#016 – What’s Your Thirst?

Patapos na ang summer tropa, nag enjoy kaba? Madalas kabang nauuhaw? In this episode we are going to talk about our “THIRST”. Ano ba nang kina-uuhawan natin mga kabataan?

Right click to download Episode #016

Good evening mga tropa, how are you? It’s already more than halfway ng May ibig sabihin malapit naring matapos ang buwan na ito and that also means na patapos narin ang atin summer. Kumusta naman ang summer ninyo, nag enjoy ba kayo? Did you go to the beach or nag stay lang kayo sa baha nag summer class ba kayo at at medyo na bore sa mga profesors ninyo? How about yung mga “gimik” na pinuntahan ninyo this summer? How did it go? Nag establish ba kayo ng business or did you learn some new skills? Well, ano pa man ang mga pinaggagawa ninyo this summer I’m just hoping na naging productive ang summer ninyo at siyempre sana naging fun! Well, ako medyo naging fun ang aking summer maraming pinag gagawa. Kapag kasi ikaw ay isang youth worker , isang youth minister at isa ding writer at ngayon ay isa rin nasa radyo na nag bro-broadcast kasama ninyo hindi talaga nawawalan ng ginagawa. Yes! Mga tropa ako si Kuya Mighty magkakasama nanaman tayo in the next 30 minutes ng pakikinig sa mga nice songs and at the same time makikipag kuwentuhan ako sa inyo about our life as young people.

So ito na nga, throughout the summer grabeh ung init! Minsan umaabot pa nga yata sa 36 degrees centigrade o kaya minsan diyan siguro sa banda ng Tuguegarao umaabot ng 40 degrees and during those times sigurado ako na, alam mo yung feeling na kapag naglakad ka lang ng kahit sampung minute lang under the heat of the sun, alam mo yung grabeh, tagaktak yung pawis tapos pagod na pagod ka at gustong-gusto mong uminom! Naramdaman niyo nay un diba? Yung tipong, yung lalamunan mo tuyong-tuyo, yung pawis mo medyo nanghihina kana at gustong gusto mong uminom, diba? So on those times ano ang iniinom mo? Usually, sa atin meron mga pumupunta sa tindahan bumibili ng soft drink pero pagkatapos mong uminom ng soft drink medyo nauuhaw kapa rin diba? Kasi nga matamis yung soft drink, lalong lalo na may “caffeine” siya, so ang “caffeine” ay tinatawag siyang “diuretic” na nakakapag dehydrate sa ating katawan. So ito sa totoo lang, hindi lang pisikal ang mga thirst natin meron din tayong mga “spiritual and emotional thirst”. Ito yung mga tipong kinauuhawan mo sa buhay. Well yun nga yung pag uusapan natin ngayon at kung ano man yung mga uhaw na iyon ay malalaman natin as we discover kung anu-ano yung mga alternatives natin na iniinom dahil dito sa mga thirst natin. Continue reading

Trabaho, Trabaho, Nasan Ka?

by Sola Apostol

Mapa-fresh grad ka man, kaka-endo lang, o ilang years ka nang idle, iisa lang ang aim natin–makapaghanap ng work. Siguro excited ka. Driven. Pressured, o baka naman mismong magulang mo na ang pumipilit sa’yong magpunta sa mga job fairs o gumawa ng account sa mga online job site.

job hunting

 

Minsan mabilis pa sa alas kuatro. Minsan, parang magte-ten years na. Hanap-hanap lang pag may time.

Nag-OJT ako dati sa isang city government office. Ang aim nila ay mabigyan ng trabaho ang mga kababayan nila sa nasabing lugar. Sila ‘yung contact ng iba’t ibang kumpanya para makakuha ng mga empleyado. Kumbaga, parang manpower sila, government-based nga lang. Naalala ko ang sinabi sa’kin ng isang clerk doon.

“Alam mo ba, ang trabaho na ang lumalapit sa kanila. Pero dahil sa mga pansarili nilang dahilan (kesyo malayo at wala silang pamasahe, hindi nila gusto ang trabaho, atbp), pinapalagpas nila ang opportunity na makapagsimulang makaipon sila ng pera.”

