Patapos na ang summer tropa, nag enjoy kaba? Madalas kabang nauuhaw? In this episode we are going to talk about our “THIRST”. Ano ba nang kina-uuhawan natin mga kabataan?

Right click to download Episode #016

Good evening mga tropa, how are you? It’s already more than halfway ng May ibig sabihin malapit naring matapos ang buwan na ito and that also means na patapos narin ang atin summer. Kumusta naman ang summer ninyo, nag enjoy ba kayo? Did you go to the beach or nag stay lang kayo sa baha nag summer class ba kayo at at medyo na bore sa mga profesors ninyo? How about yung mga “gimik” na pinuntahan ninyo this summer? How did it go? Nag establish ba kayo ng business or did you learn some new skills? Well, ano pa man ang mga pinaggagawa ninyo this summer I’m just hoping na naging productive ang summer ninyo at siyempre sana naging fun! Well, ako medyo naging fun ang aking summer maraming pinag gagawa. Kapag kasi ikaw ay isang youth worker , isang youth minister at isa ding writer at ngayon ay isa rin nasa radyo na nag bro-broadcast kasama ninyo hindi talaga nawawalan ng ginagawa. Yes! Mga tropa ako si Kuya Mighty magkakasama nanaman tayo in the next 30 minutes ng pakikinig sa mga nice songs and at the same time makikipag kuwentuhan ako sa inyo about our life as young people.

So ito na nga, throughout the summer grabeh ung init! Minsan umaabot pa nga yata sa 36 degrees centigrade o kaya minsan diyan siguro sa banda ng Tuguegarao umaabot ng 40 degrees and during those times sigurado ako na, alam mo yung feeling na kapag naglakad ka lang ng kahit sampung minute lang under the heat of the sun, alam mo yung grabeh, tagaktak yung pawis tapos pagod na pagod ka at gustong-gusto mong uminom! Naramdaman niyo nay un diba? Yung tipong, yung lalamunan mo tuyong-tuyo, yung pawis mo medyo nanghihina kana at gustong gusto mong uminom, diba? So on those times ano ang iniinom mo? Usually, sa atin meron mga pumupunta sa tindahan bumibili ng soft drink pero pagkatapos mong uminom ng soft drink medyo nauuhaw kapa rin diba? Kasi nga matamis yung soft drink, lalong lalo na may “caffeine” siya, so ang “caffeine” ay tinatawag siyang “diuretic” na nakakapag dehydrate sa ating katawan. So ito sa totoo lang, hindi lang pisikal ang mga thirst natin meron din tayong mga “spiritual and emotional thirst”. Ito yung mga tipong kinauuhawan mo sa buhay. Well yun nga yung pag uusapan natin ngayon at kung ano man yung mga uhaw na iyon ay malalaman natin as we discover kung anu-ano yung mga alternatives natin na iniinom dahil dito sa mga thirst natin.

Music Playing Ulan by Rivermaya

Nag uulan na mga tropa ano? Minsan napaka init ng panahon tapos pag dating ng gabi medyo umuulan, well, mag vitamin C kayo mga tropa mahirap nab aka magkasakit kayo. Pag pasok ng June bawal ng magkasakit kailangan nang tuloy tuloy sa work o kaya sa school.
So kapag tayo ay nauuhaw we usually drink several things. Well ang number 1 siyempre water pero minsan may mga times na ayaw natin sa water for some reasons so ito yung ilan sa mga iniinom natin. Let us take a look.

Una, “Coffee”

