This episode is a bit late. Sorry folks. The Holy Week vacation mode caught up with me.

Ito na po ang GenY Chronicles Episode #008

Heto na nga ang summer, walang pasok, walang trabaho, anong gagawin mo? How can you make your summer memorable and productive?

Right click here to download the mp3

episode8

Grabe na talaga yung init ano? Hindi natin maipagkakaila na yung init talaga ngayon, kakaiba. Although, paminsan-minsan umaambon, umuulan, kaya parang weird ano ang panahon natin.

Siguro ito na yung epekto ng tinatawag na Global Warming. Eh kasi naman napakaraming pollution na ang idinulot natin sa ating environment. Kung magtapon tayo, kung magsunog tayo, kung anu-ano ang pinaggagawa natin. And that’s why, somehow, we are reaping the consequences of our actions.

Kaya mga tol, etong summer na to, kelangan nating isipin kungpaano tayo makakatulong sa ating environment even in our simple ways.

And speaking of summer, Holy Week ngayon no, how do you plan to spend this?

Maraming mga taga Maynila, taga-City ang nagbabalak umuwi sa kani kanilang mga probinsiya. If you just listen to the news, or watch TV, traffic na naman diyan sa bandang Cubao, traffic na naman sa bandang mga bundok-bundok. Siguro diyan sa are ang STa. Fe sa Nueva Ecija, even sa areas ng Bulacan at Cabanatuan, basta may daan, I’m sure traffic.

Hindi natin maikakaila, tayo kasing mga Filipno, napakaimportante sa atin yung family ties. And that’s why, we take each time we have, para lang maenjoy natin yung ating time with our family and friends. It’s also at this time na talagang walang pasok.

So imagine, yung ibang mga employees, Lunes pa lang, nagli-leave na sila sa work, para right before Holy Week eh makapunta na sila dun sa kanilang hometown sa probinsiya o kaya dun sa pagbabakasyunan nila. At pagdating dun sa kanilang destination during the Holy Week, and even after, i-enjoy lang ang buhay. Relax, relax, walang deadlines, walang problema. Talagang kung ligo sa dagat, ligo sa dagat. Kung ligo sa resort, ligo lang sa resort. O kaya kung nasa bukid, just enjoy fruits and vegetables and native chicken at kung anu ano pang mga pagkain na sa probinsiya lang masarap kaninin.

How about you tropa? Anong balak mo ngayong summer na to?

Of course, walang school niyan, wala ring work for some of our older young people. And itong panahon na to, from April to May, una mainit, pangalawa, wala kang masyadong gagawin, unless pag-isipan mo talaga na may paglalaanan ka ng panahon mo.

How are you going to spend your summer?

SONG: Bakasyon by Peryodiko

At ngayong episode na to, pag-uusapan naman natin how to make your summer productive and fun.Mahalaga talaga yung fun part ano? Kasi, even if it’s productive, but it’s boring, parang not worth it ano?

Speaking of boring. Ang kalaban talaga nating mga kabataan ngayong summer time ay boredom. At ito pa yung sabi no? The idle mind is the playground of the devil. Kaya kung minsan, kung wala kang ginagawa, kung anu ano ang naiisip mo. Maya maya, nakahilata ka lang, maya-maya nakatunganga ka lang, and kung anu-anong naiisip mo. Minsan nadedepress ka nang hindi mo maintindihan. Minsan, yung iba nating mga tropa diyan, umagang umaga pa lang, may mga bote nang kaharap. Umagang-umaga pa lang, meron nang stick na nakalagay sa pagitan ng dalawang daliri. You know what I mean.

Eh kasi nga, dahil sa boredom, walang magawa eh.

So, today, we have some tips for you. Ano ba yung mga pwede mong gawin ngayong summer time. Ano ba ang mga pwede mong paglaanan ng panahon? Ano ba yung mga pwede mong pagkaabalahan.

So, let’s get it on, dude!

