Right click here to download the audio file.

Paano ba natin ipahahayag ang ating pagmamahal sa ating inang bayan?

Wazz’up wazz’up mga tropa? Ito na naman si Kuya Mighty at magkakasama na naman tayo in the next 30 minutes sa kwentuhan natin dito sa Generation Y Chronicles.

inangbayanAng isa sa mga paborito kong movies while growing up, ah, napapanuuod to sa free tv ano at siyempre napanood ko na rin to sa dvd version nito, ung BRAVEHEART na kinatampukan ni Mel Gibson. Ang hindi ko makakalimutan na part ng movie yung time na nacapture si William Wallace un character ni Mel Gibson towards the end of the movie at ung hari ng England during that time asked him one question, “Mercy or freedom?”

Siguro para sa isang bayani na kagaya ni William Wallace, parang  in a sense if ang kinahaharapan mo ay siguradong kamatayan, baka pwedeng pwedeng mercy sana ung isinigaw niya noh? Kasi during that time ah, siya taga Scottland siya at ung kalaban niya ay yung hari ng United Kingdom o ung hari ng England.

Ngayon, given the chance to, to still live, pero ibig sabihin hindi na niya ipaglalaban ung kalayaan ng Scottland, andun ung choice for him, is it mercy or freedom? At, wel, siyempre kung napanuod niyo ung movie, you would know na ang pinili niyang isigaw ay FREEDOM. At yon, ung last scene ng movie ay yung palakol o yung axe, yun ang pumugot sa ulo niya. Yan.

So, by the way mga tropa… Namatay siya, he was just 23 years old. Imagine noh?! He was just 23! Just, kabataan pa siya! So, imagine mo noh, he was a hero at age 23. Di ba, that’s, pag napapanuod ko pala ung movie na yon nagkakaroon, nagkakaroon ako ng goosebumps kasi kitang-kita mo sa kanila yung pagmamahal nila sa kanilang bayan. Now, dito sa ating bansa, do you want to be a hero? GUSTO MO BANG IPAHAYAG DIN YUNG PAGMAMAHAL MO SA ATING INANG BAYAN?

 

Pakinggan natin ang kantang ito, “Sisikat din ang ating araw” by Dicta…

(Music playing, lyrics below)

[Chorus]
Sisikat nang muli ang ating araw
Sa nayong may himig ng hanging
Hinipan ng banal
Tulad ng awit na pumipiglas sa
Kahon ng kundiman

Madalas ay reklamo lang
Ang bukang bibig
At di makita ang sakit na
Iyong pasan
Mas matalas ang dila kung
Mayroong galaw ng bisig
Paliparin ang malayang isip

[Chorus]
Sisikat nang muli ang ating araw
Sa nayong may himig ng hanging
Hinipan ng banal
Tulad ng awit na pumipiglas sa
Kahon ng kundiman

Dinggin mo ang taway ng
Lupang pinagmulan
Nang kayamanan na di mo rin
Pala natitikman… natitikman… yeah
Kelan malilinis ang bahid ng dumi
(Hindi malaman) may’rong pag-asa ating inaasam

[Chorus]
Sisikat nang muli ang ating araw
Sa layong may himig ng hanging
Hinipan ng banal
Tulad ng awit na pumipiglas sa
Kahon ng kundiman

C’mon now…

Ahh… here we go… ahh

[Rap]
Isa na namang awit ang tutuhog sa marurupok na puso
Lanta-lanta sa diwa at pag-asa ng umaga
Bukas loob silipin ang sarili
Balat, mukha, mata, dinggin ang huni
Pagkalipas ng ilang taon unti-unting aahon
Ang lipi ng lupa na napako sa kahapon
Walang pamagat alay kong alamat (alay kong alamat)
Hindi makakahon damdamin kong naisulat

Di mo ba naririnig, ang tinig ng lahat
Sabay-sabay, lumiliyab
Sisikat nang muli

[Chorus]
Sisikat nang muli ang ating araw
Sa nayong may himig ng hanging
Hinipan ng banal
Tulad ng awit na pumipiglas sa
Kahon ng kundiman

Yeaahh…

Sisikat na muli…
Sisikat na muli…
Sisikat na muli…

Yan, napakinggan niyo po ang ating araw by Dicta License. Para sa atin ano ba ang ibig sabihin ng independence?