Sino ang mahilig sa inyo sa kape? Ako kahit katanghaliang tapat mag kakape ako kasi ewan ko ba for me coffe is something na iniinom ko kung gusto kong magi sip, kung gusto kong magising or meron akong kausap tapos dun kami sa coffee shop, well dapat siyempre ang coffee shop aircon tapos yung coffee ko ay mainit na mainit na kape. By the way, ang favorite ko na coffee ay “Coffee Americano” at ito pa I like my coffee black walang creamer walang sugar, ewan ko natuto nalang din siguro ako. Yung mother ko kasi nung bata pa ako nakikita ko siya na sobrang lakas niyang mag kape eventhually I think grade 5 ata ako or grade six nun, nag titimpla na ako ng kapefor her so eventually nakukuha ko siguro yung habit so hanggang ngayon I still drink coffee like regularly. Nagbibiruan nga kami ng mga friends ko parang kapag daw ako ay nasugat ang lalabas na sa aking katawan ay “kape” dahil nga sa sobrang hilig ko mag kape. Pero let’s take a look bakit ba kape ang iniinom natin minsan? Alam ninyo tayong mga Pilipino hindi lang naman yung basta kape, alam mo yung mas masarap magkape kung meron kang kausap, kung meron kang ka-chika, hindi ba? Like pansinin ninyo kung may nakikita kayong coffee shop, halimbawa na kahit sa fastfood yan sa Jolibbee or sa McDonalds yung mga pumapasok naman dun para kumain at mag kape usually may kasama, diba? So makikita natin dun yung isang uri ng thirst na hindi physical, yung isang uri ng thirst na hindi physical.

Una, well siyempre kailangan mo ng kausap, kailangan mo ng ka-chika so yung ating need to connect. We have a “THIRST TO CONNECT WITH OTHERS”, so kung friends yan o kaya kung family yan, eh we want to be “together”. Alam niyo kami ng aking misis ngayon na ex-girlfriend ko ang mga date naming dati ay madalas kami sa coffee shop kasi mahilig ako sa coffee shop tapos may one time na magkasama kami ang inorder niya ata parang yung isang frappe yung ice cold blended coffee tapos meron pang whip cream eh nag palpitate siya after kasi nga hindi naman talaga siya umiinom ng kape sabi ko sa kanya biniro ko “Grabeh ka naman nagkasama lang tayo biglang bumibilis ang tibok ng puso mo” well siyempre misis ko na siya pero siyempre matatawa yun kapag ikukuwento ko ulit.Isa pa sa mga gusto natin, isa pa sa mga thirst natin kung bakit ba tayo nag kakape it’s para makapag “internet”. Tignan mo yung mga gumagawa ng mga assignment, gumagawa ng term papers, nakikipag meeting usually dun sila sa isang caffe o kaya sa fastfood na may internet wifi, may internet connectivity so kailangan natin ng “connection to the wider world” para malaman natin anong nagaganap na sa mundo. So yan we need information isa din yan sa mga thirst natin sa buhay, diba?

Ang isa pang alternative natin kapag tayo ay nauuhaw, softdrinks!

Pwedeng coke, pwedeng sprite, pwedeng pepsi, pwedeng mountain dew, diba? Bakit nga ba kasi, ano bang hinahanap natin? Kasi it’s “SWEEEEEET” diba? Gusto natin ng “sweetness” sa katawan gusto natin “matamis” parang relationship lang. Alam mo yung feeling na naghahanap ka ng ka-holding hands, naghahanap ka ng katext kahit madaling araw na dapat natutulog kana, ayun gusto natin ng sweetness kaya tulog minsan may naadik sa softdrinks may naadik sa coke, like yung isang kaibigan ko sobrang lakas niyang uminom ng coke, alam mo yung 1.5 liters ng coke nauubos niya yun within half day! Garbe ano? kaya minsan sinasabihan ko nga “naku mag ingat-ingat ka diyan kasi kung meron kang tendency na magkaroon ng Diabetes, delikado ka” sabi ko and speaking of sweetness yung aking father-in-law napakalas nun dati uminom ng soft drinks. Alam mo yung 1.5 L coke na nasan bahay, so anim yung anak niya tapos siya tapos siyempre yung aking mother-in-law, yung isang 1.5 coke daw para sa kanya lang iyon tapos yung isang 1.5L pag hahatihatian na ng buong pamilya so imagine that at ang isa pang complication dun dahil nga siya ang matador ng kalabaw ng bayan nila sa anggat ang bulalo dun grabe, weekly! Hindi special ang bulalo dun dahil regular na meron so ang mangyayari diba mamantika yung bulalo tapos iinom ka ng malamig na malamig na coke ay naku grabeh, ano nangyari?