Una, dahil summer time ngayon, it’s important for you to have some rest.

Kung nag-aaral ka o kaya nagtatrabaho ka, alam mo yung pressure, alam mo yung time na ginugugol mo para lang makapagreview ka, makapagpasa ka ng mga papers mo, sa school. At minsan, yung pressure nay un talaga eh nararamdaman mo, hindi lang katawan yung napapagod. Actually, kung ngang lagi kang nag-iisip, lagi kang may ginagawa, lagi kang may pinag-iisipan. Nakakapagod din yun ah!

Actually, tingnan mo yung mga nagwo-work, kahit nasa Call Center yan or halimbawa na, nasa office, kahit maghapong nakaupo lang yan, pagod yan at the end of the day, kasi nga, ang utak natin, kumakain din yan ng energy and so, kung dumaan ka sa isang very rigorous semester—ang dami mong term papers na kinailangang ipasa, andami mong quizzes and exams na kinailangang pagdaanan, aba, eh you deserve some rest. Eto yung PMA… Pahinga Muna Anak. Pahinga muna dude.

And kung magpapahinga ka, make sure na magpapahinga ka talaga. Madalas kasi, tayong mga kabataan, we want to have fun, fun, fun. Kaya tuloy, kapagka summer time, if you have a computer at home at meron kang games na nakainstall dun, parang gusto mo lagi naglalaro diba? Now if  you have a Smartphone at marami ka ring games na nandun, minsan, gusto mong tapusin yung mga games na nakainstall, like, halimbawa na, Angry Birds. Kung dati, hindi mo magawa yun, dahil nga busyng-busy ka sa trabaho or sa pag-aaral. Now, you have some time.

Which leads us to our next tip: For this summer, have some fun!

Magsaya ka naman. Mag-enjoy. Have some recreation. At sa mga kabataan ngayon, ano pa ba ang masayang time kundi ang mag-swimming! Saktong sakto, it’s the summer time, mainit, diba? So anong pwede nating gawin? Tara sa ilog! Teka lang, baka yung iba nating katropa diyan eh wala namang ilog na pupuntahan. And besides, yung ilog minsan, hindi ka sigurado kung malinis. And the other thing is, pwede ka ring magpunta sa resort, pwede kang mag-relax, pwede kayong magpunta ng barkada just to have some fun, diba? And it’s a good way to relax. Mag-swimming, magpaitim ng konti, kahit anong sabihin nila. Parang hindi ka nagsummer, kung hindi ka umitim diba?

So yun dude, have some fun.

Ang sabi pa nga nila, all work and no play makes Juan a dull boy. So hindi ito yung doll na like chaka doll, dull! Ibig sabihin eh nakakabobo. Dull, ibig sabihin, you’re not functioning right in the head. At totoo naman. Kung puro pressure yung iniintindi natin at nawawalan tayo ng play, nagsa-suffer din yung ating mental health, yung ating emotional health. So if you have some time now, grab it! Have some fun! Do some recreation!

At ang ating pangatlong tip, Work! Have a summer job.

Pwede mong sabihin, “teka lang kuya Mighty, kakagaling ko nga lang sa school, andami-daming pressure dun. Tapos you want me to have some work again?”

Nabalitaan nyo yung nangyari kay Kristel Tejada ano? Yung UP student na nag-suicide dahil hindi nakapagbayad ng kanyang tuition fee. Maraming factors ang suicide and isa nga doon yung tuition fee na hindi kayang bayaran ng kanyang family. Wala siguro silang mapapagkukunan. So ang suggestion ko, tulungan ninyo ang mga parents nyo para magkaroon kayo ng pambayad for the tuition fee.

Isa pang importance kasi ng pagtatrabaho ngayong summer time, it’s you are taking your time and using it productively. O, tingnan natin yung alternative. Kung hindi ka magtatrabaho ngayong summer, what are you going to do? Kung ikaw ay isang ordinaryong kabataan, tulad ko, tulad ng kapatid ko, at tulad ng maraming mga thousands ng mga kabataan natin ngayon, if you’re a typical one, madalas ang gagawin natin… eto, eto lang: Manood ng TV, mag-Facebook at mag-internet. Tumambay kasama ang barkada. Mag-inuman.

