#009 – Youth Suicide

Sharing is caring...Email this to someoneShare on FacebookShare on Google+Tweet about this on TwitterShare on LinkedInPin on PinterestShare on RedditShare on StumbleUponShare on Tumblr

Hey folks, it’s been awhile since I’ve posted the GenY episode of the week. This week, we’re catching up by uploading, not just one, but three episodes. 🙂

With GenY episode 9, I interviewed Mr. Philip Arandia, a pastor and a recent graduate of Asian Theological Seminary, about ways to help those who are struggling with thoughts of suicide.

Right click here to download Episode #009

The transcript is below. Special thanks to Bro. Jess Stanley Avila of Nueva Ecija for transcribing this episode.

Generation Y Chronicles Episode # 9

Parang mas nagiging mas “emotional” ang maraming kabataan ngayon, nababalitaan natin na may mga nag sui-“SUICIDE”. Paano mo ba malalaman kung “SUICIDAL” ka? Anong dapat mong gawin kung may kaibigan kang nagiging “SUICIDAL” na?

Mga tropa welcome sa isa nanamang episode ng Generation Y Chronicles, ito si Kuya Mighty at magkakasamasama nanaman tayo sa 30 minutes ng kuwentuhan tungkol sa buhay kabataan. Ahhmm, kamakailan lang nabalitaan natin ung case ni Kristle Tejada, yung estudyante ng UP Manila na uminom ng cleaning liquid dahil nga hindi niya nakayanan ang “PRESSURE”. Siguro maraming mga dahilan, ano? Kung bakit siya nagpakamatay, pero ang isa sa mga lumutang na reasons sa kanyang pagkakamatay, ay yung hindi niya kayang bayaran ung tuition fee sa UP Manila. Nung ako ang estudyante ang tuition fee namin sa UP Diliman ay nasa 300 pesos per unit, so ang binabayaran naming per sem nasa six thousand (P6000.00) hanggang eight thousand (P8000.00) no.., depende sa number of units at depende sa mga, ah kung meron kang laboratory na kukunin. Kayalang aahhh kalian lang, I think about two (2) or three (3) years ago, nagkaroon ng tuition fee increase at ginawa na ngang one thousand pesos (1,000.00) per unit sa UP system. Although meron namang tinatawag na socialized tuition fee ahh…, system.., ung ibang mga estudyante libre, ung iba nagbabayad ng three hundred (P300) per unit, ung iba naman ay full tuition ang kanilang binabayaran, depende sa kanilang economic situation. Kaya lang wala namang mga perfect systems , ano? Kaya marami ang mga nagrereklamo dito sa socialized tuition fee system ng UP, yan ung tinatawag na STFAP, dahil nga raw hindi ito accurate at hindi nabibigyan ng pagkakataon ung mga poor but deserving students na makapagaral sa University of the Philippines, at ngayon doon sa case in Kristel Tejada.., ahh.., nabalitaan natin na marami ngang nagreact dahil ito sa tuition fee na hindi kayang bayaran, ah siguro marami pang mga dahilan kung bakit siya nagpatiwakal.

Nabanggit ko rin sa inyo, na isa sa mga episodes natin nung February, ung aking pinsan who is a 21 year old guy na tiga Roxas, Isabela eh nagpakamatay din because of heart problems, emotional problems. Ngayon, pag-uusapan natin ang tungkol sa “SUICIDE”.
Hindi ito madalas pinag-uusapan dahil it’s a “thorny topic” , mahirap siyang pag usapan, ano? Lalong-lalo na sa emotional state ng mga kabataan, at minsan ito ay tinatawag na “TABOO”, o kaya eh, parang off limits pag-usapan, ano..? pag-usapan sa atin society. Ano ang mga factors kung bakit naiisipang mag suicide ng mga kabataan?