Eventually, 4 years ago nagkaroon siya ng stroke at naulit pa iyon hanggang naka tatlong stroke siya kaya ngayon ay bedridden siya. You see? Ang sweetness ay nakakaadik and sometimes kahit inom ka na ng inom yung “thirst” mo talaga ay hindi masatisfy. Ikaw tropa ilang beses ka ng nagkaroon ng boyfriend or girlfriend? Nagbibilang kaba in the first place? Sunod-sunod ba, sabay-sabay? Ano ba kasing hinahanap mo tropa? Minsan tayo mayroong mga kabataan na hindi mabuhay ng walang boyfriend o kaya ng walang girlfriend. Alam mo yung kakabreak palang ng pang limang boyfriend kahapon tapos after 3 days meron na kaagad na kapalit. So kayo, try to understand yourself a little deeper. Yun bang pag cra-crave ninyo ng sweetness sa inyong boyfriend/girlfriend ay mayroon talaga kayong hinahanap, isang butas sa puso niyo na hindi talaga mapununan? Well, that is something to think about.

O ito pa, isa pa sa mga alternatives natin sa tubig, it’s “energy drinks”.

Redbull, revicon-ion, monster energy drink at kung ano-ano pa andaming mga produkto diyan nagkalat. Yung energy drink kasi siguro we can like it through sports into our lives. Yung iba mahilig sa basketball so kung walang ginagawa sige basketball, yung iba naman nagbababad sa gym as in minsan dalawang oras sa gym, alam mo yun? Yung nag papalaki ng katawan para maging “macho man, yeah” o kaya yung iba naman kung hindi naman physical sports as in virtual sports, yung iba napakahilig mag dota, napakahilig maglaro ng video games, nakakaadik din yan. Ibig sabihin kasi there is a thirst that we are satisfying with all these acts an ginagawa natin. So tignan mo tropa ano bang thirst mo kasi for sports. Ito lang yan, “we are looking for excitement in our lives” Ayaw natin ng boring, gusto natin exciting, gusto natin mayroong adrenaline rush. Nanood ba kayo ng mix martial arts o kaya boxing yung tipong pag nagsusuntukan na pag nagsisipaan na, grabeh ramdam na ramdam mo yung adrenaline rush, para bang ikaw yung sumusuntok duon sa kalaban? Ganung klase ng adrenaline rush, ganung klase ng excitement madalas ang hinahanap natin and that’s why nakaka-adik din siya. So instead of satisfying out thirst, we keep looking back, we keep coming back, we keep trying to fulfill our thirst. Ganun talaga, kaya nga siya thirst diba?

Yung iba naman, ang ipinampupuno nila sa kanilang thirst ay “Alcohol”.

May kanta ang Eraserheads dati at tsaka nirevived ng Radioactive sa go project, ganito yung chorus eh “ Alcohol, alcohol utak ko’y buhol buhol” at ganyan talaga ang nagnyayari kapagka nagpapakalasing tayo. Ang nangyayari meron tayong friends, meron tayong barkada, party-party, pero usually alam niyo ang ginagawa ng alcohol, yung thirst natin for connection, yung thirst natin for some “deep relationships” lalong-lalo na sa mga tropa nating kalalakihan diyan, ano boys? hindi ba ang hirap makipag usap, ang hirap maglabas ng emotions kung wala kang “iniinom”, diba? Yun yung dominant practice sa ating kultura and sometimes dahil nga sa ginagawa nating yan, nagkakaroon tayo ng mga experiences at dahil nga sa alcohol minsan maraming nalalasing, maraming sumusuka, maraming may pinaggagawa tapos kinabukasan hindi maaala-all because gustong makipag connect through alcohol.

At ito pa, alam niyo yung ibang mga thirst nating mga kabataan, alam niyo akung anong alternative? “Muriatic Acid” am talking about “suicide” pinag usapan natin ito sa isa sa mga nakaraan nating episode, episode 9 ata iyo? Well, when we talk about suicide sa mga kabataan dumadami talaga ang mga nagsu-suicide na mga kabataan, ok granted, hindi naman siguro muriatic acid lahat pero yung iba nag bibigti yung iba tumatalon sa harap ng tren o kaya kung anu-ano pa, but the point is tayong mga kabataan kapagka meron tayong thirst, kapag uhaw na uhaw tayo sa pag ibig o kaya pagtanggap tapos hindi natin yun makita anywhere, grabeh! Ang nagiging last resort ay ang “pagkakamatay” and it’s really sad kapagka ang isang kabataan ay wala nang nakikitang pag asa at walang tumutugon sa kanyang pagka uhaw sa pagmamahal.