Iyan, iyan ang mga the usual na pinaglalaanan ng panahon ng maraming kabataan. Oh, yeah! At mag-computer games. Right?

If you are able to find work, isipin mo, makaka-earn ka ng siguro, at least P3,000 pesos. Hindi na masama di ba?

Pang-apat, learn something new!

Just to do that, pwede ka namang mag-enrol ng isang summer class. Yung ibang mga parents, gusto nila matuto yung mga anak nila ng musical instruments—guitar, piano, drums, violin or something else. But if you want to learn something, marami ka namang pwedeng matutunan, pwede kang matuto ng programming language, halimbawa, HTML, CSS, or PHP. Alam mo, napakaraming resources online na pwede kang makita. So kung meron kang access sa Internet, huwag ka lang magsu-surf sa Facebook, Twitter,  at kung anu anong mga websites. Kung anu-anong mga website. EI dude, you know what I mean. Yung tipong pag gabi, anong mga tinitingnan mo ha?

You know, pwede mong gamitin yung Internet time mo for productive use. Ibig kong sabihin, just go to YouTube, pag-aralan mo paano mag-edit ng pictures sa Photoshop, paano gumawa ng website, paano mag-blog, paano kumita ng pera through the Internet.

So if you just spend time, about 4 hours per week. O, mababa pa nga yan eh. Halimbawa na, 2 hours per day na pinapractice mo yung gusto mong pag-aralan. That will be a very big help dun sa pag-develop mo bilang isang estudyante, at bilang isang kabataan.

Kung gusto mo rin palang matuto ng musical instruments, pwede kang mag-aral ng gitara, drums, pwede kang matuto ng bass guitar and other musical instruments. Actually, kung malapit ka sa isang Christian church, check mo lang. Usually, may mga summer workshops na inooffer sa pamamagitan ng mga churches na iyan. At pwede ka nga matuto ng mga musical instruments at malay mo, dib a? Madiscover mo yung talent mo. Just explore some ways na maging better yung experience mo during the summer.

Panglima, since election year ngayong 2013, pwede ka ring tumulong sa political campaigns.

O, I know, meron mga magsasabi diyan na “politics is dirty, you know, bakit ako tutulong diyan?”

But you know what, if you are 18 years old and above, isa sa mga duty natin bilang mga citizens ng Republic of the Philippines ay ang paglabas at pagboto on election day. That’s one of the minimum requirements natin bilang mga responsible citizens. Kaya dude, kung ikaw ay isang registered voter, sa May, make sure na lumabas ka para bumoto.

But, you can also have some additional experiences, some additional ways para ka makatulong. Pwede kang mag-volunteer as a poll watcher. Icheck mo lang, merong mga organizations diyan na nag-ooffer para makatulong ka sa honest, orderly, and peaceful elections. Ang isa pang maganda diyan is that you have an idea kung paano tumatakbo an gating political system.

I know, I know. It’s not going to be easy. At minsan, eh baka madisillusion ka. Makikita mo na “ay, andaming nagaganap palang kalokohan.”

And that’s part of your education. Makikita mo na eto yung kalakaran, but it doesn’t have to be that way. Because if you become a responsible citizen, meron kang magagawa para sa pagbabago ng ating bayan.

O eto pa, next tip natin. Simpleng simple. Clean up your room and your house.

Matutuwa yung nanay mo sa iyo. Imagine, for the first time in one year siguro, malilinis yung kwarto mo dib a? So pag natuwa say o yung nanay mo, ibili ka pa ng ice cream or whatever. Pero yung mahalaga dun, during the summer break, maglaan ka, kahit isang araw lang, linisn mo yung kwarto mo, linisin mo yung bahay nyo. Eh tinitirhan mo yan eh, you might as well make it clean diba? At ang isa pa, it will also help you do something productive during the summer.

