Generation Y Chronicles Episode # 13

Dati puro pa text-text, pa tawag-tawag ang ating mga kabataan ngayon meron ng facebook , meron ng twitter, nandiyan ang internet, hindi natin maipagkakaila na nakaka-adik ang internet. Ikaw ba ay isang “internet addict”? Paano mo malalagpasan ang addiction na ito?

Right click here to download Episode #013

Ito si Kuya Mighty Rasing at muli magkakasama nanaman tayo in the next 30 minutes para pag usapan ang mga usapin tungkol sa buhay kabataan. O ano tropa ready kana?

Hey mga tropa, how are you doing? How’s your summer so far? Nagagawa ba ninyo yung mga, ilang mga tips na binigay natin during our “Summer Fun” episode?

Kung na miss ninyo yan that’s in our episode # 8, which by the way available for download sa ating ministry website sa Pinoyyouth.org/generationY so kung, yung feeling bored this summer season eh punta lang dun dude, marami kang makikitang ideas on how to make your summer more fun and more productive. Eh tropa kumusta ka naman? Kalagitnaan na ng summer patapos na yung April at ayan na nga andyan na yung May and before we know it and just about 4 weeks or 6 weeks time mag uumpisa nanaman ang pasukan or kung naka graduate kana eh kailangan mo ng mag trabhao dude, tama na ang “PMA mode”, yung pahinga muna anak. Well, tama lang naman na mag relax at mag pahinga pero wag forever kasi kung magpapahinga ka forever, eh ibig sabihin pantay na yung dalawa mong paa at nasa ilalim kana ng lupa. Kumusta yung weather diyan sa lugar ninyo? Dito sa may banda ng Angat, Bulacan kung saan tagaroon yung aking misis, umulan daw ng yelo this past week or so, grabe talaga ano, nararamdaman natin yung epekto ng “global warming” and kung gusto ninyong mag research more about global warming punta lang kayo sa internet, sa Wikipedia, o kaya sa google makikita ninyo napakaraming information about global warming at kung ano yung pwede nating gawin just to help stop global warming, pero hindi global warming yung topic natin sa episode na ito instead we are going to talk about the internet and the web.

Ikaw ba ay isang addict sa internet?

Andami ng nagbago sa ating panahon, ano? Kung dati ang mga kabataan patext-text lang ngayon twitter tsaka facebook na ang sinusundan ng mga kabataan so minsan hindi lang sapat na nanonood ka ng TV kailangan tini-tweet mo din diba. Yung mga reklamo mo sa buhay nilalagay mo sa facebook, yung relationship status mo, yung mga reklamo mo sa buhay, kung ano yung kinain mo kaninang umaga so parang we are living in very connected and a very very public world right now. Ngayon minsan hindi natin maiwasan na every now and then lagi tayong nagche-check ng facebook. Sino sa inyo yung nagche-check ng facebook ng once a day lang? Meron pa ba noon?

Madalas sa atin we check facebook like, what 2x a day at least o kaya minsan kung meron kang internet sa iyong phone araw-araw, minu-minuto, oras-oras. Ano ba yung mga pinag gagawa natin sa facebook mga tropa? Minsan siguro gusto lang nating tignan yung picture ng crush natin, diba? Dude, umamin ka, o diba kung meron kang crush sa school mo tapos tinitignan mo yung facebook wall niya tsaka yung picture niya. O kaya naman siguro interisado tayo kung ano yung mga interes ng isang mga tao diab? Like, kung meron kang isang nabasa na something interesting like, maybe tungkol sa paborito mong artista, paborito mong singer or kung sino pa man diyan eh gusto mo siyan i-share sa facebook o kaya sa twitter, diba? In the same way na dati nag fo-forward tayo ng nag fo-forward ng mga nga jokes, ngayon ang mga jokes sa facebook at sa twitter na pino-forward, diba?