At ito na, ito na talaga ang tanging nakakapagtanggal n gating “thirst” ng ating “uhaw”, ano pa eh di siyempre “TUBIG” “WATER”, diba?

Ang water kung titignan mo parang ang boring niya compared sa kape, compared sa soft drinks, compared sa energy drink, compared sa lahat. Wala siyang kulay kahit yung packaging niya parang ang pangit, diba? Tapos mura pa siya tapos minsan available siya kahit saan, punta ka lang sa faucet, sa poso at pwede ka nang kumuha ng water, pero ito, minsan hindi natin nare-realize na kailangan natin ng “water” sa buhay natin. Sabi ng mga scienctist ang katawan daw natin ay mamamatay if we are deprived of water for 5 days ( subukan mong uminom ng 5 araw kung hindi ka naman mamamatay).

Yun ngang pelikulang “127 hours” na pinagbidahan ni James Franco, dahil na stranded siya almost 5 days sa isang bangin tapos siya lang mag isa doon, alam ninyo yung ginawa niya, kinailangan niyang inumin yung ihi niya mabuhay lang. Ganun kaimportante ang tubig pero dahil nga marami at nagkalat hindi natin narerealize yung “value” ng tubig and you know what, tayo bilang mga kabataan tayo bilang mga tao dahil nga meron tayong thirst the only thing na talagang makaka-solve sa ating thirst sa ating pagka uhaw at ang tubig.

You know what ang sabi ng Panginoon Jesus sa John 4:10, ganito ang sabi niya “if you knew the generosity of God and who I am, you would be asking me for a drink and I would give you fresh living water” at sabi pa niya sa verses 13-14 “everyone who drinks this water will get thirsty again and again, anyone who drinks the water I give will never thirst, not ever. The water I give will be an artesian spring gushing fountains of endless life ” at alam ninyo mga tropa sa dami ng mga thirsts, sa dami ng mga pinagkakauhawan natin kung i-try natin lahat ng mga binanggit ko kanina na i-solve ang ating thirst, alam mo mauuhaw at mauuhaw ka pa rin kahit na makalimang baso ka ng soft drinks, makalimang energy drink ka, makalimang bote ka ng alcohol, ng beer or whatever, makalimang cups ka ng coffee pagkatapos ng lahat nun uhaw ka pa rin.

Ganyan ang nangyayari if “we are trying to solve our own thirst in our own way” pero tignan mo ang ganda ganda parin ng promise ni Jesus, sabi niya everyone who drinks this water will never thirst, not ever! So tropa may ino-offer na tubig si Jesus and this is something that can give life for us! Ang taning dapat natin gawin at tanggapin natin yan and you know what, yung promise niya na it will give a gushing fountain of life, tropa totoo yan. So if you’ve been trying all the others and I hope sana hindi mo naman sinusubukan yung muriatic acid na solution try mo ito, try mo ang water. Boring siya, hindi makulay but it’s what you need. Try mo si Jesus,

Music Playing “Bulong” by Kitchie Nadal

So tropa natapos nanaman ang kuwentuhan natin. I would like to hear from you, if you are on facebook hanapin lang ninyo ang facebook.com/pinoyyouth at kung meron kayong katanungan feedback or anything kahit violent reaction tropa tatanggapin ko yan and I will reply sa iyo. Ako online ako halos araw-araw and if you just buzz me I am going to respond at kung nasa twitter ka din punta ka sa twitter.com/pinoyyouth at kung namiss mo naman ang mga previous episode natin at gusto mong making punta ka lang sa pinoyyouth.org/generation at muli ako si Kuya Mighty ang nakasama mo dito sa ating programang Generation Y Chronicles kung saan ikaw ang bida at pinag uusapan natin ang buhay kabataan.