And lastly, tropa, enrich your spiritual life.

Ngayong summer na to, napakaraming opportunities for you to learn something. Depende sa church mo, minsan, kahit ang Roman Catholic Church, yung mga Baptist churches, Alliance churches, mga Bible churches, napakaraming opportunities na inooffer yan for young people.

Usually, merong mga  summer retreats, merong mga Summer Camps na pwede kang atendan. And you will learn a lot of things. Sa United Methodist Church, merong tinatawag na School for Christian Youth Development. So, eto sa SCYD, we learn so much about our Christian faith and our lives as young people. At pagdating nga sa spritiual life, marami ka dapat matutunan about the Bible, about yourself as a young person. About your life as a Filipino. Ang spiritual naman, hindi lang yan yung tungkol sa religion diba? Yung tipong meron kang halo sa ulo mo, kulang na lang tutubuan ka na ng pakpak. Actually, pag sinabi nating spiritual life, it’s about your totality, minsan kasama yung physical aspect mo diyan. Yung mental aspect ng buhay mo. Even your emotional aspect.

Kasi we see life as a wholistic, isang buo… buo dapat ang pagtingin natin sa buhay natin. Hindi natin iyan kino-compartmentalize! And so, kapag paglalaanan mo ng panahon yung spiritual life mo, minsan marerealize mo din na “Oo nga, limited ang buhay ko no? And what am I doing with my life?”

So, within the next two months ang challenge ko sayo tropa, enrich your spiritual life.

Song: Tayo na sa Beach by Parokya ni Edgar

Kita mo ano, napakaraming pwedeng gawin this summer. At instead na ngumanga ka lang, tumambay tambay ka lang everyday for two months, why don’t you do something good, something productive? So ito nga yung mga tips natin no? Para ka magkaroon ng isang productive and fun summer:

Una, rest. Have some rest, you deserve it. Napagod ka sa college, napagod ka sa trabaho, napagod ka sa pag-aaral So rest.

Pangalawa, have fun. Do some recreational stuff. Mag-enjoy ka kasama ng mga barkada, kasama ng mga kaibigan.

Pangatlo, have a summer job. Mag-ipon ka para sa pang-tuition mo, magkaroon ka ng experience kung paano kumita ng pera, and it will help enrich your life, and your parents, too. Matutuwa din ang parents mo.

Pang-apat, learn something new. Andami mong pwedeng matutunan—musical instruments, bagong skills, and andami! Just take your pic, marami kang pwedeng matutunan.

Panglima, volunteer as a poll watcher. Since election year ngayon, you will be able to learn about our political system.

Next, is to clean up your room and your house. Matutuwa ang parents mo say o.

And lastly, enrich your spiritual life. Itong summer na to. This is my challenge, make it productive, make it fun. But most of all, I’m really hoping na maenrich ang buong buhay mo ngayong summer na to.

Kung may mga katanungan ka, reactions, at gusto mo lang makipagkonek, makipagkwentuhan, hanapin mo an gating Facebook page sa Facebook.com/PinoyYouth, and if you’re on Twitter, mag-tweet ka lang sa amin using the hashtag #PinoyYouth. Pwede kang magtext tropa: 09266889902.

Kita mo nga, ambilis ng oras natin ano? Ramdam na ramdam ko na ang summer. Grabe. Mainit at well, pinag-usapan natin ngayong yung dami ng mga pwede mong gawin ngayong summer na to. And I’m hoping that you will make it count. Make your summer productive and fun. So ito si Kuya Mighty para sa GenerationY Chronicles, dahil ang buhay kabataan, minsan madrama, minsan comedya, minsan hindi mo lang talaga maintindihan, kaya pag-usapan natin tropa hanggang sa muli nating pagkikita.

This program is brought to you by Young People’s Ministries of the United Methodist Church and this station.