#31 – Persevere!

Right click to download the mp3

September na! Malapit na ang Pasko. Pero bago yan, sembreak muna. Super stressed ka na ba sa school? Here’s a list of 6 tips to help you persevere kahit na mahirap ang pinagdadaanan mo sa school.

 

Transcript of Episode 31

Wazzup, wazzup mga katropa? This is Kuya Mighty, makakasama ninyo in the next 30 minutes para sa ating kwentuhan and listening to some music dito sa ating program Generation Y Chronicles.

How are you mga katropa? After ng siguro halos dalawang linggo ng pag-uuulan at medyo maulan na bed weather eh balik na naman tayo sa normal – napakainit na naman ng panahon. Kaya mag-ingat-ingat kayo katropa at during this time, humihina minsan yung resistensiya natin at hindi natin namamalayan na nagkakasakit tayo dahil sa exposure sa heat and mamaya nauulanan ka o kaya kagaya ng sinasabi ng nanay mo, pag natutuyuan ka ng pawis sa likod tapos nauulanan ka, naku! Gudlak. Maya-maya lang sisinghot singhot ka na.

Ngayon ay September and this is our first episode for the month of September. And we’re kicking it off with a session na I know makakatulong sa inyo sa pagharap sa September before mag-October at anong ibig sabihin niyan. Dalawang bagay lang yan – malapit nang magpasko. Nakarinig na ba kayo ng Christmas songs lately. Just this morning ano, sa isa sa mga early morning TV shows sa mga big networks nakarinig na ko ng Christmas carols. Imagine, Sept 2 tapos Pasko na yung iniisip natin!

Continue reading