Para sa iba noh, para sa marami, lalo na ung mga nagwe-work sa corporate world, ang independence day ay, well, holiday or minsan, hindi ko alam kung ililipat ba to sa weekend or what di ba pero for some or at least the past few years nung si ah President Arroyo, nililipat ung holidays so nagkakaroon ng long weekends, so naga-out-of-town or nagbabaksayon o kaya ung iba naman they just stay at home ano, ah nanunuod ng tv maghapon or nagpeplay station or whatever, pero un nga ba talaga ang ibig sabihin ng independence day?

Tignan natin ung sa throughout our history, ang independence day e, we celebrate this because finally nagkaroon tayo ng kalayaan mula duon sa mga foreigners, sa mga banyaga na sumakop satin. At siyempre ang unang sumakop sa atin ay yung mga Spanish, ang Spain. At nandito sila sa Pilipinas for more than 300 years, actually halos 400 years nga yun e. At ang mga heroes natin dyan, well of course, nandyan sina Jose Rizal, nandiyan sina Antonio Luna, andiyan sila Marcelo del pilar, sina Andres Bonifacio. So ang dami. And mind you tropa, they were still in their youth nung pinaglaban nila ung kalayaan natin. Etong si Andres Bonifacio lalo titignan mo, anu to e, masang masa to e. Eto namang sina Rizal tsaka ung mga barkada niyang nasa Madrid, eto ung mga medyo, medyo mayayaman. At medyo nakakapagaral sa mga universities.

So kung ano man ang estado mo sa buhay ngayon, kung feeling mo istambay ka lang or ano, tingin mo sobrang masang mas aka, MAY PAGASA KA PA DUDE. Pwede ka pa ring maging hero kagaya ni Andres Bonifacio.

Hindi lang naman ung mga nakapagtapos ng pagaaral ang pwedeng maging hero di ba? Ung mag-alay ng kanilang buhay para sa ating Inang Bayan.

Pero tignan mo during that time nung time nila Rizal, nila Bonifacio, parang mas madaling maging hero. Simple lang di ba? Kalabanin mo ung mga Spanish. Kasi very well defined yung mga kalaban ng bayan natin during that time. Yung mga abusadong mga pari, yung mga abusadong Spanish at kasi ginagawa tayong probinsiya ng Spain kahit hindi naman talaga tayo part ng Spain hindi ba? At meron ding naganap noon na sabihin na nating pangaalipin sa atin.

Pero ngayon, how about in the 21st century? Hello anong petsa na di ba? 2013 na. E yung pinaglaban ni Rizal un gating kalayaan tsaka ung ibang mga heroes, it was just 1800’s, late 1800’s. Papunta na ng 1900. So that was more than 100 years ago…

At kelan ba iwinagayway ni Emilio Aguinaldo yung watawat natin? Di ba June 12, 1898? Sobrang tagal na nun. Siguro, malamang, siyempre hindi pa pinapanganak ung mga parents natin nun. Yung mga lolo ng lolo natin yun yung mga buhayy noon.

At ito, nagevolve na ang mga problema ng ating bansa… It’s not just about colonialism, it’s not ust about one country na sumasakop sa atin. At ngayon, wala nang particular face ang, ang mga kalaban ng ating bansa. At hindi lang ito kayang tapusin ng isang digmaan, ng isang war kagaya nung yun mga panahon ni Andres Bonifacio.

Kung nung panahon nila, ang pagiging hero at pagiging ang pakikipaglaban para sa Inang bayan ay pagpupunit ng sedula at pagtataas ng ng ng bolo, pagkuha ng sibat, at pamamaril sa mga kalaban. E ngayon, parang hindi naman applicable satin yun noh? Ang alam ko lang na nagtataas ng itak ngayon, yung mga matador ng mga kalabaw, o ng manok o ng ano pang hayop, o kaya yung mga lasenggong naghahabol ng kaaway dun sa mga probinsiya hindi ba?

