. Grabe ang bilis ng panahon, parang kelan lang nagcelebrate tayo ng Pasko ang dami dami nating kinain. Dumating ang New year, ganun pa rin ang dami dami nating kinain. TApos all of a sudden, parang tapos na kaagad ang January, at eto na nga February na. At ano ang holiday tuwing February?
kayo
Aba’y siempre, ang Valentine’s Day! Naku, dapat punong-puno ka ng love. O nakabili na ba kayo ng pulang t-shirt ninyo? Yung mga heart-shaped na cutouts naihanda na ba ninyo? Yung mga lovely quotes na ipapadala ninyo sa mga barkada or crush n’yo naihanda nyo na ba?

Ang buhay kabataan talaga ‘no, parang kulang pag walang lovelife?

Teka lang a. Pag sinabing lovelife, it’s not just about, say, the opposite sex. But, it’s also about love for God. Love for your parents. Love for your country, di ba? Love for the church. Andami namang iba ibang uri ng love. Kaya nga ngayong February, punuin natin ang airwaves ng love!

At siempre ngayong February, meron ding isang bagong makakasama kayo tuwing LUnes ng gabi. Ito nga an gating programa, ang Generation Y Chronicles.

So tungkol saan nga ba ang ating programa? At saka bakit Gen Y at bakit Chronicles? Anu-ano ang mga pag-uusapan natin dito sa ating programa?

Actually marami! Siempre, buhay kabataan, magkukuwentuhan tayo ano bang nangyayari sa inyo? Kumusta ba kayo diyan? Kumusta ang buhay? Iyan… pag-uusapan natin ang tungkol sa, ano pa? nabanggit ko na kanina, lovelife! Ang mga karanasan natin. Siempre, pag-uusapan din natin a little bit about your studies, about your relationships, yung mga pangarap ninyo sa buhay, at kahit yung mga problemang nararanasan ninyo, nararanasan natin bilang mga kabataan.

At siempre, mawawala ba naman ang topic ng Internet, ng video games. Ayan, pag-uusapan natin lahat ng mga iyan. Di ba, may mga times na kung meron kang dinaramdam, depressed ka, nalulungkot ka, parang minsan hindi mo naman makausap si mommy at si daddy, di ba? Parang minsan diyahe o kaya minsan hindi ka komportable. Feeling mo baka kung ano pa ang isipin nila. So kung hindi mo yan masabi kay nanay at tatay, tara making ka dito sa programa natin. Pag-uusapan natin ang mga iyan.

Ano pa ang iba?

Siempre, kanina sabi ko lovelife. Parang laging love ang nababanggit ko ah. Siempre, ganyan talaga pag February, kaya kelangan punung-puno ng love.

At paano ba natin maihihiwalay ang usapan ng sex! O, parang natigilan kayo ano. Alam ko, sa mga kabataan ngayon, mabentang mabentang usapan ang sex. Kasi, halimbawa yung mga teachers ninyo, lalo yung mga College, alam ko may mga teachers na madalas magbanggit ng mga green jokes para lang makuha yung atensyon ng mga kabataan. At saka di ba, pag nagpunta ka sa Internet Café, o kaya ginamit mo yung phone mo at nagconnect ka sa Internet, Naku, anong mga sinesearch mo dude? Baka kung anu-ano sinesearch mo diyan ah. Minsan tungkol sa sex no?!

But actually, pag-uusapan natin ang sex because it’s part of our humanity. You know, naniniwala ako na ginawa ng Panginoon ang sex para sa ating mga tao. Pero, kelangan nating pag-usapan natin iyan bilang mga kabataan, kasi kelangan nating maging mature sa bagay na iyan.

Sa mga klase ninyo, lalo na yung mga college students diyan, alam ko meron kayong mga kakilala o kaibigan na minsan natitigil sa pag-aaral kasi nakalunok ng pakwan. O di ba, biglang lumaki yung tiyan.

So ayan, yan ang ilan sa mga pag-uusapan natin.

Sino dito ang mahilig sa anime, sa manga, saka sa cosplay. Hindi nyo natatanong, ako ay isang big big fan ni Naruto. Lagi kong binabasa yung manga, kagaya nitong January diba, parang antagal na nawala yung Naruto. So taas ang kamay ng mga nagbabasa at nanonood ng Naruto diyan.

