Here’s Episode 11 of Generation Y Chronicles. In this episode, we talk about doing hard things. Kasi, mababa ang expectations sa ating mga kabataan. It’s time to break the stereotype.

Right click to download this episode

Mababa ang expectations sa maraming mga kabataan ngayon. Sinasabi nila, kabataan ka pa wala kang masyadong magagawa. Kabataan ka pa, playful ka pa. Pero dahil kabataan ka, you can still make a difference, you can still do hard things.

we can do hard things

Wazzup wazzup mga tropa! How are you doing? Sa kasagsagan ng summer na to, pano nyo ba ineenjoy ang oras ninyo? Ito si Kuya Mighty para sa isa na namang thirty minutes ng kwentuhan tungkol sa buhay kabataan at ito ang Generation Y Chronicles.

Marami siguro sa inyong ngayon na mga kabataan ang may summer job ano? o kaya siguro you’re spending some time sa bukid, sa farm, o kaya sa mga fish pond, kung saan man kayo narororon, lalong lalo na yung mga taga probinsya no. Naalala ko nung mgasiguro nagbibinata palang ako noon, I was about 10 or 11 years old mga ganyan. Kapagka bakasyon na nagpupunta ako dun sa barrio ng father ko sa Andabvuen sa Benitos sa Isabela. Ang ginagawa ko dun, usually kasama yung mga pinsan ko, kasama mga pinsan ko nagpupunta kami sa bukid, during that time, nasubukan kong maligo sa ilog, nasubukan kong magharvest ng saging, atsaka yan, sumakay sa kalabaw, sumakay sa baka, nasubukan ko pa ha na yung isang kariton na punong puno ng saging, talagang nasubukan kong magpahila ng kariton gamit ang isang kalabaw. Kung tutuusin parang, it is a far cry from where I am right now. E kasi ditto sa, ditto sa Maynila, talagang ang buhay, talagang parang puro buildings ang nakikita mo. Walang masyadong green, walang bukid, walang. Alam mo yun parang minsan… parang nakakachoke.

Kayong mga nasa probinsya, how are you spending your summer so far?

Noong nakaraang episode natin ay tungkol sa idealism nating mga kabataan and I am sure no na tayong mag kabataan, gustong gusto nating magkaroon ng pagbabago sa ating lipunan.. sa ating mga buhay and we don’t know sometimes kung papaano gamitinang idealism na yun, and as we grow older, as you discover your talents, your skills and your abilities, magkakaroon tayo ng unique opportunities para ipractice ang idealism nayan. And speaking of that kung namissed nyo ang episode natin last week.. wag kang mag alala ‘tol, pwede mo pa rin mapakinggan yun, just go to pinoyyouth.org/generationY, pinoyouth.org/generationY at ‘tol nasa facebook ka na rin lang, puntahan mo naman yung ating facebook page sa facebook.com/pinoyyouth at kung nasa twitter ka, gamitin ang hashtag na #pinoyyouth# o kaya e puntahan mo ang twitter.com/pinoyyouth.

Ang episode natin ngayong linggong ito e in a sense continuation noong episode natin noong nakaraang linggo, while we talked about idealism last week, now we are going to talk a little bit more about idealism but on the practical side, like ang topic talaga natin ngayon is “Do hard Things”, “Do hard Things”. Well, gumawa ka ng mga mahihirap na bagay. Ooohh, ang hirap naman bat ko pa gagawin ito? Precisely, that is the reason bakit kailangan mo syang gawin. Dahil mahirap.

Song: Sige Lang Sige by Quest

Ang expectation sa maraming mga kabataan ngayon, sa maraming mga adolescence ngayon, its that dahil bata ka pa, precisely because you are still a young person kulang ka pa sa experience, kulang ka pa sa knowledge, kulang ka pa sa energy at napapansin mo kapag bata ka ang mga parents mo atsaka yung mga matatanda kapagka gusto mong sumagot sasabihin nila sayo, “tumahimik ka! Wag kang makisawsaw sa usapan ng mga matatanda.” E kasi nga dahil bata ka pa. It’s like, you’re not supposed to meddle in the affair of the older people, diba. Ngayon, saan ba naggaling yung konseptong yan?