Kaya o, mga tropa wag na wag kayo basta bastang kukuha ng itak. Hindi yan ung mga solusyon sa mga problema natin ngayon.

Now tignan natin, sobrang dami ng ating bansa. And we need to realize na meron tayong role para ito ay malabanan. At yan yung paraan natin upang, upang ipahayag natin ung ating pagmamahal sa ating Inang Bayan.

Now let us just go through some of the problems na kinahaharapan ng ating bansa.

Una noh, corruption. Pangalawa, poverty. Pangatlo, education. At pangapat, yung problema ng employment.

Yan, isa-isahin natin tong mga to noh.

Una, sa CORRUPTION pa lang.

Ahm, alam niyo mga tropa, usually ang corruption naa-associate natin sa gobyerno noh? Marami tayong naririnig na kwento on, halimbawa ung tinatawag nating SOP. Kung ang isang project daw ng gobyerno ay sabihin na nating sampung milyon, usually ang SOP niyan e parang parang anywhere between 30% ng project e napupunta sa bulsa ng kung sino mang politiko. Minsan may pupunta daw kay Mayor, may pupunta daw kay congressman, tapos ang talagang mapupunta na lang sa project ay halos 50 percent na lang ng pera.

Kaya nga tingnan ninyo, napansin ba ninyo ung ibang mga sementadong daan sa atin, wala pang 5 years pinapalitan na ulit kasi substandard ung mga ginagamit. Ang isa pang, isa pang palatandaan ng corruption, punta kayo sa ilang mga government offices ung mga under-the-table negotiations. Kaya, kunwari sa bidding ng mga government projects, ung mga nakakakuha ng projects ay yung pare ni ganitong politico o kaya ung kamagg-anak ni governor o nung ongressman o nung mayor ano. So laganap ang corruption sa iba’t ibang mga ahensiya ng ating gobyerno. And that is something that we should fight. Kailangan nating tapusin ang corruption na yan para ang pera ng taong bayan ay talagang mapupunta sa mga projets na, na pampabuti sa ating mga buhay.

Pero actually, ung corruption nagaganap din yan sa corporate world. Ahm, meron ding tinatawag na corporate corruption. At un nga, dahil siguro sa dami ng pera sa  corporate world noh, talagang araming nate-tempt na kumuha at magbulsa nung mga pera na dapat ay hindi naman para sa kanila.

Actually nito ngang nakaraang taon ano, meron din isang NGO sa banda ng Visayas na na-involve sa corruption issue. Ung tipong ung mga perang narecieve nilang mga grants, ung iba dun galing sa mga foreign governments ay hindi pala napupunta sa mga livelihood projects na para duon sa mga intended beneficiaries nila.

So yun, kahit saan mo tignan, merong corruption at un ang kailangan nating labanan.

Pangalawa, POVERTY.

Naku, alam niyo ang hirap hirap labanan ng poverty ano at I’m sure yung mga parents ninyo, lalong lalo na kung naga-abroad ung mga parents ninyo ano, ang madalas nilang sinasabi at baka naririndi na kayo sa sobrang dalas nilang magsabi nito, “Edukasyon lang ang maipapamana nila sa inyo”.

Minsan ganito pa yan e noh, bago pumunta sa college noh, “Anak tandaan mo, ung pagaaral lang ang maipapamana namin sayo, wala tayong ari-arian, wala tayong pera.” Ok sige, parang gusto nating sabihin ano dahil sa sobrang dalas nating marinig yun, “Ok dad, I know, narinig ko na yan mga 100 times na.” di ba?

But here’s the thing, actually they have a point.

Kasi dito sa ating bansa noh, some of the data na nirelease ng ating ahm, n gating gobyerno, e poverty remains social critical problem dito sa ating bansa. Ang per capita income natin ay P16,841 a year. Grabe ang, ang baba nung income level na yon di ba? At ang sabi pa ng National Statistical Coordination Board, “More than one quarter or 27.9% n gating populasyon ay below the poverty line. Yan yung, yan yung data noong 1st semester noong 2012.