Para talakayin ang usapang ito, meron tayong special guest, si Mr. Philip Arandia, isa siyang graduating students ng isang masteral program sa Asian Theological Seminary at nag research siya patungkol sa “suicide” at ito nga, paguusapang natin, makikipag kuwentuhan tayo sa kanya tungkol sa napapanahong bagay na ito.

Again, kasama natin ngayon si Bro. Philip Arandia, ah.., kasalukuyang kumukuha ng kaniyang Masters in Counseling sa Asian Theological Seminary, so since patapos na ung semester and I know na graduating ka ahh.., Philip.., Can you, ahh.., can you tell us about what you are taking in ATS..,

Bro. Philip: ” I am basically taking Counseling, so it’s an integration of Psychology and Theology, parang naging interested ako sa subject of “suicide” so ung inclination ng research ko at even ung therapy approaches ko is really on that area”

Kuya Mighty: Ah, bro, can you tell us a little bit dun sa reaseach mo on the subject of suicide.

Bro. Philip: Okay, basically first let’s define suicide, suicide is self murder.

Okay, it’s an inflicted harm to your self and ahh.., yon.., and marami siyang mga nuances, maraming mga pagkakaiba kasi, for example sabi ng, this is from abroad, sabi ng American Foundation for Suicide Prevention, there is at least one (1) person every forty (40) seconds who actually commits suicide and that’s a very alarming, it’s anywhere in the world but it’s one person in every 40 seconds. So, although siguro hindi masyadong narereport dito sa Pilipinas noh, pero there are many cases already na nangyayari ito sa ating bansa.

Kuya Mighty: ayun na nga, naghahanap ngarin ako ng statistics about sa suicide at wala akong masyadong nahanap eh, parang pagdating sa reporting mahina nga yata tayong mga Pilipino, ‘no?

Bro. Philip: siguro, kasi nga meron siyang kaakibat na stigma or parang pwede nating sabihing hiya. Kasi, diba yung ating kultura ay parang ano, ay mataas ung parang resilience, parang we are happy people kasi, tapos ung suicide is not really an option for most of us. Na parang if you are actually thinking about this, parang may tendency na i-ano ka as a weak person eh.., so parng, tapos yun ding hiya na mararamdaman ng pamilya, so I know of people, for example, I know of families na merong nag suicide sa families nila at itinatago nila ito kasi nahihiya sila sa sasabihin ng mga tao. So kaya siguro din hindi, walng masyadong report regarding this kasi itinatago siya.

Kuya Mighty: So yan, so siguro nga hindi talaga natin matatanggal na ung Theological Background and even ung Traditions natin eh may impact duon sa paano natin tinitignan ung suicide bilang isang lipunan, bilang isang bansa.

Bro. Philip: OO, and actually siguro maganda rin nating ano.., ahh.., yung…, ah…, tignan ung pagkakaiba noh.., kasi ung mga nag commit ng suicide actually ang pwede nating itawag sa kani ay “suicide offender”. Yung mga naiwang pamilya sila actually yung tinatawag na “suicide victim” kasi by the time na nawala yung mga nag commit ng suicide ang naiiwan yung pamilya, so ung pamilya ngayon ang naiiwan na harapin yung shame, harapin ung disappointment, yung grief, so sila ung…, katulad nga nung sa pinsan mo diba, parang hindi ma-explain yung nararamdaman kasi nga yung naiiwan sila nga yung biktima actually.

Kuya Mighty: That’s.., parang, that’s the first time I’ve heard it na it’s said that way noh.., kasi.., ou nga kung kaibigan mo tapos iniwan ka, at some point iisipin mo rin na.., what.., ano kayang nagawa ko sana.., para at least natulungan siya sa pinagdadaanan niya or something like that, ano?