Mababa ang expectation sa mga kabataan, sa mga adolescent. Tingnan natin o, itong si Bret and Alex Harris, meron silang libro na pinamagatang, “DO HARD THINGS.” At ang sinasabi nila sa libro nila is that napakababa ng expectations sa mga kabataan ngayon. Dahil nga kasi kapag sinabi mong youth, its like the transition between childhood and adulthood. Kung halimbawa na dati bata ka yung period na pagiging youth ay yung bago ka maging adult at usually dahil kabataan ka at nasa transition stage ka pa, halimbawa you’re in high school, you’re in college, nagaaral ka palang, and you’re on the way to becoming an adult. At usually sinasabi nila, Youth is also the time na you suspend your commitment. Halimbawa, dahil nga nagaaral ka, di ka pa pwedeng, di ka pa makapagtrabaho, hindi ka pa makatulong sa mga expenses mo, hindi ka pa makatulong sa expensese ng family. Pero here is the thing, ano ba talaga ang konsepto ng adolescence at youth. Ngayon ang sabi, tingnan natin ang Wikipedia, ang sabi, “Adolescence is a transitional stage of physical and psychological human development generally occurring during the period from puberty to legal adulthood.

Sa maraming bansa no, kapag 18 years old ka na. You are considered as an adult. Ibig sabihin, nakakapagdesisyon ka na para sa sarili mo. Kapag may ginawa kang kabalbalan e dapat managot ka.Ngayon kapag ikaw e menor de edad, ibig sabihin you are under 18. 17 and below, ibig sabihin kung meron kang ginawang mga bagay, pwedeng hindi ka pa managot, like for example kung isa kang.. kung nagkaroon ka ng isang crime, kung halimbawa bata ka pa at meron kang ninakaw, hindi ka mananagot sa criminal court, kunde you will be required na ang magaalaga sa’yo o kaya ang maghahandle ng kasalanan mo ay ang juvin.. ang magiging tawag sa’yo ay juvenile delinquent. Ibig sabihin isa kang bata na meron hindi ganong, hindi wastong asal at ang Department of Welfare and Development ang mag aaruga sa’yo.

Ngayon, Ngayon sabi nitong kambal na Harris, si Bret atsaka si Alex. Ang sabi nila ang youth ay isang fairly new coincept, it’s just about 70 years old. At ito nga dinesdescribe nito yung time between childhood and adulthood, at during this stage napakababa ng expectations sa mga bata, sa mga kabataan. Ibig sabihin, hindi mo pa inaalagaan ang sarili mo at minsan wala kang pakialam sa mundo. And usually siguro may katotohanan ano, lalo na tingnan mo yung asal ng maraming kabataan ngayon, dahil napamper ng parents, binibigay lahat ng luho, marami ang nagiging spoiled brat. Marami yung hindi nila kayang alagaan ang kanilang sarili. Even if they are already 12, 13, 14 years old, ni magtiklop nga ng higaan hindi magawa diba. So yung mag-iigib, yung paglilinis ng bahay,maraming mga kabataan ang hindi nakakagawa nyan. Pero here is the thing, pwede mong idefy ang low expectations na yan. And the way to do it is to do hard things.

Marami sa mga estudyante ano, ang tingin nila sa high school atsaka sa pagkokolehiyo is just one big party. Party.. party.. Ano lang, enjoy ka lang, so yung iba nahuhumaling sa bisyo. Yung iba parang naglalaro lang. Hindi nila iniisip na one day they will become old. So lalong lalo na no yung mga bata na napamper na, na ispoil, minsan hindi nila alam kung paano humarap sa buhay, yung parang wala ka talagang skills para harapin yung mga problemang darating at yung hindi moa lam kung anong direksyon ng buhay mo. Dude.. tatanda ka rin, at sabi nga nila growing old is normal, growing up is optional. Ibahin natin yung dalawang yun no, when you grow older ibig sabihin nadadagdagan ka ng taon. So right now I’m 30 years old no, so 10 years ago malamang 20 years old ako. At kayo ngayon, whether you’re 14, 12, 16 or 20, one day you will become 30 years old. One day magiging 55 years old ka din. and while you can grow older, are you growing up?? Are you growing up dude??

Heto yung pakatatandaan natin mga ‘tol ,” our teenage years is the launching pad for the rest of our lives.”

O uulitin ko yun ha. “Our teenage years is the launching pad for the rest of our lives. So ibig wag nating sasayangin ang ating teenage years, ang ating kabataan, kasi sa aminin natin at hindi tatatanda rin tayong lahat and in the meantime, what are you going to do? Ano ang gagawin mo diba. So here are three things that you can do.

Una, DREAM.

Ilang beses na din nating pinag usapan ito sa ating programa na Generation Y Chronicles. Napakahalaga ng dreams, napakahalaga ng pangarap because kung meron kang pangarap kahit na anong hirap ng buhay mo ngayon, you can overcome tha . it will give you fuel par aka magpatuloy kahit na nahihirapan ka.