Isipin mo noh? Ung poverty ay isang problema na patuloy na nararansan ng napakarami nating mga kababayan. Actually, kahit wala sigurong data ano, tingnan lang ninyo ang paligid ninyo, mga kapitbahay ninyo diyan sa probinsiya. Or kung hindi ninyo nakikita ung mga kapitbahay ninyo, take a look at ung mga namamalimos sa mga cities… I’m sure kahit sa mga, mga major cities sa, sa mga probinsiya like Santiago City diyan sa Isabela, ang Tuguegarao City sa Cagayan, and the couple of others noh. Makikita mo ang daming batang namamalimos, ang daming mga ung pwede nating sabihing mga taong grasa ano. At talaga naman, kawawa ung kanilang kalagayan.

At etu pa, ung mga magsasaka natin, they continue to experience poverty first hand. Sa dami ng mga gastos nila, minsan lagi silang nangungutang to the point na ung lupa nila, ung bahay nila kinukuha na nung pinagkautangan nila. So that remains one of the major problems natin.

Ikaw tropa, nararanasan mo ba ang poverty?

O halimbawa na, ung pang-allowance mo kung nagaaral ka, o kaya ung pambayad mo ng load. Kasi minsan ang mga kabataan e kahit mahirap ang buhay, basta may cellphone at pwedeng magload e happy na. Di ba? Yun.

At pangatlo, EDUKASYON tropa.

Ito ung isa sa mga problema rin natin dito sa ating bansa. Ahm, according to some data galing, galing sa ating gobyerno mismo noh, “Dahil sa kakulangan ng classroom, around 4.6 million ng mga bata at kabataan ang hindi kayang iaccommodate ng ating educational system this year alone. Silipin mo kung 100 million ang population natin, ang 4.6% ng total population natin ang hindi makapagaral. Grabe!

At siyempre, kagaya ng madalas sabihin n gating mga magulang na edukasyon ang gusto nilang ipamana sa atin, isipin mo ang future na hindi ka nakakapagaral. Yun ngang nakapagtapos di ba ang hirap nang makakuha ng trabaho, how much more ung hindi nakapagaral?

Ayan, e minsan ang mga may problema naman ay yung may mga pagkakataong magaral, hindi siniseryoso ung pagaaral. Alam mo yung ano lang, ung tamang gimik, tammang laro, tamang, tamang paglunok ng pakwan.

Ang sabi din ng iba sa mga tagalog noh, sabi maagang naglandi yuh. Yan, naririnig niyo ba yan sinasabi siguro ng mga lola o kaya nagaganap yan ung ano pinagtitsismisan ka ng mga magkakapitbahay sa mga baryo, sa mga barangay or kahit sa mga bayan-bayan.

Isang experience ko, nung when I was 21 years old umuwi ako sa bahay naming sa may San Manuel, Isabela, nakita ko ung classmate ko na nagkasakay kami sa jeep. Tapos ang sabi niya, nagkakwentuhan kami, ang sabi niya, at age 21 daw dun sa baryo nila, matandang dalaga na siya. Imagine?

So ibig sabihin pala sa barangay nila ang mga nagpapakasal or nagaasawa, siguro ga 18, 19, 17, 16, or actually even in some places noh na medyo nasa far flung areas, 13, 14 pa lang, nagaasawa na!

Nako, imagine niyo na lang ang inyong future kapag ka ganon.

Sa probinsiya naman in fairness noh, kung marunong ka lang magtanim tanim, e meron ka namang aanihin like I know for a fact ung mga Ilokano e napakahilig magtanim ng mga gulay, ng mga puno.

Ngayon, if you have that kind of resource, siyempre, makakatipid ka. But it will not be enough. Ang dami pa ring kailangan bilhin, marami pa ring needs na kailangan tugunan.

And lastly, ito isa sa mga problem natin, dahil na rin siguro kulang ang opportunities natin, problema natin ang UNEMPLOYMENT dito sa ating bansa.