Bro. Philip: Oo, and yun nga, you undergo that process eh.., and.., although un nga.., kasi sinasabi pa ng minsan ng iba na totoo naman un na may mga trigger eh.., may mga.. kung minsan hindi natin alam may mga nagagawa tayo sa isang tao, tapos un gang nagiging trigger para sila ay mag commit ng suicide. Tapos sa punto de vista ng ibang tao ang biktima ay yung offender eh pero tatanungin mo rin yung sarili mo eh, ano ngayon ung nangyayari duon sa mga naiiwan? Bilang tao we have to move on at kailangang iproseso ung mga naiwan.

Kuya Mighty: Siguro magandang tanungin natin.., Bro. Philip, sa tingin mo, ano ba yung early warning sign ng isang suicidal na tao?

Bro. Philip: Una siguro ung pagkawala ng interest., may pagbabago sa behavior, uhhm, halimbawa, especially if the person is medyo pleasant yung personality tapos later on biglang nag dwindle down, tapos nawawalang siya ng interes sa mga bagay-bagay na dati niyang ginagwa, that could actually be an early sign of depression. Of course different yun pag yung personality niya, medyo ganun na, emo-emo na siya.., mahirap tukuyin yun, tapos isa sa mga early signs then pa gung pre-occupation of death nung tao, nagtatnung siya about sa death, halimbawa, sa tingin mo pag namatay ako saan muna napupunta yung tao? yung mga ganun, o kaya.., sa tining mo pag nagsuicide???yung may mga ganun.., kahit na mga pasimple lang na tanong about sa kamatayan especially sa suicide medyo ma-alarm kana! Bakit??? Bakit tinatanung nung taong yon. Tapos sirugo din ang pinaka imporatante is yung tao, yung nagbibigay siya ng importanteng bagay sa kanya na galling sa kanya, yung keep sakes niya na alam mong importante yun tapos binibigay niya sa iyo.., that’s actually a sign na…, na parang pamamaalam..,

Kuya Mighty: So ibig sabihin noh, kung ahh…, depression talaga could lead to suicide noh?

Bro. Philip: Oo naman.., kasi may sense of ano yan eh… yung tao may sense of alienation, ung ganun, ung ina-isolate niya yung sarili niya, so ayun.., ou.. maari.., especially yung personalit ng tao ay depressive talaga., “EMO” nga sabi ng mga kabataan natin , may pagka “EMO” eh medyo alarming yun, oo…,

Kuya Mighty: How about ano.., siguro.., ah.., tignan naman natin ano ung ibang causes ng depression.., kasi for sure yung iba parang.., parang sa iba halimbawa na ano.., sa tingin ng iabng tao mababaw lang yung pinaghuhugutan ng depression.., halimbawa na sabihin natin eh may pinabili sa magulang na iphone o kaya ipad tapos hindi napagbigyan.., sa iba naman siguro .., I don’t know… maybe love life…,

Bro. Philip: Siguro sa bigger picture, ang tawag ko diyan ay pagkakaugnay-ugnay ng kahulugan, sa ingles ay framework of meaning. Kasi ang mga tao meron nga siyang framework of meaning, pagkakaugnay-ugnay ng kahulugan sa kanyang buhay, ibig kong sabihin, ito yung mga bagay sa tingin niya pag nawala parang wala narin yung buhay niya. So in that sense, yung love life can be a framework of meaning sa isang tao. Kaya hindi mo rin maalis sa mga kabataan kung minsan diba yung masyado silang inlove, yung ganun, so pag nawala itong lovelife na ito talagang nalulungkot sila t pos kung minsan nga nadedepress sila hindi makapag move on, kasama yun eh.., ok?