Pangalawa, its also for you to have a PLAN, anong gawin mo sa buhay mo?

Kapagka kakagraduate mo sa high school, parang ang dali daling isipin. We’ll simple lang naman ang gusto ko, makatapos ng college, magkaroon ng magandang trabaho at magkaroon ng magandang asawa, magkaroon ng anak. That’s it? Yun nay un? Go beyond what is expected. Tingnan mo yung buhay mo at kung anong kabutihan ang pwede mong gawin jan sa buhay mo.

At pangatlo, ACT, hindi sapat ang dream, hindi sapat ang planning, hindi sapat ang dalawang yan.

You need another ingredient. ACT! Do something. Kasi kung sinansabi mo lang, kung nangangarap ka lang, hindi nga yan sapat.. dude. Iba yung sinasabi sa ginagawa. And if you do something with your dreams and your plans, one way or another darating ka dun. Sabi nga nila, “libre lang namang mangarap e”. Mangarap kang abutin ang mga bituin. Wow! Napakacliche no? Parang lovesong lang na galling s pinakikinggan ng mga lolo at lola natin. Pero here is the thing, kung hindi mo man maabot ang mga bituin at mapunta ka sa buwan, o Pwede na, diba. Di na masama yun, di ba? Okay, so bilang mga kabataan, so we need to get over the low expectation, so heto ang dapt gawin. “DO HARD THINGS.”

At ayon nga kay Alex at Bret Harris, there are five kinds of hard things na pwede nating gawin.

The first one, THINGS THAT ARE OUTSIDE OF YOUR COMFORT ZONE.

Lumayoka jan sa comfort zone mo, dude. Parang ganito lang yan, kung gusto mo talagang matutong lumangoy, e punta ka dun sa mas malalim na part ng swimming pool op kaya ng dagat. Wag yung hanggang sa tuhod lang. paano ka magsuswimming dun e hanggang tuhod nga lang e diba. So ang mahalaga, get out of your comfort zone. Kung halimbawa dati mahiyain ka, now, start talking to people, start joining oration, contests, o kaya try mong mag mag public speech. That way, kung hindi ka sigurado doon, o kung hindi ka komportable, its means that you’re growing. Parang nung bata ka lang, yung dati, yung suot mong brief, o kaya yung suot mong medyas o sapatos kasyang kasya diba, pero just after six months, after one year dahil nga lumaki kana hindi na kasya, you’re you’re no longer comfortable at ngayon, if you step out of your comfort zone ibig sabihin you are stretching yourself, you are becoming more than what you are right now.

Ang pangalawa, the second kind of hard things. THINGS THAT GO BEYOND WHAT IS EXPECTED OR REQUIRED.

Kung halimbawa na, heto sa mga college no. kung binigyan kayo ng isang assignment na one chapter, o basahin mo yung one chapter and then go beyond that. Kung pinagtanim ka ng limang puno ng manga, dagdagan mo kay ng isa, diba? Or kung may pinagawa sa’yo, gawin mo na ng maayos, do it well diba. If it’s worth doing, it’s worth doing excellently.l Wag kang magbigay ng 50 percent effort. 50 percent lang din ang grade nyan. O kung mabait man yung teacher mo 75 percent passing grade. Don’t aim for the passing grade, dude. Aim for what you can give the best of yourself of. Yung tipong alam mo na heto yung the best ko na ginawa ko, diba. So kung term paper yan, give yourself enough time para tapusin yan. Kung yung kwarto mo e pinapalinis sa’yo, e make sure na maayos ang lahat, diba. Kasi kung gagawin mo lang kung ano yung expectated sa’yo e minimum requirement yan, dude. Why don’t you go outside? Why don’t you go beyond the expectations?

Pangatlo,THINGS THAT ARE TOO BIGTO ACCOMPLISH ALONE, wag kang soloist, napakaraming mga tao d’yan na willing tumulong sa’yo.

Maraming mga projects d’yan na pwede mong iimplement, diba. Maalala ko nung first year college ako, meron kaming isang isang grupo ng mga taga Isabela sa UP Diliman, at nagkaroon kami ng isang project na, yung Isabela Socio Cultural Awareness Week Celebration. Although, yung idea ay galing sa isang tao, yung implementation nung buong program ay hindi kaya ng iisang tao lang, so kinailangan naming magtulungan. Napakarami naming, siguro more than 20, halos 30 kame, nagtulong tulong hanggang naabot naming yun, nagkaroon ng Isabela Socio Cultural Awaereness Week, which by the way e nagtutuloy pa din hangga ngayon. Don’t do it alone. Kung nangangarap ka ng something big, involve mo ang ibang tao. You will grow because of that.