Yun, parang marami-rami ano. Actually, andami ko kasing natututunan sa manga na yun. Isipin mo ba naman, si Naruto, isang loser diba tapos biglang magiging isang malakas na malakas na ninja. O, sorry, medyo nac-carried away ako sa naruto.

In addition to anime, manga, saka cosplay, pag-uusapan din natin ang usapin sa Internet. Paano ba mangopya sa Wikipedia. Saka maliban sa Wikipedia, san pa ba tayo pwede magresearch para may kopyahin para may maipasa sa assignment.

Oh, umamin kayo diyan ah. Ginagawa nyo yun no?

Kapag bukas ang submission ng assignment, ngayong gabi mag-iinternet. Para lang makakuha ng materials na ipapasa kinabukasan. Naku, teka, baka magalit ang mga Ma’am at mga Sir diyan. Wait lang po, actually… ang pag-uusapan po naming dito ay kung paano nga ba maging responsible users ng Wikipedia at siempre ng Google.

Ayan. Kayo kasi mga nag-aaral, ayusin nyo naman! Wag kayong puro Ctrl+C, puro copy ano. Dapat lagi kayo nakikinig diyan sa mga teacher nyo.

At saka nabanggit na rin naman natin ang pag-aaral no. Pag-uusapan natin yan, kahit alam ko na ang pinakapaborito ninyong subject eh recess!

At marami pa tayong pag-uusapan mga katropa, kaya tuwing Lunes ng gabi, samahan ninyo ako dito sa DZMR, alas siete hanggang alas siete y medya ng gabi.

At nga pala, hanapin din ninyo ang ating facebook page, punta lang kayo sa Facebook.com/PinoyYouth. Tandaan nyo yan. At kung nasa Twitter kayo, hanapin din ninyo ang ating Twitter: twitter.com/pinoyyouth, gamitin lang ninyo ang hashtag #pinoyyouth. I-like nyo ang Page natin ha, at sundan nyo yung mga discussions doon. Marami tayong pinag-uusapan.

At doon, kung gusto ninyong makibahagi sa ating diskusyon, kahit na hindi dito sa mismong programa natin, pwede kayong sumagot sa ating question of the week.

Ayan, at kung hindi naman kayo nakakapag-internet palagi, pwedeng pwede rin kayong mag-text. Hindi importante kung anong klase ang cellphone mo, basta nakakapagtext yan. Magtext lang kayo sa 09175648388. Ito yung hotline ng DZMR.

Sa episode natin ngayon, pag-uusapan natin ang madalas sabihin ng mga Tanders. O, alam nyo ba kung sino yung mga tanders? Ito rin yung mga tinatawag minsan na da-matans. O kaya minsan, pasintabi po sa mga medyo tanders diyan ah, mga tinatawag ding mga gurang. Well, yung mga matatanda na.

Ito yung sabi nila, at siguro baka nakakarelate kayo dito. Ibang-iba na raw ang mga kabataan ngayon. Tama nga kaya sila?

Ang mga reklamo ng mga tatay at nanay, ng mga lolo at lola. Ng mga tiyuhin, at mga tiyahin ng mga kabataan ngayon, ang gagastos daw ng mga kabataan ngayon, kelangan ng pangload sa cellphone, kelangan ng tuition fee para sa pag-aaral, tapos pati pang-gimik at pangligaw, ihihingi pa sa mga parents. Minsan kahit nga yung pambili ng yosi at saka alak, sa parents pa rin hinihingi. Reklamo pa ni lolo at ni lola, hindi raw nila maintindihan ang trips ng mga kabataan ngayon. Sabi nila, ibang-iba na ang ugali at pananalita ng mga kabataan ngayon.

Tama kaya sila?

So eto nga, ang question of the week natin, kung gusto ninyong magreact, punta kayo sa facebook.com/PinoyYouth o kaya sa twitter, hashtag pinoyyouth. Ito, ang ating question of the week ay… “Ibang-iba na nga ba ang mga kabataang Pinoy ngayon? At sa paanong paraan?”

Yan ang pag-uusapan natin.

Naalala ko tuloy ang kanta ni Blakdyan, sabi niya, “Lo, mabuti pa kayo ni Lola, namulat sa matitinong uso…” Yan, pakinggan nyo to.

Yan, “Noon at Ngayon” by Blakdyak. Parang antagal ng kantang yan ano? Hindi ko alam kung inabot ng iba sa inyo yan, pero umuso yan nung mga late 1990s.