Personally, hindi naman talaga mahirap maghanap ng trabaho. Kung talagang hindi ka tumitigil sa pag-apply, tiyak na makakakuha at makakakuha ka talaga ng trabaho within a month or two. At sa tingin ko naman, marami talagang kabataan ang napaka-dedicated sa paghahanap ng trabaho, lalo na’t bumaba ang jobless rate ng mga Pinoy Youth. Kitang-kita na in demand tayo, tropa.

Siguro, bago ka maghanap ulit ng trabaho, keep this two questions in mind:

1. Para saan ba’tong ginagawa ko?
2. Ano bang makukuha ko kung makakapagtrabaho ako?

Promise, makakatulong ‘yan as motivation sa susunod na mag-apply ka. 🙂

#015 Pagpupugay Kay Nanay

This is our “Mother’s Day Special” – Pag-pupugay sa mga Nanay!

Ito si Kuya Mighty at magkaka sama-sama nanaman tayo in the next 30 minutes ng kuwentuhan tungkol sa buhay kabataan at iyo ang Generation Y Chronicles.

Right click here to download episode #015

mothers.nanay_pv05Hey mga tropa, how are you today? Pumunta ba kayo sa mga polling stations para i-cast ang inyong mga boto para sa magiging senador ng ating bayan, yung mga magiging governors congressman at siyempre yung mga mayor at yung mga konsehal sa inyong mga bayan? You know ang pagboto ay isa sa ating mga responsibilities as citizens dito sa ating bansa and it is one of the ways that we can participate in the government of country so I hope na ginawa ninyo yan at hindi ninyo sinayang yung chance to make a difference in our country.

Well, there is also an important thing na naganap kahapon which was Sunday ito yung ating tinatawag na “Mother’s Day” which is being celebrated all over the world. Alam ba ninyo ang history ng Mother’s Day? Actually ang Mother’s day, hindi lang siya dito sa Pilipinas sine-celebrate, nag umpisa talaga ang celebration ng Mother’s day duon sa United States at ito nga ay inumpisahan ng isang babaeng nag-ngangalang “Ana Jarvis” na tiga West Virginia at nuong 1908. Isipin mo grabe ganun na katagal itong celebration na ito, it’s been more than 100 years at siyempre throughout history may mga pagkakataon na ang mga mothers ay sine-celebrate although hindi siya, parang hindi siya parang wlang holiday associated with it.

Well technically, ang Mother’s day ay hindi naman talaga holiday although we recognize it sa 2nd Sunday of the month of May at so itong si Ana Jarvis nga noong 1908 nag-umpisa siyang magkaroon ng isang memorial para sa mga mommy, mga mother’s duon sa grafton, West Virginia at since then nag umpisa ito at nag campaign siya para gawing recognized holiday sa United States ang Mother’s Day, well naging successful siya nuon 1914 but, well as usual kagaya ng nagaganap sa maraming mga holidays naging commercialized ito at ginamit ito para mag benta ng mga produkto, magbenta ng kung anu-ano and so naging commercialized ang Mother’s day kaya itong si Ana Jarvis eh medyo naging disappointed siya sa kinahinatnan nung kanyang naging campaign but well in any case dito sa Pilipinas because tayo ay heavily influenced ng mga Americans we also started celebrating Mother’s day at siguro it’s also one way for us na maalala at wag kalimutan yung mga role ng ating mga magulang especially our mothers kahit man lang once a year. Kasi naman minsan nakakalimutan natin na i-kiss si mommy si nanay diba? O kaya I hug o kaya pasalamatan siya sa lahat ng mga ginagawa niya sa ating buhay. Ano ginawa ninyo kahapon para kay mommy? Hindi niyo ba siya pinagtrabaho sa buong bahay? Kumain ba kayo sa labas? Binilan niyo ba siya ng card or binigyan ng cake? Well ano man yung mga ginawa ninyo kahapon ano, I’m hoping na you managed to make her special kahit na isang araw man lang sa isang buong taon. Pakinggan muna natin itong isang awitin ito, this one is from Spice Girls entitled “MAMA” Continue reading

#014 – Sinong Iboboto Mo?

Still unsure kung sinu-sino ang mga iboboto this coming May 13, 2013 elections?

Listen to this episode of GenY Chronicles with special guest, Ms. Kriselle Niña Pantig of the Christian Convergence for Good Governance. She shares the 5K criteria of CCGG on voting for the right candidates.

Right click to download Episode #014

5K

 

Transcript of this episode to follow.

On First Dates, First Kiss, and First Vote?

By Fides Apostol

Mga campaign jingles na nakaka-LSS, mga intelehenteng kandidato sa mga televised political debates, mga constant check-ups ng mga PCOS machines, ang linyang “VOTE WISELY” na nakikita at naririnig kahit saan ka magpunta, pati na rin siguro ang madalas na pagbabalita ng mga surveys ng mga Top 12 Senatorial Candidates–lahat nang ito ay nagsasabing paparating na nga talaga ang eleksyon dito sa bansa natin.

Pero ikaw ba, anong feelings mo ukol rito? Excited ka ba, kinakabahan, nababagot, o sadyang wala ka lang care sa kung anong mangyayari?

Bilang isang Pinoy na nasa sapat na gulang, isang need ang pagboto. Pero aaminin ko, despite the constant reminders sa local channels sa TV, mga campaign posters na nakadikit sa mga dingding sa paligid o nakasabit sa mga kable sa, hindi ko pa rin masabing handa na ako sa magaganap na eleksyon. Siguro, dahil first time kong boboto, at katulad ng mga first dates, first kiss, at iba pang mga firsts, nakakaramdam ka ng excitement at kaba at the same time. At aaminin ko rin, hindi ako tiyak kung magiging maayos at mapayapa ang eleksyon na ito. Siguro dahil na rin sa kinasanayan na mga pangyayari ng Pilipinas noong mga nagdaang eleksyon.

Naisip ko lang:

Sabi nila, nasa boto ng mga tao ang future ng bayan. Pero paano kung hindi naman pala ganun kaganado o ka-aware ang mga tao sa darating na eleksyon?

Paano kung despite the constant reminders na ibinibigay ng local channels sa TV, hindi pa rin sila tiyak sa dapat nilang gawin?

Paano kung karamihan ng mga botante, bored na bored na sa araw-araw na political ads sa TV o sa mga campaign flyers na sinisingit sa mga gate?

Paano kung wala na silang pakialam sa magiging kalalabasan ng eleksyon dahil nawalan na sila ng pag-asang makaahon pa sa kahirapan?

Ngunit alam ko at umaasa pa rin naman ako na balang-araw, mababago rin ang pananaw kong ito dahil mayroon pa ring mga taong may malilinis ang hangarin sa bayan, at nawa, dumating na ang araw na iyon.

#013 – Internet Addiction

Generation Y Chronicles Episode # 13

Dati puro pa text-text, pa tawag-tawag ang ating mga kabataan ngayon meron ng facebook , meron ng twitter, nandiyan ang internet, hindi natin maipagkakaila na nakaka-adik ang internet. Ikaw ba ay isang “internet addict”? Paano mo malalagpasan ang addiction na ito?

Right click here to download Episode #013

Ito si Kuya Mighty Rasing at muli magkakasama nanaman tayo in the next 30 minutes para pag usapan ang mga usapin tungkol sa buhay kabataan. O ano tropa ready kana?

Hey mga tropa, how are you doing? How’s your summer so far? Nagagawa ba ninyo yung mga, ilang mga tips na binigay natin during our “Summer Fun” episode? Continue reading

#012 – Addiction: Yosi at Alcohol

Generation Y Chronicles Episode #012:

Bilang mga kabataan target tayo ng mga napakarming advertisements.., target din tayo ng napakaraming temptations.., andami-daming addictions na pwedeng nating mapulot, HOW CAN WE PROTECT OURSELVES AGAINST ADDICTION?

Right click to download this episode

Hi mga tropa wazzup, wazzup? Kumusta? Ah, nagkasama nanaman tayong muli, isa nanamang episode ng Generation Y Chronicles kasama ako. Sino pa diba? Ako si Kuya Mighty, and in the next thirty (30) minutes magkukuwentuhan nanaman tayo tungkol sa buhay kabataan. Continue reading