Pang apat, THINGS THAT DON’T EARN AN IMMEDIATE PAY OFF, so kung nag eefort ka man ngayon at hindi mo Makita yung resulta ng mga efforts mo, wag kang mag alala.

At some point in the future makikita mo yung importance nyan. Halimbawa na, yung nung high school ako, aaaahhh.. masipag akong magbasa basa, masipag akong magsulat sulat, minsan nakakatamad no, but as you go through it, makikita mo na, na several years of doing that, makikita mo na merong improvement yung writing mo, may improvement yung sarili mo. Kaya lahat ng mga ginagawa nyo ngayon, thiose will accumulate over time, until such a point na magiging expert ka na on something. O sabi nga ni Malcom Gladwell, kailangan mo ng 10,000 hours par aka maging expert sa isang bagay. So kung gusto mong maging expert na mananahi, expert na basketball player, expert na writer, expert na gitarista o kaya drummer. Kelangan mong magpractice dude, two hours every day, five hours every week. Walang immediate pay off yan, yung resulta nyan e hindi mo makikita kaagad, but it doesn’t mean na walang resulta yan

Panglima, THINGS THAT CHALLENGE THE CULTURAL NORM, hindi ibig sabihin nanormal na ginagawa ng maraming tao e mabuti yun.

Halimbawa na, napakanormal ngayon na magkaroon ng premarital sex at at early pregnancy, does that make it right? Normal ngayon ang pag inom at pagyoyosi sa napakaraming kabataan, does that make it right? Diba. So kailangan mo ring ichallenge ang cultural norms, paminsan minsan. So how can you do that? Uhhmm.. Tingnan mo kung ano ang makakabuti sa’yo, makakabuti sa society natin, and if you challenge that norm. Dude… you are growing up. You are growing up diba. So kaya, mga ‘tol, minsan lang tayo magiging kabataan. How are you going to spend that? Diba. At sa dami ng mga low expectations sa mga kabataan ngayon e kung mageefort ka at ipapakita mo ang sarili mong mga kakayanan. More and more people will notice. Maaabot mo ang mas maraming tao, hindi ba?

And in closing, gusto kong ishare sa inyo itong isang napakagandang passage from the Bible, sa Ecclesiastes 11, verses 9 hanggang Chapter 12 vese 1. Ganito ang sinasabi nya sa English,

You, who are young, be happy while you are young
And let your hearts give you joy in your youth
Follow the ways of your heart and whatever your see
But know that for all these things, God will bring you into judgment
So then banish anxiety from your heart and cast off the trouble of your body
For youth and bigger are meaningless

Pakinggan nyo to mga tropa, napakahalaga ng message nito. Yung Ecclesiastes 12, verse 1

“Remember your Creator in the days of your youth
Before the days of trouble come”

Tol, minsan ka lang magiging kabataan, what? According to the United Nations ang depenisyon ng kabataan ay nasa 12 hanggang 35 years old. Minsan ka lang dadaan d’yan. Pagbutihin mo na. Minsan mo lang dadaanan ang pagiging kabataan e, matuto ka na sa experiences and mistakes ng iba. Wag mong pagdaanan lahat ng mistakes na pwede mong pagdaanan no. Matuto ka. And challenge the low expectations sa mga kabataan. You need to do some things, YOU NEED TO DO HARD THINGS!

O tropa, anong hard things ang nakikita mong pwede mong gawin? Ishare mo naman yan sa atin. I’ll be waiting for your comments and your feedback ha .Punta ka lang sa facebook.com/pinoyyouth o kaya if you’re on twitter you can go to twitter.com/pinoyyouth. At pwedeng pwede ka rin magtext dude.. Punta ka lang sa. Pwedeng pwede ka rin magtext dude, here is the number 09266889902.

At natapos na naman ang isang 30 minutes session n gating kwentuhan ditto s Generation Y Chronicles. Ako si Kuya Mighty , dahil ang buhay kabataan minsan madrama, minsan comedy, minsan hindi mo lang talaga maintindihan. Kaya pag usapan natin tropa. Hanggang sa muli nating pagkikita.

This program is brought to you by the Young Peoples Ministry of the United Methodist Church and this station

Image credit: http://vi.sualize.us/