Yung sinabi mo kanina iphone, yung ganun framework of meaning din yan, kasi mahalaga sa mga kabataan din yung ano, yung.., diba yung may prino-project ka na “uy, sunod ako sa uso” but I am not saying sa magulang na kung ano yung kapritso ng anak mo, ibigay mo.., hindi ko sinasabi yun ano, hindi rin ito pwedeng gawing rason sa mga kabataan na, “o nay, ito ung framework of meaning ko, ibigay mo ito” hindi pwedeng ganun.., yun lang so, pag actually si Kristel, pagusapan natin si Kristel Tejada noh, nakikita ko din na yung, maari na yung kaniyang pagaaral sa UP, maari nating yung tignan na framework of meaning, ok? Kasi by the time na nawala yung framework of meaning mo sa buhay, magkakaraoon ka ng, pwede nating sabihing “intrapyschicgrief”, ito ung pagdadalamhati ng iyong pagkatao at kaisipan, ok? Kasi ito yung lost of ideal o lost of dream. Dito, akala natin yung pagdadalamhati ay nagyayari lang kapag namatayan tayo ng isang tao, ng isang pet…, hindi…, yung pag dadalamhati nangyayari din siya pag nawala yung isang bagay na future, kung minsan yung future, pagnawala sa tingin mo yung future mo dapat, pag nawala yun sa iyo, magdadalamhati ka. And si Kristel maari nating tingnan na maaring naranasan rin niya ito. Especially, kung yung kahalagahan ng buhay niya is yung pag aaral sa UP, ok?? So nung nawala ito parang, maari nating sabihing na-shutter ung mundo niya , nawasak, ok? So because of that, unfortunately, she committed suicide, nakakalungkot..,

Kuya Mighty: So ganun pala ka importatante yung mga dreams, ano? At kung ano yung pinapahalagahan mo, kaya siguro ah.., dun sa mga katropa nating mga kabataan ngayon ang kailangang…, ang importanteng gawin nila would be to.., at some point to hold on to their dreams.

Bro. Philip: Ou naman, tama yun, tama yun.., Magkaroon ka ng pangarap, kasi it’s something that you would live for eh.., yung parang you wake up everyday, diba? And actually, yun nga.., kaya nga ako naniniwala ako na kung meron kang “espiritwalidad” yung meron kang pinaniniwalaang Diyos that will keep you grounded eh,.

Kuya Mighty: Dito sa.., sa Pilipinas.., tanggapin natin na.., Una, maraming sagabal sa mga pangarap at sa mga dreams natin and may mga times talaga na kumbaga eh, reality bites.., and sometimes yung mga dreams mo hindi lang mababasag.., minsan.., aapak-apakan pa ng mga tao to the point na minsan, darating at darating ka dun sa time na wala kang panghahawakan .., ano? So kapg nangyari yun, halimbawa na nabasag yung.., yung.., pangarap mo.., yung dreams mo.., at alam mo yung parang.., siguro yung rock bottom na wala kang panghawakan.., paano ba dapat i-handle ng mga kabataan natin yung.., yung ganon klase ng grief.., yung ganung klase ng depression???

Bro. Philip: You talk to someone.., ou… siguro.., yun yung ma-aadvise ko.., unang-una.. you talk to someone.., someone na talagang mapagkakatiwalaan mo.., na alam mo yun.., ilabas.., ang tawag naming diyan sa sikolohiyang Pilipino.., ihinga mo siya., so dapat may paghinga ka o kaya yung meron kang mapagsasabihan talaga.., and kung meron.., mas maganda rin kung may tao kang masasandalan noh., yung willing na i-ano.., na dalhin kung ano man yung.., yung mabigat mong dinadala.., so basically., iyon.., and actually ano nga eh,.. ahmmm.., thankfully.., dito sa Pilipinas eh.. we have close family ties.., so actually, isa yung sa mga ano.., advantages natin bilang Pilipino.., na pwede kanga no.., pwede ka pang bumangon ulit duon sa nagyari sa’yong pagwasak ng iyong.., nang iyong mga pangarap.., pwede kang bumangon., kasi maasahan mo yung mga kamag-anak mo, yung mga pamilya mo.., tapos of course.., kung meron kang pananampalataya ba.., naniniwala ka sa Panginoon.., that’s also a handle for you.., it’s another reason for you to move on, to live on you life..,

Kuyan Mighty: Yun yung mahalaga ano., kasi kung masaya ka at malungkot ka.., ang hirap pag wala kang mapagsabihan., ano???