I’m sure madalas nyong naririnig ang reklamong yan ng mga parents at mga grandparents ninyo. At ano naman ang reaction ninyo? How do you react sa mga sermon ng mga magulang at mga lolo at lola ninyo. Pag nag-umpisa na sila ng “Nung kami ang kabataan…” Naku! Wala na, sigurado yan, magtatakip na kayo ng tenga. Siempre, papakita nyo, kunwari nakikinig, pero sa totoo lang, ang umiikot sa utak nyo, yung favorite song nyo, diba? O kaya papasok lang sa kanang tenga, tapos lalabas sa kaliwa, parang walang nangyari!

Pero seriously, iba na nga ba ang mga kabataan natin ngayon. Ang sabi ng iba, “oo naman dude, ibang-iba na ang mga kabataan natin ngayon!”

Bakit?

Ito isa-isahin natin ang mga reasons ha.

Una, attention span! Sabi nila, nakapaikli na raw ng mga attention span ng mga kabataan natin ngayon. Kung may nakikinig tayong mga teachers dyan, baka nag-aagree kayo sa akin no? Maya-maya nagsasalita ka, andami-dami mong sinasabi, tapos yung mga kausap, after 5 minutes, sa labas nakatingin; iba-iba ginagawa, nilalabas ang cellphone; o kaya, andaming kung anu-anong hawak. Siguro dahil na rin yan sa mga gadgets at mga kung anu-anong pieces of technology na ginagamit ng mga kabataan ngayon.

Naglipana ang mga cellphone, mga smartphones, mapa-iPhone man yan, mapa-Android man yan, o kaya Blackberry, diba? Idagdag mo na rin ang iPad, Android tablet, at kung anu-ano pa. Kaya nga ba, andaming kabataan ngayon, kahit magdamag magpuyat, makapagtext lang, o kaya makapaglaro lang.

Usong-uso pa rin ang Angry Birds. O, next time na may makita kayong naglalaro, pansinin nyo, sumasama yung nguso kung bibitawan na yung tirador. Ang Internet at ang Web, naku, napakalaking impact niyan sa buhay ng mga kabataan.

Meron pa bang gumagamit ng Friendster ngayon? O kaya Multiply. Dude, anong petsa na? Lumipat na kayo.

Baka hindi nyo na inabutan ang mga social networking sites nay un ano? Facebook na lang. Speaking of Facebook, sabi ng kapatid ko, diyan sa bayan naming sa San Manuel, Isabela, kahit mga tricycle driver may Facebook account. Isipin mo yun, diba? Baka pwede namang magpasundo sa tricycle, i-message mo lang si manong driver. Sabihin mo, “manong driver, can you come over to our house, I need a ride.”

By the way, binabati ko yung mga tagapakinig natin diyan sa banda ng San Manuel, iyong aking tatay, si Pastor Medardo Rasing, at ang aking nanay, si Mrs. Marina Rasing na nagtuturo diyan sa Callang High School. Diyan ako naggraduate ng High School. At siempre, yung aking pamangkin na si Chelsea Evengelista. Hello Chelsea.

Ayan na nga, ang Internet at ang Web, napakalaki talaga ng impact sa buhay ng mga kabataan ngayon. Isama na rin natin ang computer and video games. Marami sa kabataan ngayon, may sarili nang computer. O kaya kung walang sariling computer pupunta sa computer shop para maglaro. Yung iba naman, may sariling PSP o kaya Gameboy, o kaya Wii. Sa mga PC diyan, pansinin ninyo, napakaraming games ang naka-install. Lalo na pag lalaki, ano? Laro nang laro, praktis nang praktis hanggang maging malupet sa game. Para hindi na natatalo sa DOTA.

Kaya nga, dahil na rin siguro sa napakaraming gadgets at technology na ‘to, wala nang outdoor games ang mga kabataan ngayon. Alam ko hanggang ngayon, may mga naglalaro pa rin ng counterstrike. Iyan, iyan ang uso nung College kami, at dahil din sa Counterstrike, na-strike ang kanilang College. At ayon, ano pa nga ba, hindi na sila nakagraduate. At ito pa, DOTA, napakaraming naglalaro niyan.

Uso pa ba yung Ragnarok. Feeling ko, baka hindi na ‘no. Pero nung mga bandang early 2000s, usong-uso yan. At imbes na sa College grumaduate, sa computer shop grumaduate, at Ragna cum laude. Isipin mo yun?!