Noong 2012, ang official rate nung unemployment daw dito sa ating bansa is 6.8%. So, ibig sabihin niyan, millions pa rin ng mga kabataan, ng mga labor force ang hindi nakakapagtrabaho. And  if we consider the fact na ang middle age ng mga Filipinos ay 23 years old, yan ung time na dapat productive tayo sa buhay natin.

Isipin mo if wala kang trabaho, you have energy, you have time, pero walang trabaho. Ibig sabihin niyan, kung anu-ano ang pwede mong maisip na gawin. Kaya di ba ung ibang mga istambay, wala nan gang magawa sa buhay, sakit pa sa ulo ng mga magulang nila or hindi lang ng magulang kundi ng buong community. Kasi kung anu-anong pinaggagagawa. Kasi nga may time, may energy, pero walang mapagukulan ng tamang gagawin.

So yun, mga tropa, kung titignan natin ano, parang ang daling mawalan ng pagasa, sobrang daling maging cynical sa ating bansa. Kaya din isa sa mga epekto ng unemployment dito sa ating bansa, napakaraming mga kabataan, o kahit mga mothers and fathers ang nangingibang bansa. I’m sure ung mga tagapakinig natin sa ibang bansa could relate to this.

Dahil nga walang opportunities sa Pilipinas, napipilitan na lang mangibang bansa kahit na napakahirap.

At ang result niyan, sa buong mundo, tayong mga Pilipino ang pinakascattered na bansa, na nation. Ibig sabihin, like ang mga Pilipino can be found in more than 200 countries worldwide. Grabe noh?

Pero I’m sure lahat ng mga Pilipinong scattered sa iba ibang mga bansa, they will agree one thing, THERE’S NO PLACE LIKE HOME.

And if you contrast that with a fact na nakikita natin sa bansa natin ano, ang pinakamayayaman na mga tao, controls more than 80% ng yaman ng bansa. At yan ung tinatawag na tatsulok. O pakinggan natin to, song by Bamboo, tatsulok…

(Music playing)

Totoy bilisan mo, bilisan mo ang takbo
Ilagan ang mga bombang nakatutok sa ulo mo
Totoy tumalon ka, dumapa kung kailangan
At baka tamaan pa ng mga balang ligaw
Totoy makinig ka, wag kang magpa-gabi
Baka mapagkamalan ka’t humandusay dyan sa tabi
Totoy alam mo ba kung ano ang puno’t dulo
Ng di matapos-tapos na kaguluhang ito

Hindi pula’t dilaw tunay na magkalaban
Ang kulay at tatak ay di syang dahilan
Hangga’t marami ang lugmok sa kahirapan
At ang hustisya ay para lang sa mayaman

Habang may tatsulok at sila ang nasa tuktok
Di matatapos itong gulo

Iligtas ang hininga ng kay raming mga tao
At ang dating munting bukid, ngayo’y sementeryo
Totoy kumilos ka, baliktarin ang tatsulok
Tulad ng dukha, nailagay mo sa tuktok

Hindi pula’t dilaw tunay na magkalaban
Ang kulay at tatak ay di syang dahilan
Hangga’t marami ang lugmok sa kahirapan
At ang hustisya ay para lang sa mayaman

Habang may tatsulok at sila ang nasa tuktok
Di matatapos itong gulo

Hindi pula’t dilaw tunay na magkalaban
Ang kulay at tatak ay di syang dahilan
Hangga’t marami ang lugmok sa kahirapan
At ang hustisya ay para lang sa mayaman

Habang may tatsulok at sila ang nasa tuktok
Di matatapos itong gulo

Habang may tatsulok at sila ang nasa tuktok
Di matatapos itong gulo…….

Di matatapos itong gulo……


So, sabi ni Bamboo dun sa kanta niya, which is by the way isang revival ng original by na original na song ng Buklod, hanggang may tatsulok, ung pyramid na tipong concentrated ang pera sa iilang mga tao dito sa ating bansa e talagang makakaexperience tayo ng kahirapan.