Br. Philip: Oo, kaya siguro din.., duon din sa mga kabataan natin.., kung may mga kaibigan tayong ganun.., pakinggan natin sila.., wag nating silang baliwalain.., kasi lahat naman tayo dumadaan sa punto na kailangan natin ng kausap.,, ang tawag ko kasi.., may tawag diyan sa Psychology.,” internal locus of control tsaka “external locus of control”.., ibig sabihin yung.., internal locus of control.., ito yung mga resources mo within, yung resilience, yung hope., so dito ka nag dra-draw ng strength para sa iyong buhay.., tapos yung external naman.., ito yung mga bagay na nangyayari sa iyong buhay na nagkakaroon ng depression, yung parang psychological anguish or psychological pain,., pag halimbawa, masyado ng maraming nangyayari sa panglabas tapos hindi na siya maproseso ng iyong panloob na pagkatao.., so kung nagyayari yun., yun nga.., unfortunately., people attempt suicide.., and actually, you know.., yung people.., yung mga tao na nag aattemp ng suicide.,, usually.., actually.., a cry for help.., isa iyon na way nila para huminingi ng tulong na hindi na nila kaya yung nararanasan nila yung ano.., uhmmm yung sakit ng kalooban., so most.., yun nga.., especially sa mga young people., they do that.., they attempt suicide or they cut themselves., it’s because yun nga, paghingi ng tulong yun for them and they don’t know how to verbalize it., kaya ang ginagawa nila is they inflict harm to themselves.,

Kuya Mighty: Hmm.., wow! Very interesting, ano? So brother, anong pwede mong ipayo siguro sa mga.., halimbawa na mga barkada.., o kaya mga kapamilya na halimbawang napapansin na medyo may early warning signs na nga ng depression sa mga kabataan?

Bro. Philip: Talk to them, and more importantly is wag ka munang magbigay ng advice.., Listen to them.., kasi yun din yung problema din sa atin minsan…, we think we know everything.., especially.., ewan ko.., especially.., sa mga kristyano noh.., when we quote verses agad agad.., the more important thing is you listen first.., you listen first…, and you let the preson process his emotions and feelings.., yun yung pinaka importante eh.., yung merong making sa kanila.., tapos kung halimbawa, later on by the time na nai-hinga na nila yung mga problema nila sa iyo, then, iproseso niyo yun., tapos siyempre tanungin.., tanungin niyo sila kung.. especially, pag close friends mo na ito.., pwede ninyo silang tanuning kung they are actually thinking about that., naiisip naba niya yung suicidal aviation na tinatawag.., naiisip naba nila iyon,.., kung naiisip na nila iyon then tanungin mo ulit kung bakit sa tingin mo nagyayari ito…, so it’s probing and probing.., tapos dapat mapipakita natin sa kanila na we can be there for them no matter what happens.

Kuya Mighty: Wow! So well, siguro sa isang, in one word noh., parang love..,

Bro. Phili: Ou., love and acceptance.., at yung nga.., understanding.., pag-intindi sa kanila.., kung minsan may mga bagay kasi na pinagdadaanan yung mga kabataan natin na akala ng punto de vista ng mga matatanda eh ang OA naman.., pero actually, it’s valid eh.., kasi.. dabi ko nga kanina yun yung reality nila.., yun yung mundo nila.., yun yung framework of meaning nila.., so hindi mo yun pwedeng idisregard lang ng basta basta.,

Kuya Mighty: Napakahalaga talaga ng love and acceptance.., lalong-lalo na sa mga kabataan na., minsang yung identity hindi pa fixed at nag.., naghahanap pa talaga ng identity, naghahanap nung.., nung acceptance., at yung.., at napakaraming pinagdadaanan lalo na ngayon andaming stimulus, ano? Sa pagiging kabataan ngayong panahong ito.., at ahmm, at ayun nga nga.. siguro.., since….., as we wrap up Philip.., anong pwede mong maipayo sa mga kabataan natin especially sa pag handle nila ng kanilang emotional at mental health? Sa pag.., pag handle sa problema and depression..,