At dahil na nga rin sa mga computer games na ‘to, wala nang outdoor games. Hinlalaki, yung hintuturo at yung middle finger—yang tatlong daliri na lang ang na-eexercise. Kaya tuloy din, kasama na rin diyan, gusto nating mga kabataan, instant ang lahat, instant everything!

Ayan tuloy, affected ang ating attention span. Kahit yung mga nagsisimba tuwing linggo, parang after 15 minutes ng sermon ng Pastor o Pari, ayun naghe-headbang na. O kaya may katext, o kaya dinadaldal yung katabi, naalala ko tuloy yung kanta ng Sandwich na ang title ay Betamax.

Makinig kayo at nang makita natin kung gaano karami yung pagbabago sa buhay ng mga kabataan ngayon.

Wala pa nung Myx, wala pa nung MTV, Internet, iPod o mp3, cable, cellphone, DVD, meron lang… Betamax!

Kita nyo na, andaming nagbago diba? Feeling ko nga, marami sa inyo, hindi na inabutan ang Betamax, saka ang cassette tape. Hindi nyo na alam kung ano ang relationship ng cassette tape at lapis.

O, diba, eto ang pangalawa. Mas liberal na daw ang mga kabataang Pinoy ngayon!

Kumusta ba ang relationship ninyo sa mga magulang ninyo? Barkada nyo ba sila? Madali nyo ba silang nasasabihan ng mga nararamdaman ninyo? O ang tingin nyo sa kanila eh ATM? Pwedeng mag-withdraw anytime, o kaya pwedeng humingi ng kung anu-ano. O kaya, hindi nyo naman sila makausap, kasi nasa ibang bansa sila.

Ayon sa Census bureau ng ating gobyerno, 11% ng total population ng Pilipinas ay mga migrant workers. Ibig sabihin, wala si nanay, wala si tatay, nandoon sa ibang bansa at nagtatrabaho. 11% ng 100 Million, yun ang population natin ngayon. That’s about 11 Million! Napakarami ano? Kaya tuloy, ang mga magulang, naghahanapbuhay sa ibang bansa, pero hindi nagagabayan ang kanilang mga anak sa kanilang paglaki at pagtanda.

Kaya tuloy ang sabi ng ilang analyst, yung mga attitudes sa relationship, sa sex, sa intimacy, at kahit sa pananamit, nagbabago. At eto pa, ito pa ang isang impact nyan. Less religious na raw ang mga kabataang Pinoy ngayon.

May isang pag-aaral na isinagawa noong 2003. Grabe antagal na pala nun no, halos 10 years na rin. Tinawag itong Young Adult Fertility Survey at ito yung isa sa mga findings niyan. Basahin ko ha:

Findings also show that the youth is getting to be less religious in general. Using attendance at religious services as a measure of religiosity, fewer people attend religious services at least once a week, and more people reported they rarely or never attend religious services in 2002 than in 1994.

So mas tinamad na magsimba ang mga kabataan ngayon. So ibig sabihin, nababawasan ang pagka-religious ng mga kabataang Pinoy.

O eto pa. Meron pang isang trend na nagpapakita na mas liberal na raw ang mga kabataan ngayon. Eto eh, ayon pa rin doon sa Young Adult Fertility Survey na hiniram ko naman sa blog ni Kuya Kevin sa kuyakevin.blogspot.com. Ito yung sabi niya:

“According to the State of the Philippine Population report, there is a very disturbing trend here in Manila. Almost 4 out of 10 young people are deciding to engage in premarital sex. The highest rate of premarital sex in the Philippines is right in Manila. This means almost 40% of our young people will put themselves at risk of experiencing the spiritual, emotional, and physical consequences of having sex outside of marriage.”

I-highlight ko lang yun ha?

4 out of 10 young people are deciding to engage in premarital sex.

That’s 40% ng mga kabataan natin. So here’s an exercise. Mag-isip ka ng sampung pangalan ng mga kaibigan o kaya kaklase mo. O, naisip mo na ba?

Kung tama yung statistics na binasa ko kanina, ibig sabihin malamang apat doon sa sampung kaibigan mo ay may balak, o kaya, nagpapraktis na ng premarital sex.

Parang medyo disturbing nga ano? Medyo alarming!

Ito nga, parang andami ngang nagbabago, at siguro, tama yung mga matatanda, tama yung mga parents at mga grandparents natin.