Ngayon, ang tanong natin kanina e how can we express our love kay Inang Bayan?

Ok, eto, ilan sa mga tips na pwede nating gawin even if mga kabataan pa lang tayo…

Una, kailangan nating magaral ng maayos.

Dahil un ang role natin sa mundo for now. Mag-aral tayo, magtraining tayo. And let us do our best para makapagaccumulate tayo ng knowledge at makapagaccumulate tayo ng experience para by the time that we arrive by our early 20s e readying ready tayong harapin ung mga challenges ng ating bansa. We can be productive at kayang kaya nating, kayang kaya nating kumta para sa sarili natin at para sa ating pamilya at para sa ating bayan.

Pangalawa, we should also do acts of kindness sa ibang mga tao.

Kahit pa banyaga yan, foreigners o mgga kaPilipino natin, we should always be hospitable. Actually, yan ung isa sa mga traits natin bilang mga Pilipino. Kahit na sabi ni Dan Brown na ang Maynila daw ay gates of, gates of hell daw, which is by the way medyo nakakatawa, well there’s some truth to it pero sabi naman ni Paulo Coelho, yun daw souls nating mga Pilipino lead to the gates of heaven, which I think is also true.

Dahil nga ang isa sa mga strength nating mga Pilipino kahit sobrang hirap nan g buhay, we find time to help each other and we can joke about oour situation at nakakatwa pa rin tayo.

Tignan mo kahit ung mga, ung mga minimum income earners, mga wage earners ano, kahit mga construction workers yan, o kahit kaya ung mga magsasaka, they still find time to laugh at saka ngumiti. And that’s something that we should not forget. We should always act kindly toward other people.

And pangatlo, mga tropa kelangan nating makialam.

Sometimes kelangan nating makirally lalong lalo na if we live passionately dun sa isang cause or advocacy na ipinaglalaban natin, and sometimes yun lang ung paraan para marinig tayo ng government. But at the same time, hindi lang naman iyon yung expression n gating pakikialam. Sometimes alam niyo yun, we have opportunity to help our government.

O kayo tropa, bumoto ba kayo nitong nakaraang eleksiyon? Are you a member of the SK? Alam niyo those are the simple ways na nakakatulong tayo ano. And at the same time kung, kung may program ang government natin for young peopleo r for improvement ng ating bayan at ng ating bansa, we should take part in it.

Hindi naman tama na tayo e rally ng rally, puro ang, ang battlecry natin e “Ibagsak, ibagsak”, e kung bumagsak nga anong mangyayari, di ba? So anong alternative mo?

Kailangan pa rin nating isipin yon like kung ano ung alternative natin and kung paano tayo makakatulong hindi lang sa gobyerno kundi sa buong sambayanang Pilipino.

And lastly, eto mga tropa, we need to improve ourselves for global competitiveness. Mangarap tayo hindi lang para sa sarili natin, hindi lang para sa pamilya natin kundi para din sa ating bansa. That’s one thing actually nan asa puso din ng maraming mga migrant workers natin. Kasi even if nasa ibang bansa sila, nababalitaan pa rin nila, naririnig pa rin nila kung anon g nagaganap dito sa ating bansa. And that’s something na nasa heart ng maraming Pilipino.

So we should dream not only for ourselves but also for our country.

S ayun, kayo mga tropa, ano pa ung mga paraan para maexpress natin ung pagmamahal natin para sa ating Inang Bayan? If yu have any ideas, I would really love to hear from you. Bisitahin mo ang ating Facebook page, punt aka lang sa facebook.com/pinnoyyouth o kaya sa twitter.com/pinoyyouth.

Ahm, pwede mong ipost dun ung ibang mga suggestions mo kung paano natin ie-express ang ating pagmamahal sa Inang Bayan.

Muli ito si Kuya Mighty at nakasama ninyo dito sa ating programang Generation Y Chronicles. Hanggang next week, bye guys…

Special thanks to Ylah Alba for the transcription and to flickr.com/leeviraycahili/ for the image.