Bro. Philip: ahhh., “FRIENDS” – don’t isolate yourself. You are not alone, yun ang lagi kong sinasabi when I have workshop especially on “suicide and depression”. You are not alone, you are never alone. May mga taong willing mag invest ng kanilang buhay sa iyo, makinig sa iyo, ok? And sabi ko nga, especially, halimbawa yung issue ng love life ung ganyan, later on when you.., when you.., when you grow up, you will go back tapos matatawa ka nalang duon.., you just enjoy being a kabataan, being a young people, that is one of the best things in life, diba?

Kuya Mighty: Tama, of course, definitely!

Bro. Philip: so enjoy niyo lang iyan.., and uhhmm, kung may problema I belive naman na may mga ate’t kuya kayo sa church, may mga ate’t kuya kayo sa school.., may mga kaibigan kayo sa school, and since I’m a pastor also noh.., yung nga.., FAITH IN GOD IS REALLY IMPORTANT din.., that will give you a handle.

Kuya Mighty: Yeah at ang sinasabi nga nila, bottomline, kung .., if you can’t find a way out.., look up.

Bro. Philip: Yeah, oo nga no.., I remember that story.., when everyone is pressured in every direction.., look up! Hmm hmm.., and you arenot alone.., uulitin ko.., hindi ka talaga nag iisa.

Kuya Mighty: tska ano.., make sure na matuto kayong mag open up.., by faith..,

Bro. Philip: Oo, oo, oo.., especially sa mga kabataan natin na.., and you know.., what an interesting statistics also is, usually mga babae, mas maraming babae ang nag aattempt na mag suicide.., ano?., pero you know mas maraming lalake ang namamatay.., you know why??? Kasi yung lalake, usually ang ginagamit nila is mas lethal na paraan.., at ang nakakatawa pa nga yung mga babae, when they attempt.., they are actually thinking how they would look pa when they die.., seryoso.., kaya usually.., ang ginagamit nilang ano.., instrument to kill themselves.., is yung less lethal compared sa mga guys.., kaya mas maraming guys ang mga namamatay..,

Kuya Mighty: Wow.., so that’s interesting.., mas maraming babae ang nag-aattemp, pero mas maraming lalake

Bro. Philip: Ou, kasi nga, yun nga.. usually kasi nakabox din tayo na pag guy ka.,,pag lalake ka you can’t open up sa ibang tao , meron kang idea na “I have to be strong” but you know what.., hindi pwede yung ganun eh.., kasi ,.., tao lang naman tayong lahat., and I think it’s not cowardness na ipakita mo yung emosyon mo.., from.., ung.., imiyak ka.., sa tingin ko hindi yun.., kaanuhan.., ka.., anong tawag dun.., kaduwagan.., hindi yun.., kaduwagan., yung umiyak ka , yung i-open mo yung puso mo.., especially pag lalake ka, hindi yun kaduwagan..,

Kuya Mighty: Yeah.., tama.., kailangan basagin yung social convention na iyon na.., kasi kahit lalake naman may emotions yan, kailangang mailabas, ano?

Bro. Philip: kaya yung mga babae mas, kahit maaraming times silang mag attempt ng suicide, actually.., relational kasi yung babae marami yang kaibigan na pag sasabihan.., nakakalungkot yung mga lalake usually sila din yung walang napagsasabihan.

Kuya Mighty: Ou nga.., totoo yan..,

Bro. Philip: Diba?

Kuya Mighty: totoo. At ang mga lalaki madalas.., hindi yan mag oopen up unless may iniinom.,

Bro. Philip: Ou.., tama.., oo tama nga.. ,oo nga tama nga yun..,

Kuya Mighty: and that’s so true, kahit na siguro mga young professional s o kaya kahit mga highschool kids.

