Biyaheng EDSA: The Trips We Take sa Matrapik, Mabilis(?), Magulo, pero Exciting na Buhay Yuppie

Kung susuriin natin, dalawang monumento ang nasa magkabilang dulo ng EDSA. Sa northern end, isang monumento para sa idealism at nationalism–pakikibaka para sa bayan. Sa kabilang dulo naman, isang monumento sa capitalism at consumerism. At bilang mga kabataang Pinoy na nag-aaral o nagtratrabaho, madalas ay nasa pagitan tayo ng dalawang monumentong ito.