Naalala niyo rin siguro yung time na sobrang umuso ang mga forwarded messages sa mga emails pero tropa andami na nagbago siguro in the past 4 years or 5 years ano? Yung email lalong-lalo na sa mga kabataan ngayon parang hindi na masyadong ginagamit. Lalo na nung itong facebook ay nag introduce ng isang mas maayos na messaging system. O diba, para ka lang nakikipag chat ngayon pwede ka naring magkaroon ng attachment kung meron kang assignment sa school madalas ipinapadala ng groupmate mo sa iyo yung part niya through guess what, facebook hindi na email ngayon diba? Pero tropa meron tayong tinatawag na “internet addiction disorder” parang ang weird ano, para lang siyang attention deficit hyper activity syndrome parang ADHD nyung sinasabi nila na merong autism. Dude meron talagang internet addiction disorder, kung nung nakaraang episode pinagusapan natin yung addiction sa yosi at sa alak ngayon naman pag uusapan natin ang usapin ng “Internet Addiction Disorder” .

Anu-ano nga ba ang symptoms ng internet addiction disorder?

Ito tingnan natin ano, according to some child psychologists dito sa Pilipinas ito daw yung ilan sa mga symptoms ng internet addiction disorder, una tignan natin.

Una, Loss of Appetite.

Parang hindi kana makakain kasi gustong gusto mo naka connect lang sa internet so madalas may mga times na ilang oras ka ng nakaharap sa internet, sa computer eh hindi mo namamalayan yung pag lipas ng oras. Maya-maya lunch time na pala hindi kappa kumakain, maya-maya eh masyado kang na adik duon sa paglalaro sa isang game online tapos hindi mo malagpasan yung isang level. Yung mga naglalaro diyan ng “angry birds” ng “candycrush” ng “4pics1word” at ng kung ano ano pa, pag hindi mo malagpasan yung isang level sometimes sige lang ng sige, tinutuloy mo ng tinutuloy hanggang malapgpasan mo. Meanwhile, yung kamay ng orasan tik-tak tik-tak tik-tak, umaandar ng umaandar hindi mo namamalayan it’s already lunch time o kaya dinner time at napakahirap mong tawagin papunta sa hapag kainan kaya tuloy nagagalit yung nanay at tatay mo, yung na nga lang yung time na magkakaharap kayo tapos ang kaharap mo pa computer diba? So, loss of appetite.

Pangalawa, minsan guilty din ako dito, “ Lack of Sleep”.

So kanina sinabi natin kung minsan nawawala yung appetite mong kumain, ito naman you lack sleep, bakit? Kasi nag pupuyat ka. Laro ka ng laro facebook ka ng facebook punta ka ng punta sa kung anu-anong websites kung anu-anong mga blogs ang binabasa mo and so wala ka ng oras matulog o kaya masyadong stimulated yung utak mo at hindi ka makatulog ng maayos. This is even more problematic dun sa mga kaibigan natin,mga katropa natin diyan na merong insomnia. So kung meron ka naman palang insomnia tapos facebook ka pa ng facebook, internet ka pa ng internet, you’re not helping your self dude. Come on, minsan talaga kapag masyado kang engaged yung utak mo eh sobrang naka-connect sa internet ang hirap, ang hirap mag disengage, ang hirap pigilan yung ginagawa mo para ka matulog hindi ba?

Pangatlo, Fatigue.

Dahil nga siguro hindi ka makakain, hindi ka makatulog parang kanta yan nung 1980s ah, yung “dina makatulog, dina makakain, oh tignan mo yung susunod, meron kabang tagyawat sa ilong tsaka sa pingi? Ibig sabihin niyan inlove kana sa internet but well, what i’m really saying is “restlessness” or “fatigue” kasi nga hindi ka makakain hindi ka makatulog so ang result niyan? Hindi ka tuloy makakuha ng enough rest to keep yourself going. O tignan mo nga yang mata mo, kumusta naman yung eyebags mo? Maitim ba yung ilalim ng mga mata mo? Eh talagang ganyan kapag palagi kang nakaharap sa computer at lagi kang naka connect sa internet. Tignan mo din yung wrist mo, malamang merong something black diyan sa may wrist mo which is indication na lagi kang naka connect sa mouse. Minsan even amongst street kids namamalimos sila, humihingi sila ng tig lilimang piso, tig pipiso, tig sasampung piso and guess what?

Nagpupunta sila sa computer shop para lang mag connect. Minsan ewan ko kung nakakatuwa o nakakainis o anu man, pero yung mga bata na ito meron na silang facebook account at on top of that napakahilig nilang maglaro ng games online. Pinalimusan nila yun, hiningi nila yung sa ibang tao so imagine. Well sa bagay sa isang banda imbes na rugby na nilalagay sa supot at sisinghutin eh pupunta nalang sila sa internet shop para mag connect but I’m not sure if mabuti pareho iyon. Anyways, in addition to fatigue meron ding restlessness kung hindi ka nakaharap sa computer.

Yeah I admit medyo nangyayari din sa akin ito, alam mo yung mga times na parang at the back of your mind iniisip mo na parang mo ano na kaya ang nangyayari sa facebook? Ano na kayang nagyayari sa twitter ko? Ano na kaya yung ginagawa ng mga friends ko ngayon? So parang nandun yung interest mo, nandun yung desire mo na magconnect ka to the internet at kapag hindi ka nakakapag connect parang feeling mo restless ka o parang may hinahanap –hanap, alam mo yung feeling na yon, diba? May mga times kasi kung yung katawan mo, yung utak mo nasanay na you’re doing one thing over and over and over and over and over, ang nagyayari parang pag hindi mo na siya ginagawa, hinahanap mo. Yan ang addiction. It’s a physical and mental dependence. So kung yung buong sistema mo, yung utak mo talaga ay laging nakakonek sa computer at hinahanap hanap mo yan, dude meron kang internet addiction disorder.

Hindi naman siguro lahat tayo may computer at internet access sa bahay and I’m pretty sure na hindi lang mga kabataan ang nagkakaroon ng problema sa internet addiction disorder kahit nga yung mga “lolo-teki” tsaka mga “lola-teki”. Lalo na yung mga kamag-anak abroad, alam mo minsan yung mga nagaganap sa buhay dito sa Pilipinas napakabilis kumalat sa mga kamag-anak natin sa ibang bansa, kanit? Eh kasi fi-nacebook na nung kung sinong, well wag nating sabihing tsismosa ano, sabihin nating “concerned citizen” para mas magandang pakinggan ng kaunti, so yung isang concerned citizen naglalagay ng kung ano anong nagaganap sa buhay mo diyan sa facebook kaya tuloy minsan kahit na akala mo wala kang ginagawa, walang alam yung mga parents mo, yun palang mga pinaggagawa mo online nakarating na dun sa parents mo na nasa abroad.

Yung mga tsimoso at tsismosa online naman diyan also know as mga concerned citizens o kaya mga online patrollers (parang ganun eh, parang ang gandang pakinggan pero ang bottomline niyan parang tsismis padin yun) but sometimes wag niyo na basta basta itsismiss o ikalat yung mga bagay bagay na lalong lalo na merong sensitive information or merong potential na away na magaganap. Bago mo ipagkalat kausapin mo muna yung taong involved in that way pwede mong protektahan yung kanyang buhay o kaya yung kanyang sitwasyon para hindi na kumalat ano. Napakaraming ng nangyayaring ganyan dahil nga may mga tao na may kaunting ginawa tapos merong isang sort of concerned citizen na naglagay sa facebook tsaka sa twitter, kumalat ng kumalat until such time na yung kuwento lumkai ng lumaki, ayun problema na siya na malaki. Hindi mo na mababawi kung kumalat iyon. Ngayon tignan natin ah, balik tayo sa topic natin internet addiction.

Ano naman yung mga epekto ng internet addiction?

Una ito siyempre, kung nagaaral ka pa it will result in “lower grades”, o kunwari nagta-type ka lang ng assignment mo mayamaya nag tse-check ka ng facebook, maya maya nag tse-check ka ng twitter, mayamaya nag tse-check ka ng mga blogs, maya maya nag tse-check ka ng mga pictures ng kung sino-sino, diba? Ngayon, dahil yung oras mo at yung attention mo ay divided hindi mo na napag-iisipan ng mas malalim yung assignment na dapat mong ginagawa so yung internet which is a “blessing” dahil andiyan yung information ay nagigiging “curse” dahil nga hindi mo siya ginagamit sa tamang paraan at ang mangyayari, ayun! Yung assignment mo imbes na 95 bumababa nagiging, what? maybe 85, kita mo na? bumababa dahil hindi ka “focus”.

Yung isa pa, lalo na yung iba pang mga kabataan lalong-lalo na yung walang computer sa bahay ang nangyayari naman gumagastos sila ng gumagastos just to connect online. So isipin mo magkano naba ang per hour sa mga internet shops ngayon? Alam ninyo nung kaka-umpisa ko mag connect sa internet, it was about 60 pesos per hour dun sa bayan naming sa San Manuel, Isabela. Imagine, 60 pesos dati pero I think ngayon it’s roughly siguro may mga 15 pesos or 20 pesos per hour, ano? Eh isipin mo nakaka-sampung oras ka sa isang buong linggo times 20 pesos so that’s 200 pesos per week, 200 pesos/week times 4weeks that’s 800 pesos,dude! 800 pesos yun per month, isipin mo yan, 800 pesos per month, para karing nag subscribe ng DSL o kaya yung promo ng Smart tsaka Globe na mga may 3G antenna, but the point is, dude kung hindi kapa nag tra-trabaho tapos you’re spending 800 pesos per month on this “connecting online” parang there is something wrong, there is something wrong man. Hindi lang naman tayo dito sa Pilipinas nagkakaroon ng problema sa internet addiction disorder, in fact sa China specifically sa Guang Zhou meron isang report mula sa Sun Yat Sen University na nagsasabi na problema na nga raw ang internet addiction sa mga bata at mga kabataan sa mga Asian Countries dahil lumalaganap na ang pag gamit sa internet.

Siguro isipin mo lalo na ngayon kung meron kang iphone o kaya android phone na medyo nasa higher end napakadaling mag connect online at usually ang cost niyan ay nasa 5 pesos for every 15 minutes so that’s 20 pesos per hour. Ngayon meron din namang “unlisurf” promos ang mga mobile phone networks na ito so ang nangyayari mag register ka lang doon and you can connect online anytime you want. Ito na yung malala, tropa kung sinasaktan mo na yung sarili mo dahil sa internet, dahil sa addiction mo sa internet, naku kailangan mo na ng professional help, kailangan mo na ng counseling. Kung sa Estados Unidos meron silang alcoholic’s anonymous para sa mga adik na sa alak , sa China meron na din silang mga camps para sa mga bata na adik na sa internet. Imagine that! parang meron kang isang summer camp na ang gagawin mo lang ay tatanggalin or ihahandle yung internet addiction ng mga bata, tsk tsk tsk, mukang malala na talaga doon ano? And kung hindi mo din babantayan ang habits mo sa pagco-connect online malamang sa malamang you will also need to disconnect ng mas madalas.

O ano, natatakot ka naba, meron kabang internet addiction disorder?

I confess, ako mismo may mga times na feeling ko mayroon narin akong internet addiction disorder and it’s something na kailangan kong ayusin din lalong lalo na meron akong smart phone/android phone na madalas nakakapag connect ako online so maya’t maya I’m checking my email, my facebook, I’m checking twitter pero at least that’s part of my work, hindi ba? Ngayon tropa, are you suffering from an internet addiction disorder? Ano ba yung dapat mong gawin para finally mabawasan mo yung addiction mo nayan or matanggal mo siya totally?

So ito, these are just some tips na pwede mong i-take just to help you cope with internet addiction.

Una, “Get a Life” – parang ano ito, parang sa mga losers na walang magawa sa buhay, sinasabihan sila “Dude, get a life!” Well ganito lang yan, go out more! Makipag kuwentuhan ka sa mga barkada mo, sa mga kaibigan mo, sa mga parents mo. Humarap ka sa hapag-kainan kapagka dinner time o kaya lunch time in that way meron ka pa talagang interaction with “real people” hindi lang yung mga “virtual people “ na nasa social networks mo.

Pangalawa, “You need to really know your Goals and your Plans” at mag focus ka para abutin yung mga yun! Ito lang naman yan eh, if you really know what you want out of your life at alam mo na yung plano mo at yung gusto mong gawin diyan sa buhay mo mas medaling mag tanggal ng addictions diyan sa buhay mo, diba? At kung meron kang plano meron kang goals sa buhay mo makikita mo na even yung isang simpleng bagay na kagaya ng pag ko-coonect sa internet ay pwede mong i-relate duon sa, doon sa pag abot sa mga pangarap mo, diba? So kung gusto mo talagang makatapos ng pag-aaral, tropa wag kang magbabad diyan sa internet ng walang ginagawa instead gamitin mo yung oraas mo sa pag iinternet para maging productive ka.