Dumako naman tayo sa usapang Facebook. Tinanong ko yung ilan sa mga Facebook friends ko, kung tingin ba nila eh ibang-iba na ang mga kabataan natin ngayon? And in what way?

Ang sabi ni Maynard, Oo naman, mas high-tech na sila. Mga two-year old kids ngayon eh marunong na gumamit ng iPhone at iPad.

Sabi naman ni Vic: initial impression, the answer is yes. But it could be na the change is not just sa mga kabataan but society in general.

Sabi ni Ron: Different culture, same mindset. Wika nga ni Alphonse Karr, “the more we change, the more we stay the same.”

Sabi ni Stella: Young people are also more socially involved due to Social Media. Quotes on the more: kasi pwedeng mababaw lang talaga ang involvement, tweets, etc. and not translated to more concrete actions.

Sumagot uli si Ron, sabi niya: On the surface, ibang iba ang dating ng mga youth ngayon. The same ang observation ng each previous generation on the next, but that’s a cultural, sociological perspective. Teka lang, parang dumugo ilong ko doon ah. Sabi pa niya, the same basic psychology hasn’t changed sa mga youth throughout generations. And technology has not affected it. Rather, only allowed it to be more realized.

Sabi naman ni Fort: Mas mabagal magmature ang mga kabataan ngayon, lalo na ang mga lalaki. The attention span is quite short. Too many trivial pursuits. Yes, advanced when it comes to technology, but sorry guys, take it or leave it na lang.

Iyan ang sabi ni Fort. Parang tama ba yun? Na mas matagal talagang mag-mature ang mga lalaki? Hmmm..

Sabi ni Lizette naman: For me, Yes po! Yung character and attitudes po kasi ng mga youth nowadays ay naaapektuhan ng culture. Since most of the youth ay exposed sa media, malaking factor po ang media sa honing. Also yung technology rin, everything is at the tips of our fingers. Kaya ang learning ay hindi po limited sa classroom. Saka oo, most parents nowadays ay working. Kaya naman po, may mga youth na uhaw sa parental guidance. Because of that, some of them, do nasty and inappropriate acts, just to catch their parents’ attention. Others neglect their parents because of their absence.

So yun, iyon yung sabi ng mga Facebook friends natin. Kung gusto mo namang magreact, eto ang question natin for the week: “Ibang-iba na nga ba ang mga kabataan ngayon? Bakit and in what way?”

So if you want to give your answers, punta lang kayo sa Facebook.com/PinoyYouth. Ifollow mo na rin ang Twitter natin: twitter.com/pinoyyouth o kaya, kung magttweet kayo sa amin, gamitin lang ang hashtag #pinoyyouth.

At saka pwedeng pwede rin kayong mag-text sa DZMR hotline: 09175648388.

Whew. Ang bilis ng oras ano, ganun-ganon lang, matatapos na ang ating programa. Pero nagpapasalamat ako sa pakikinig ninyo ngayong gabi. Huwag ninyong kalimutang ibahagi ito sa mga kaibigan at katropa ninyo. Sabihin nyo, merong bagong programang para sa ating mga kabataan. At ito nga ang Generation Y Chronicles.

Sa susunod na episode, itutuloy natin ang ating discussion. Same question pa rin: “ibang iba na nga ba ang mga kabataang Pinoy ngayon, at sa paanong paraan?” Pero next episode, pag-uusapan naman natin yung the other side of the argument. Yung tipong, “Hindi! Ang mga kabataan noon at kabataan ngayon ay pareho pa rin!”

So abangan ninyo yan mga katropa, next Monday, alas siete hanggang alas siete y media ng gabi, dito sa DZMR.

Ito si Kuya Mighty para sa Generation Y Chronicles. Dahil ang buhay kabataan, minsan madrama, minsan comedy, minsan hindi mo lang talaga maintindihan. Kaya pag-usapan natin katropa hanggang sa muli nating pagkikita.

This program is brought to you by Young Peoples’ Ministries of the United Methodist Church and this station.

1 Comment #001: Ibang-iba na nga ba ang mga Kabataang Pinoy?[PODCAST]

  1. benji cruz

    we’re trying to reach out to our young people today and point them to the healing and compassion of Jesus, especially as that relates to their relational and sexual issues. this radio episode is very helpful on defining and giving a profile of who is the Pinoy youth. salamat for having this radio program. bless you mighty and your team.

    Reply

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *