This is our “Mother’s Day Special” – Pag-pupugay sa mga Nanay!

Ito si Kuya Mighty at magkaka sama-sama nanaman tayo in the next 30 minutes ng kuwentuhan tungkol sa buhay kabataan at iyo ang Generation Y Chronicles.

Right click here to download episode #015

mothers.nanay_pv05Hey mga tropa, how are you today? Pumunta ba kayo sa mga polling stations para i-cast ang inyong mga boto para sa magiging senador ng ating bayan, yung mga magiging governors congressman at siyempre yung mga mayor at yung mga konsehal sa inyong mga bayan? You know ang pagboto ay isa sa ating mga responsibilities as citizens dito sa ating bansa and it is one of the ways that we can participate in the government of country so I hope na ginawa ninyo yan at hindi ninyo sinayang yung chance to make a difference in our country.

Well, there is also an important thing na naganap kahapon which was Sunday ito yung ating tinatawag na “Mother’s Day” which is being celebrated all over the world. Alam ba ninyo ang history ng Mother’s Day? Actually ang Mother’s day, hindi lang siya dito sa Pilipinas sine-celebrate, nag umpisa talaga ang celebration ng Mother’s day duon sa United States at ito nga ay inumpisahan ng isang babaeng nag-ngangalang “Ana Jarvis” na tiga West Virginia at nuong 1908. Isipin mo grabe ganun na katagal itong celebration na ito, it’s been more than 100 years at siyempre throughout history may mga pagkakataon na ang mga mothers ay sine-celebrate although hindi siya, parang hindi siya parang wlang holiday associated with it.

Well technically, ang Mother’s day ay hindi naman talaga holiday although we recognize it sa 2nd Sunday of the month of May at so itong si Ana Jarvis nga noong 1908 nag-umpisa siyang magkaroon ng isang memorial para sa mga mommy, mga mother’s duon sa grafton, West Virginia at since then nag umpisa ito at nag campaign siya para gawing recognized holiday sa United States ang Mother’s Day, well naging successful siya nuon 1914 but, well as usual kagaya ng nagaganap sa maraming mga holidays naging commercialized ito at ginamit ito para mag benta ng mga produkto, magbenta ng kung anu-ano and so naging commercialized ang Mother’s day kaya itong si Ana Jarvis eh medyo naging disappointed siya sa kinahinatnan nung kanyang naging campaign but well in any case dito sa Pilipinas because tayo ay heavily influenced ng mga Americans we also started celebrating Mother’s day at siguro it’s also one way for us na maalala at wag kalimutan yung mga role ng ating mga magulang especially our mothers kahit man lang once a year. Kasi naman minsan nakakalimutan natin na i-kiss si mommy si nanay diba? O kaya I hug o kaya pasalamatan siya sa lahat ng mga ginagawa niya sa ating buhay. Ano ginawa ninyo kahapon para kay mommy? Hindi niyo ba siya pinagtrabaho sa buong bahay? Kumain ba kayo sa labas? Binilan niyo ba siya ng card or binigyan ng cake? Well ano man yung mga ginawa ninyo kahapon ano, I’m hoping na you managed to make her special kahit na isang araw man lang sa isang buong taon. Pakinggan muna natin itong isang awitin ito, this one is from Spice Girls entitled “MAMA”

“MAMA” by Spice Girls playing

Ayun, that was mama by the Spice Girls, hindi ko alam if inabutan ninyo yung spice girls but I’m pretty sure narining ninyo sila kumanta especially nitong nakaraang Olympics ,meron silang special performance duon sa London during the Olympics. Going back to our topic on mothers, alam ninyo hindi talaga madali ang role ng mga mommy. Ito, just this year, no actually last year nabuntis yung aking wife nung mga bandang July so you can imagine na medyo nag adjust din kami sa aming buhay together. Ang aking wife, si Cha, nung una nahirapan talaga siya alam mo yung naduduwal, yung sumusuka talaga habang yung first two months talagang yung ganun as in pag kakain sumusuka, maya’t maya sumusuka tapos napaka sensitive ng ilong niya, ayaw niyang naamoy yung perfume. Ayaw na ayaw niyang nakaka amoy ng mabaho o kaya anything na masang-sang sa amoy so that was the first 2 months tapos nung nasa 3 or 4 months na siya nag umpisa ng Makita yung kanyang baby bump so kailangan naming mag shop ng mga bagong leggings niya, mga bagong damit na gagamitin habang pregnant siya at ayun pa, kinailangan naming mag punta sa doctor para, just to make sure na health si baby at healthy si mommy.

And then, as time went on, yung 5 months 6 months as in kitang kita mo na talaga yung no niya yung baby bump niya at nag wowork pa siya sa lagay na yun ah so ito naman yung trade off namin, every time na pupunta siya sa office kailangan hinahatid ko siya so you can imagine minsan sabihin na nating hassle sa schedule medyo kailangan talaga naming ayusin yung schedule namin together at kapag nandun na siya sa office niya madali siyang mapagod, kasi naman meron siyang karga-kargang isa pang buhay sa sinapupunan niya so that means na kailangan niyang kumain ng doble, kailangan niyang magpahinga hindi lang para sa sarili niya kundi para narin sa baby na nasa sinapupunan niya so yung kinakain niya, mas marami nga dun sa nakakain ko kasi nga dalawa silang kumakain at ako well, sinasabayan ko lang siya minsan kaya nung time nayun medyo nanaba din ako and then dumating yung pagn 6th month niya kinailangan niyang mag leave sa work kasi medyo mabigat yung aming baby at maliit lang naman ang aking wifey o ayun, hindi naman bed rest totally pero nag rest siya nung 6th month and then nung 7th month tapos 8th month and then dumating yung pinaka hihintay naming araw.

Noong February 20, 2013 ipinanganak ang aming baby boy at ang pangalan niya ay “Malcolm” at ang kanyang nickname ay “Coco” . Alam niyo iba yung feeling ng parents kapag nakita na nila yung anak nila. It’s such a sweet sweet feeling, alam mo yon? Siyempre lalong-lalo na sa mga ina yung makita mo na yung kinarga mo sa loob ng katawan mo for 9 months, (well samin not exactly 9 months, it’s more like 8 months and 2 weeks ganun) pero yung kinarga mo ng ilang buwan sa sinapupunan mo mailuluwal mo na dito sa mundong ito at lieterally yung pag luluwal ng bata buwis buhay yan kasi imagine nandun yung danger na maubusan ka ng dugo kapagka normal lang yan o kaya caesarian yung way ng delivery talagang hindi mo sigurado there are always risks at yun ang risk na kinukuha ng ating mga nanay para lang mailabas tayo sa mundong ito so tignan mo yan ah “Mahirap maging Nanay” yun palang sa umpisa palang ramdam mo na, ramdam na nila yung hirap ng pagluluwal ng bata dito sa mundong ito. Yung role ng nanay hindi lang sa anak, alam ninyo itong mga nanay maalaga din yan sa asawa, siyempre ako may wife at sigurado yung maipag luto ka, ah siyempre wait!

Hindi ako sexist or anything like that kasi nagbabago naman yung pamamaraan ng arrangement ng trabaho sa bahay ano, madalas ang wife ang nagluluto, ang wife ang nagaasikaso sa bahay, ang wife ang nag aayos sa mga kalat ni tatay at ng mga anak at kaya tuloy itong mga mommies natin lalong lalo na yung mga nagwo-work pa ang schedule nila talagang mahirap kasi aasikasuhin mo yung asawa mo, aasikasuhin mo yung anak mo tapos ikaw bilang nanay magwo-work kappa so pagod-pagod diba? By the way, gusto ko palang batiin yung aking nanay si Mrs. Marina Rasing na nagtuturo diyan sa Kalang National High School sa San Manuel, Isabela “Ma, Happy Mother’s Day, I love you so much, sobrang thankful ako sa mga naging sakripisyo ninyo para sa amin ng aking mga kapatid. At ito naman, pakinggan natin ang isa pang kanta and this is a classic “Ugoy ng Duyan”.

“Ugoy ng Duyan”playing

Speaking of Duyan, meron kaming duyan sa bahay at ito siyempre yung para kay baby, nakakatulong para makatulog siya at pag sinabi nating ugoy ng duyan talaga namang ramdam na ramdam ng mga baby yung pagmamahal ng kanilang mga magulang. Minsan simple lang sa pag uugoy ng duyan o kaya pag papatulog pag papagatas, mga ganyan but ang mas mahirap na part ng pagiging nanay, pagiging magulang yung pagpapalaki sa mga anak and you see dito sa ting bansa yung role ng mga mothers ay nagbabago na throughout history. Tignan natin some of the ways nagbago yung role ng mga mothers, like sabi nga natin kanina karamihan sa mga mommies ngayon nag wowork na kung hindi ninyo maisip yung significance niyan kasi nga lalong lalo na sa mga cities, diyan sa banda ng Santiago City, sa Maynila, sa Baguio all of those major cities mas mahal na kasi ang living expenses so minsan hindi sapat yung kinikita ni tatay para sa buong pamilya so madalas si nanay kailangan din mag work and that means na kung nagpapa-dede ka, nag papa-breast milk ka sa anak mo kailangan mong bumili ng formula milk para lang magkaroon ng sustenance yung baby o kaya kapag malalaki na yung mga anak mo kailangan tinuturuan na yung mga anak na mag luto at mag asikaso din ng sarili nilang pagkain kapag ka tanghali o kaya kapagka gabi medyo kinailangang mag overtime ni nanay, kailangan talagang matuto at tumulong ang buong pamilya para sa pag asikaso sa mga pangangailangan sa bahay so hindi na ngayon uso yung halimbawa na si tatay yung breadwinner tapos si nanay yung tiga asikaso sa bahay, hindi na yun ganun, tignan ninyo ah, ako personally nakatira ako sa Quezon city at karamihan sa mga nakikita ko sa mga friends ko parehong yung nanay at tatay ay nagwo-work, kasi nga naman napakamahal na talaga ng mga bulihin so it’s not enough for the father to work lang kailangan dalawa sila ni mommy.

Ang problema minsan marami sa mga tatay ang hindi nakaka-realize na si nanay ay nag wo-work din, si nanay ay pagod din buong maghapon at pag kauwi ni nanay siya parin yung nag aasikaso sa lahat ng mga gawaing bahay, Yung mga tatay kagaya ko, mga dude (ewan ko noh, pero minsan may mga teenager narin na mga tatay) kailangang tulungan natin si nanay para naman gumaan-gaan yung kaniyang mga trabaho sa bahay at siyempre para hindi rin siya masyadong stressed pag dating from work. Ito pa, yung isang major major major way na nagbago ang role ng mga mommies dito sa ating bansa, karamihan sa nagiging OFWs ngayon ay mga babae, actually that’s more than 50% or around 60% or more ng mga migrant workers natin ay mga babae at siyempre marami sa mga yun ay mga mommies. Alam niyo ang hirap ng role nila sapagkat kailangan nilang magpaalam sa kanilang asawa sa kanilang anak para lang makapag abroad, makapag trabaho at makapag padala ng pera dito sa Pilipinas at siyempre mahirap din yun ano para sa mga anak kasi may pera ka nga, may gadgets ka nga, may cellphone ka nga pero wala naman si nanay sa tabi mo so “Sakripisyo” sakripisyo ito para sa mga nanay.

Napakahirap talagang mawalay sa mga mahal sa buhay at kung ina ka mas mahirap yung mawala ka sa tabi ng mga anak mo. Kayo mga tropa meron bas a inyo diyan na ang mga parents ay OFWs? Kumusta naman so far ang experience ninyo? How are you coping? Nakakapag usap paba kayo ni nanay, ni mommy? By the way kung gusto ninyong makipag konek sa atin online we are on facebook hanapin lang ninyo ang facebook.com/pinoyyouth at kung meron kayong katanungan, kung meron kayon feedback or meron kayong comments about our program ay mag post lang kayo duon sa facebook page natin. Pwede rin sa twitter, sa twitter.com/pinoyyouth at kung gusto mo rin namang magtext pwedeng pwede mag text sa akin , ito yung number ko 0917-816-3127 magpakilala ka lang tol para at least pwede nating basahin dito sa program yung magiging text mo.

In addition duon sa mga nanay natin na OFWs meron din namang mga nandito rin sa Pilipinas pero madalas mag byahe madalas absent so may mga times na yung mga anak ay nagtatampo dahil nga palaging wala si mommy ito yung mas mahirap kapagka ang mommy ay isang career woman at binibigyan siya ng napakaraming trabaho sa work so siguro talamak din yung mga ganitong sitwasyon sa mga cities lalong lalo na kapag ka si nanay ay nagtratrabaho sa bangko, nagtratrabaho sa isang malaking company or minsan kahit nag tratrabaho siya sa government talagang makikita mo yung dami ng mga inaasikaso niya na may mga times na siguro napapabayaan din nila yung sitwasyon ng mga anak but don’t worry if that happens kausapin niyo si nanay, kausapin niyo siya na tipong have a heart to heart talk yung naman yung maganda sa isang pamilya, kapag open yung communication lines mas medaling makipag communicate sa isat-isa at mas naayos natin kung merong gusot.

Minsan kasi tayong mga kabataan tingin natin sa mga parents natin “killjoy”, ang tingin natin sa mga parents natin may gagawin tayong kaunti parang pulis na pumipito na sinasabing “Mali yan, ganito ang gawin mo, ganyan, ganyan, ganyan” well meron din namang mga parents talaga na nag iimpose ng kanilang gustong gawin para sa kanilang mga anak, I am not saying that’s wrong kasi ang mga magulang naman natin they want the best for us especially si nanay. Meron nga yonh kasabihan sa English yung “Mothers know best” up to a certain point tama iyon, kaya kung kayo teenager palang kayo o kaya bata palang kayo sundin ninyo si mommy, sundin ninyo si daddy kasi karamihan nung wisdom na napulot nila mula sa kanilang buhay ay they are imparting it to us. Kapagka pinangangaralan tayo wag tayong mayabang na tipong alam na natin lahat at ayaw natin silang pakinggan.

Usually kapagka pinakinggan natin sila at ina-nalyze natin yung sarili natin in relation to what they are saying, alam ninyo makikita ninyo na may point, may point si nanay at saka si tatay.

At, ito pa meron din namang mga mothers na hindi sila biological mother pero we recognize them as a mother sa ating buhay so ano ang ibig kong sabihin diyan? Usually meron tayong mga tinatawag na, ayan halimbawa na “spiritual mother” “mommy-mommy” yung tipo kasing naging super close ka sa isang mas nakakatandang babae na you recognize na yung kaniyang wisdom, yung kaniyang mga pangaral sa iyo ay tama at yun nga ang sinusunod natin para sa ting buhay. Alam ko marami sa mga Christian groups ang mga mommy, mayroong mga “spiritual mothers” halimbawa mga nag le-lead ng bible study, nagiging leader a accountability group at binibigyan ng pangaral everytime na kailangan natin yung tipong “binabatukan ka kung kailangan mong mabatukan” so para sa mga mommies na nakikinig ngayon at sa mga mommies all over the world gusto nating i-alay ang awit na ito from Carol Banawa “Iingatan Ka” it’s a fitting tribute to our “Mommies”

“Iingatan Ka by Carol Banawa” playing

Ayan tropa narinig mo yung song na “Iingatan Ka” at alam niyo madalas yan yung sinasabi naming sa aming bunso, kay Aaron, sabi naming “Balong ikaw na ang magpapayaman kay mama ah” kasi college student pa lang yung kapatid na yun but in any case tayong lahat inalagaan tayo ng ating mga mommies and there will come a time na tayo naman ang mag iingat at mag aalga sa kanila and I’m hoping pag dumating yung mga araw na iyon ipapakita naman natin sa kanila yung pagmamahal that they serve at yung pag aalaga that they deserve. So mga tropa ngayong gabi’ng ito, ngayong lingo na ito Make your mommy special, bigyan ninyo sila ng pag-pupugay, simpleng greeting card at cake maybe, hug ,kiss anything na makakapagpasay at makakapag feel special kay mommy.

So pano ba yan, natapos nanaman ang ating kuwentuhan ngayong gabing ito sa ating programa sa Generation Y Chronicles, muli ito si Kuya Mighty at nagsasabing “ Bigyan nating ng pag-pupugay an gating mga Nanay”