At ito ngayon ang ating pangatlong tip naman, “Use the internet for Productive Work” – napakapalad talaga ninyo na meron internet dito sa generation ninyo, oh wait generation natin pala (hindi naman nagkakalayo mga edad natin eh). Napakapalad talaga natin kasi nga literally, “ang mundo ay nasa finger tips natin”. If you want some information about a country somewhere in Caribbean o kaya sa Europe, mag kli-click ka lang ng mag kli-click eventually you’ll get what you need, diba? Unlike before na kailangan mo pang mag punta sa library, kailangan mo pang maghalungkat ng mga encyclopedia para lang mahanap yung information na hinahanap mo, diba?

Meron actually sinabi si Lourd De Veyra tungkol diyan, doon sa graduation ng College of Mass Communication sa UP Diliman ito yung sinabi niya:

Hindi ko na siguro kailangan sabihin kung gaano kayo kapalad na mapabilang sa Henerasyong ito, nabubuhay kayo sa mundo na wala ka ng karapatang maging tanga, maging mangmang” dapat may mag labas ng slogan na ganyan sa advertising, Bawal Maging Tanga! Nagtatampisaw tayo sa baha ng impormasyon. Pero ito ang problema, iba ang impormasyon sa karunungan, Ganap na Talino at dunong. Ang hinarap nating hamon ay kung paanong humubog ng saysay mula sa bundok-bundok ng impormasyong ito”

O diba? Nagtatampisaw talga tayo sa baha ng impormasyon, google, facebook, twitter sobrang dami nating alamin and most of the time eh those are useless pieces of information, and minsan pa nga bago tayo kumain ang ginagawa na natin we take picture of the food instead na dapat nananalangin tayo nagpapasalamat tayo sa Diyos para sa pagkain natin. Tropa internet addiction is very real at kung hindi mo aatupagin yung pag minimize diyan sa addiction nayan it will definitely impact your life at sabi ko nga, use the internet productively. Kung nagre-research ka para sa isang bagay sa school o kaya sa work, mag research ka wag yung nag fa-facebook ka, nag twi-twitter ka. Alam mo yung multi tasking talaga ayon sa ibang mga psychologist it is diminishing our effectiveness and our efficiency so nagsasayang ka lang ng oras kung nag mu-multi tasking ka.

Ngayon, ito pa and here is the challenge for you kung gusto mong kumita ng pera through the internet that is also very very possible, kung ikaw ay isang writer, isang graphic artist, isang music editor o kaya video editor ang daming opportunities para ka kumita online. Alam mo hindi mo natatanong nung akoy national president ng United Methodist Youth ang nag support sa akin for 2 years para magawa ko yung ministry na ipinagkatiwala sa akin ay naging freelance writer ako online, o diba? Ngayon kung gusto mong matuto pa ng tungkol diyan eh i-message mo lang ako tropa madali lang naman akong hanapin facebook.com/MightyRasing hanapin mo lang at i-message mo ako o kaya pumunta ka sa facebook page natin sa facebook.com/pinoyyouth o kya sa twitter pwede rin twitter.com/pinoyyouth.

Tropa ang internet ay isang napakagandang tool, napaka-importanteng tool para sa ating heneraasyon, pag-aaral man yan, pag tratrabaho man yan it is very very BIG TOOL! Ngayon ang problema if you ever let your self be addicted eh ikaw ang gagamitin ng internet, ikaw ang magiging ALIPIN NG INTERENET instead of the other way around. Kaya tropa bawas bawasan mo yung internet addiction mo ako din kailangan kong gawin yun, so pag tulungan natin, diba? So kung meron kang katanungan tropa punta ka lang dun sa facebook page natin hanapin mo ang pinoyyouth ganun din sa twitter hanapin mo lang ang pinoyyouth or you can always send me a text message, I’m just a text away 0926-688-9902. At kung na miss mo naman yung mga previous episodes natin, don’t worry you can still download our past episodes punta ka lang sa pinoyyouth.org/generationY.

So paano tropa, mag-iinternet pa ako, wait, just kidding! Kailangan nating ayusin ang ating internet addiction tropa. Let us make the internet work for us instead of the other way around! So tropa, muli ito si Kuya Mighty na nakasama mo sa kuwentuhan natin tungkol sa buhay kabataan dito sa Generation Y.