Bro. Philip: un ung facets of relationality eh, noh?

Kuya Mighty: tama, tama, Well.., it’s been a very interesting discussion kasama natin si Bro. Philip.., at mga tropa kiung meron kayong pinagdadaanan na.., or meron kayong kakilala na medyo suicidal na and you need some help .., ahhmm.., siguro i-message niyo nalang kami sa aming facebook page and we.., we will refer you kung sino yung pwedeng makatulong.., there are.., merong mga organizations na willing tumulong.., ah.., siguro puntahan niyo lang yung facebook page natin sa facebook.com/pinoyyouth at sa twitter – twitter.com/pinoyyouth and we will do our best to.., to refer you and ah…, kung kailangan niyo ng magka counsel., we will be sending you ah.., the information na kailangan ninyo.., so.., Pastor Philip.., maraming salamat sa time mo na to and ah.., we hope na pagpalain ni Lord ang iyong ministries at ang iyong mga susunod na tatahakin pa., gra-graduate sa ATS ano..,

Bro. Philip: ou nga eh.., oo tama..,

Kuya Mighty: so.., Congratulations!

Bro. Philip: Salamat.. salamat din for the privilege na ako ay makapag minister.., so yun.., isipin niyo lang mga kabataan.., ano.., I just want to quote this ano.., this verse.., ay.., not verse.., it’s one of the motto that I use noh.., galing to sa isang paborito kong manunulat.., ang sabi niya.., “every beginning is difficult.., especially the beginning that you are making for your self” so ung buhay natin mahirap talaga, it’s always a series of beginning so meron kamang nararanasang problema ngayon.., simula iyan.., it’s a new chapter always…, so don’t give up.., You are not alone!

Kung gusto mong magbigay ng reactions, kung meron kang ah.., katanungan., at meron kang gusting iparating sa akin at sa ating probrama.., hanapin mo lang an gating facebook page sa facebook.com/pinoyyouth. Hanapin mo narin ang twitter .com/pinoyyouth o kaya gamitin ang hush tag na pinoy youth., pwede karing mag text.., gamitin mo lang ang ating hotline.., 0926-688-9902 at kung na miss mo ang ating mga past episodes.., wag kang mag alala tropa, pwedeng-pwede mong i-check ito sa pinoyyouth.org/generationY. Ah, kahit ang episode na ito ay ilalagay natin duon ano., kasama yung ating transcription ng ating kuwentuhan.., aasahan ko ang feedback mo ha.., at muli.. ito si Kuya Mighty.., para sa Generation Y Chorniles.., dahil ang buhay kabataan minsan madrama, minsan comedy, minsan hindi mo lang talaga maintindihan., kaya pag usapan natin tropa., hanggang sa muli nating pagkikita..

2 Comments #009 – Youth Suicide

  1. maria

    hi pastor,
    maraming salamat po at kayo po ay aking nasumpungan.Malaki po ang aking problema sa ngayon sana po ay matulungan po ninyo ako. ANG aking bunso po ay nahaharap sa depression at nitong last week yung kinatatakutan ko mangayari tila ….please pastor sana po ay mabigyan po ninyo ng couceling ang anaking anak .o maging ang buo namaing pamilya.
    Sana po ay matugunana po ninyo ang aking kahilingan.
    Maraming salamat po.

    Reply
  2. Jane

    nagaattempt po akong magsuicide dahil sa sobrang stress and depress ko.po sa paghahanap ng trabaho, pressure pa po ako sa mga magulang ko,sa pamilya ko,lage nilang sinasabe wala akong kwenta,bobo ako sayang lang pagpapaaral saken :'( napapagod na ho akong umiyak at magmukmok,ang bigat na po sa kalooban ko, :'(

    Reply

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *