Right click here to download the episode

In this episode of GenY Chronicles, Kuya Mighty chats with Ariel S. Tabag, the poetry editor of Bannawag Magazine, about the importance of speaking and writing in one’s own language, and why it’s important for young Ilocanos to keep using their own language.

 

Here’s the transcript for this episode.

Magandang gabi sa inyo mga katropa, ito si Kuya Mighty, magkakasama na naman tayo in the next 30 minutes at ito ang ating last episode for the month of August. At gaya ng nakagawian natin these past few weeks ano, ang lagi nating pinag-uusapan ay tungkol sa Buwan ng Wika. At last week, nung August 19, pinag-usapan natin yung birthday ni Manuel L. Quezon, yung legacy niya bilang Presidente, at yung ilan sa mga dangers or sabihin na nating drawback na pagkakaroon ng sariling wika na mainly Filipino or Tagalog, ano.

Isu ngarud, tatta a rabii, tatta nga aldaw. Yan… yung mga hindi nakakaintindi diyan no, sabi ko lang po na ngayong gabi, ngayong episode na ito. Ang pag-uusapan natin ay tungkol pa rin sa usapin ng wika. And this time, we have a very special guest, pinuntahan ko pa siya sa kanilang tahanan ano, at talaga naman. Hindi po basta-basta itong guest natin ngayon, writer ito, siguro sa aming mga Ilocano writers, isa ito sa mga rockstar na Ilocano writers. Hindi lang siya rockstar, siya po ang Literary editor ng Bannawag, usually yung mga poetry na lumalabas dun eh sa kanya po galing.

Ito pong guest natin ay award-winning writer to. Siguro, nakaapat nang Palanca ito. Isa na lang at makaka-Hall of Famer na ito… Malayo pa daw.

So mga kaibigan, mga katropa, let’s welcome, sa GenY Chronicles, manong Ariel Tabag.

Manong Ariel, kumusta ka naman?

Ariel: Okay naman, magandang gabi po. Thank you Mighty at talagang pinuntahan mo ko, nakakahiya naman. Ganito talaga. Medyo mahigpit yung schedule kasi natin. Magandang gabi po.

Mighty: Ayan, actually mga kaibigan, ito pong si manong Ariel, medyo matagal tagal na rin kaming nagkasama. Siguro way back 2006 ano manong?

Ariel: Oo, noong bata ka pa at ako’y medyo bata pa.

Mighty: Hindi ka pa yata long-hair noon eh, no?

Ariel: Maiksi pa.

Mighty: ako rin po kasi, para maintindihan rin ninyo yung kwento namin. Ako po kasi, noong pagkagraduate ko sa College, umuwi ako sa probinsiya namin, expecting na doon na ko magtatrabaho for life. Eh ang nangyari, medyo nahirapan akong maghanap ng work doon within a reasonable period of time. Within a few months, bumalik ako sa Manila. Pero before ako bumalik sa Manila, merong mga grupo ng mga Ilocano, isa dun, si Pastor Rodel Ramos sa Cauayan, Isabela. Ininvite niya akong sumali sa GUMIL—Gunglo dagiti Mannurat nga Ilocano. At napasama po ako sa grupo sa Isabela.

Eventually, pagbalik ko sa Manila, nag-umpisa ako ng isang blog na Ilocano at mukhang natrack down ako nitong si Manong Ariel. At nag-umpisa akong magsubmit ng Ilocano poetry sa Bannawag. Di ba manong Ariel, maalala mo yun sa blog?

Ariel: Oo, kasi. Gawain ko yun eh. Naghahanap kasi ako ng mga medyo bata-bata pa. Nakakaumay kasi yung tula ng mga matatanda, kaya hinahanap ko yung mga fresh, mga bago, kaya si Mighty ang isa dun.

Mighty: Hindi kasi, talaga. Kasama sa gusto naming mangyari, yung mga kabataang Ilocano eh matutong i-express yung sarili nila, of course, sa sarili nating wika—sa Ilocano. Tingnan mo naman minsan yung mga Ilocano, maitim di ba? Lalo na yung siko maitim. Pero minsan, kung makapag-English, makapagTagalog, minsan hindi mo mahalatang Ilocano ano?

So, ito nga po at ang pag-uusapan namin ngayon, ay yung ilan sa mga pinaggagagawa ni manong Ariel and at the same time, yung pagpapahalaga sa wika nating Ilocano at ayan, I have a few questions para sayo manong Ariel. So let’s get it on.

So yung una pong question ano… “Gaano ba kahalaga yung patuloy na pagsasalita sa ating sariling wika lalo na sa Pilipinas na napakaraming wika. So kahit na may national language tayo, eh ayun manong Ariel… Gaano ba kahalaga yung pagsasalita sa sariling wika kahit may Filipino na national language?

Ariel: Napakahalaga sapagkat sa pagsasalita ng sariling wika, hindi nalilimot ang sariling kultura. Kahit pa sabihing may isang national language, wala namang iisang kultura ang mga Filipino. O wala namang kulturang Filipino kundi ang meron ay kulturang Ilokano, kulturang Tagalog, kulturang Bisaya na ang wika ng mga ito ay wikang Ilokano, wikang tagalog at wikang Bisaya. Ang sa akin kasi, ang Filipino na siyang kinikilalang pambansang wika ay isang dialekto lamang ng wikang Tagalog. Kung kaya, kapag nagsasalita ako ng Tagalog, kahit papaano, nararamdaman ko ang kultura ng mga Tagalog. At damang-dama ko ang aking pagiging Ilokano kapag nagsasalita ako sa sarili kong wika, ang Ilokano.

Mighty: Nabanggit mo no, parang dialekto ng Tagalog, nabanggit ko na rin sa ibang episodes. Pero gusto ko lang marinig sa yo, ano bang pinagkaiba ng lenguahe, yung wika saka dialekto o dialect?

Ariel: Yung lenguahe kasi, ito yung salita mismo ng isang lahi. Pag sinabi mong dialect kasi, ito yung variation ng lenguahe na yun. Parang yung Ilocano ng Cagayan ay isang dayalekto ng Ilocano. Meron din namang Ilocanong Ilocos, merong Ilocanong Pangasinan. Mga dayalekto ang mga ito. Pero lenguahe yung Ilocano. Ngayon, yung Tagalog medyo masalimuot lang ito, kasi medyo political ang pagsasabi ko na dialect yung Filipino. Naniniwala kasi kami na ang Filipino, ginawa lamang ito sa Akademiya. Kumbaga, ito yung pinagsasanib-sanib kasi nung mga wika eh. Sino yung mga gumagamit nito? Ang sa amin, yung mga kasamahan natin, ang gumagamit lang nito, ay yung mga nasa Academe.

Kapag kausap mo ba yung isang Bisaya eh nagsasalita ka ng Filipino, yung may halong Ilocano, hindi kayo magkakaintindihan. Ang gamit ninyo yung wikang Tagalog, ito yung lenguahe. Ang hirap gamitin mo, kasi yung Filipino kasi, ito yung pinaghahalo-halo na nila eh. Kumukuha na sila ng Ilocano, ng Bisaya. Halimbawa, yung word na “tanan” ng Bisaya. Kinuha na nila sa Filipino. Pag sinabi mong tanan, naintindihan ba ng Ilocano yan? Hindi! Ang ibig sabihin niyan lahat eh.

Mighty: Pag “tanan” tapos binasa lang, nagtaray kunada koma. Yung nagtanan.

Ariel: So ayun, kaya itinuturing naming dialect.

Mighty: oo nga ano, hanggang ngayon, andami pa ring kontrobersya sa wika. Kita mo dito sa Komisyon ng Wikang Filipino, si National Artist Almario, eh mukhang pinutakti ng ilang comments dahil dun sa proposal nila na palitan na F yung P sa Pilipinas. Tayong mga Ilocano eh, yung Filipinas, dati pa naman nating ginagamit yung ano?

Ariel: ang nangyari kasi sa atin, noong… medyo mahina lang ako ng kaunti pero may alam ako na kaunti diyan. Noong yan ay Surian ng Wikang Filipino pa. Pinapalitan nila yung mga alpabeto, tinanggal nila yung F, yung C natin, yung Q. Eh ang nangyari, so wala na yung F, Pilipinas na, P. Eh ayaw gamitin ng Ilocano yun, kaya nanatili yung Filipinas na paggamit natin. Kumbaga, medyo matigas yung ulo ng mga Ilocano eh.

Mighty: Well, sabagay. So, ito naman manong Ariel, no. Medyo pag-usapan naman natin a little yung mga kabataang Pilipino. Kasi, diba sabi mo nga kanina, naghahanap ka rin ng mga fresh na writers na Ilocano, sa tingin mo ba nagbabasa at nagsusulat pa ba ang mga kabataang Filipino sa kanilang sariling wika?

Ariel: Oo naman. Nagbabasa pa rin ang mga kabataang Filipino sa sarili nilang wika. Lalo na ang mga Tagalog. Malaking tulong ang mga aklat nina Bob Ong, Eros Atalia at iba pang mga popular na mga awtor. Hindi lang kasi readers ang mga Pinoy. Mas nakasanayan natin ang manood ng mga pagtatanghal. Hindi kagaya ng mga ibang lahi kagaya ng Hapon na nagbabasa talaga sila lalo na ang mga akdang pampanitikan. Pero gaya ng sinabi ko, pasalamat tayo sa mga akdang popular nina Bob Ong, Eros Atalia at iba pa at nagiging kawiliwiling libangan ang pagbabasa para sa mga Pinoy. Ang maganda nito, kapag naubos na nilang basahin ang mga akdang popular, maghahanap na rin sila ng iba pang babasahing teksto. Dahil doon, nababasa rin nila sina Jun Cruz Reyes, Edgardo Reyes, Edgar Samar, at iba pang mga awtor na hindi kasing popular nina Bob Ong at Eros.

Mighty: At saka, isama na rin natin, kahit hindi literary, si Ramon Bautista.

Ariel: Oo, Ramon Bautista, “Bakit Hindi Ka Crush ng Crush Mo.”

Mighty: Actually, baka dapat isama natin dito yung mga Romance authors. Sino ba yung mga yun? Nung High School kami si Helen Meriz eh.

Ariel: Meriz, Gilda Olvidado.

Mighty: Ayan ganyan, mga Precious Hearts Romance no?

Ariel: Andiyan pa rin sila sa Liwayway ngayon eh. Nagsusulat pa sila.

Mighty: Minsan nga, nadaan ako sa terminal ng tricycle, may isang driver dun, habang naghihintay yata ng pasahero, nagbabasa yata ng Tagalog na Romance.

Ariel: So, yun, minsan kasi tinatawanan kasi ng mga taga-Literary yun eh. Pero hindi eh, dapat magpasalamat tayo… sila yung… parang ano to eh… sa pagkain, pampagana. So bigyan mo ng pampagana, eh di masasarapan na siya.

Mighty: Appetizer muna.

Ariel: Yan, magthank you tayo sa mga ganun.

Mighty: Tama! So, ito naman, yun na nga, pasalamat siguro tayo sa mga writers na to ano. Kumbaga sa music, iba iba yung taste. Yung iba, gusto kay April Boy. Gusto sa Aegis, diba? Pero kung gusto nila ng… gusto ko sabihin mag-upgrade, pero sabihin na natin na iba yung taste. So kung gusto naman nila ng rakista, o di kay Bamboo, siguro parang ganun lang din no?

Ariel: Okay na yun, kesa yung puro hiyawan lang na hindi tayo makikinig ng music. Kahit medyo mababa sa taste natin yun, mayat’ maya mawiwili na yung tenga natin eh. Parang pagbabasa.

Mighty: Ito naman manong Ariel, bilang isang editor ng Bannawag, paanong tinutugunan natin ang pag-abot sa mga younger Ilocano readers at writers? Kasi minsan, parang ito, may kaklase ako dati sa masters sa PUP. Nang sinabi ko na nagsusulat ako sa Bannawag, tinawanan ba naman ako! Kasi, parang ang sabi niya, yung Liwayway, parang ang audience yata nun eh ‘bakya’ crowd, medyo masa daw ang dating. So sabi niya: “Ha? Nagsusulat ka dun?” Tapos biglang tumawa. Sabi ko “Sama mo ah!”

Ariel: Sinabi mo sana, iba yung Bannawag, iba sa Liwayway.

Mighty: By the way, gaano na ba karami ang circulation natin sa Bannawag?

Ariel: Sabi nila dun sa circulation, 55,000.

Mighty: weekly yan no? Weekly

Ariel: Oo, weekly. 55,000 yung binebenta. Tapos, yung style kasi ng mga Ilocano readers eh. Yung isang kapitbahayan, bibili sila ng isang bannawag, iikot yung sa buong barangay. Kaya ilan yung makakabasa ng ilang kopya. So 55,000 times 4 or 5.

Mighty: 4 or 5 families. Minsan kahit mga teachers sa High School at Elementary di ba?

Ariel: Oo, lalo ngayon, lalong lumakas dahil dun sa programang MTBMLE dahil ineencourage ng mga teachers yung kanilang mga estudyante na magbabasa ng Bannawag, kasi makakatulong sa pagbibihasa sa Ilocano.

Mighty: Ayan, ipromote na rin po namin, mga kababayan nating teachers diyan ano? O, kung namumroblema po kayo sa materials na ituturo ninyo sa mga Grade 1, Grade 2, at Grade 3, eh ang Bannawag po eh may mga ilang short stories para sa mga bata. At ilang mga poetry para sa mga bata.

Ariel: Saka ang pangunahing maitutulong ng Bannawag eh mabihasa sila eh yung paggamit mismo ng wika. Kahit sabihin mo na may inilalabas ang DepEd o ng KWF na guide sa orthography saka grammar, mas malaki pa rin ang maitutulong ng Bannawag, kasi ang daming teksto dun.

Mighty: At ayun na nga siguro, nagagamay, minsan kasi, iba yung sinasalita mo saka yung sinusulat at binabasa. So ayan, balikan natin yung tanong ko kanina, ano ba yung ginagawa mo bilang editor ng Bannawag sa pag-abot sa younger Ilocano readers saka writers.

Ariel: Sa akin kasi, mahirap na ang mga matatandang writers ang magsulat para sa mga kabataang mambabasa. Hindi na sila magkaka-signal. Kung FM ang mga younger readers, AM naman ang mga matatandang writers. Ang mga kabataan o medyo bata-batang writers ang magsusualt para sa mga younger readers. Kaya ang ginagawa namin, hinihikayat namin ang mga younger writers na magsulat. Nagbibigay kami ng lectures at workshops para sa mga younger writers. At yun, bukas ang mga pahina ng Bannawag sa lahat ng akda ng mga younger writers. Madalas nga e sinisita ako ng mga matatanda dahil puro mga bata daw ang nilalabas namin. Sabi ko naman, magsulat sila ng makakasabay sa panahon. Pero kung yun at yun din ang sinusulat nila, wag na lang. Dagdag pa, sa aking paniniwala, ang mga kabataan ang siyang pinaka may karapatan na magdodokumento sa kanilang henerasyon. Sila ang magsusulat para sa kanilang henerasyon. Mas maintindihan ng mga younger readers kapag ang nagsulat eh younger writers. Yun. Mas pabor ako na magsulat yung mga kabataang Ilocano.

Mighty: Nabanggit po ni Ariel no, yun pong pagwoworkshop. May workshop po kasi ang GUMIL Filipinas, yun po yung organization ng mga Ilocano writers. Every April ano?

Ariel: Ito yung tinatawag naming… natin kasi kasama ka dun… yung Convention, so dito muna magcoconvene yung lahat ng mga Ilocano writers. Pero meron tayong bagong programa, yung Pasnaan. Ito yung sinasabi kong workshop, tatlong araw ito.

Mighty: Teka manong Ariel, ang Pasnaan ano nga ibig niyang sabihin sa Tagalog.

Ariel: Sa English Anvil.

Mighty: A, ano ba yan, yung parang pandayan.

Ariel: Pandayan, oo. 3 days ito, puro mga bata ito. Magsa-submit sila ng kanilang mga sinulat. Tapos, i-critique natin. So ayun. Malaking tulong kasi, malalaman kaagad nung batang manunulat kung kaya niya bang magsulat o hindi eh. Para hindi na masayang yung panahon niya. Magdedecide na kaagad kung di niya kaya eh. At yung mga malalaman natin agad yung may kaya, meron na silang lakas ng loob.

Mighty: So parang recruitment ano?

Ariel: Oo, recruitment to.

Mighty: At hindi lang basta recruitment, hinahasa mo rin sila.

Ariel: Pinapanday talaga.

Mighty: Well, pinapanday, pinapalo, sina-subject sa init diba?

Ariel: Kinakatay yung mga obra nila.

Mighty: Ganun talaga. Eto, last question po natin ano, but bago tayo mag-end mamaya, may bago kasing nobela tong si manong Ariel eh. Pag-usapan natin mamaya.

Eto manong Ariel, sa panahon ng globalisasyon ngayon, yung Internet, yung globalization sa TV, sa media, sa internet, lahat lahat na, paano ba nakakasurvive ang ibang mga wikang Filipino?

Ariel: Sa patuloy na paggamit lang. Ang globalisasyon naman kasi ay hindi lamang sa pagkakaroon ng iisang wika at ito ay wikang Ingles. Ito ay pagkilala sa ibat ibang kaibhan natin. Sa panahong ginagawa tayong iisa ang globalisasyon, naghahanap ang bawat isang tao ng kaniyang kaibhan. Ano bang identity ko? Ano bang meron ako na hindi lamang ako citizen ng Earth? Doon nagbabalik ang bawat isa sa atin sa kaniyang wika, sa kaniyang kultura, kaniyang lahi, sa kaniyang kaluluwa na iba at natatangi sa karamihan. Kaya alam ko, kahit pagbuklurin na tayo ng Ingles, gagamitin at gagamitin pa rin ng tao ang kaniyang sariling wika.

Mighty: Sabagay ano, kung titingnan mo, sa Facebook na lang. Di ba an daming page dun ng mga Ilocano?

Ariel: Oo. Kasi, lahi yung Ilocano. Yung Ilocano talaga, makikipagpatayan magsalit lang ng Ilocano.

Mighty: Dun kasi, maraming jokes, maraming bali-balita, kung anu ano.

Ariel: Nakakasabay naman tayo eh. Yun nga lang, sa music lang, medyo, siguro isa pang episode yun na medyo napako lang yung musikang Ilocano sa…

Mighty: style nung 60s.

Ariel: … pamulinawen.

Mighty: So folk pa rin siya.

Ariel: folk ballad.

Mighty: So, actually, sa akin nga din, nung time na feeling ko siguro, pinakaproductive, at pinakamaangas na mga tula ko, nagawa ko nung nagwork ako sa isang call center. Maalala mo ba yun? Nung mga bandang 2006 yun eh.

Ariel: namimiss mo nang mag-Ilocano eh. Ano ba ako, Ilocano ba ako?

Mighty: Nito lang Sabado, nasa Ilocos Sur ako, sa may Candon, sa may Palacapac, kung saan may dragon fruit farm. Masarap pala yung dragon fruit no? But anyways, parang nakakamiss din yung naririnig mo sa lahat eh Ilocano, yung tricycle driver, yung driver ng bus, alam mo yun… walang mistake na nasa kailocanuhan ka.

Ariel: Ito kasi yung hindi lang marealize lang ng nasasaatin. Puro Ilocano kasi yung naririnig nila. Pero kung ikaw nahiwalay, napunta ka sa Ingles, parang hahanap-hanapin mo eh. Parang gusto ko magsalita ng Ilocano. Pero hindi lang siya basta pagsasalita eh, parang hinahanap mo na yung tahanan, kumbaga, kung saan ka kabilang… yung roots mo. So yun, yung sinasabi ko, paano mo ngayon gagamitin, pasalamat tayo sa Facebook, status ka ng Ilocano.

Mighty: So ayan, mga katropa, ito pong si Manong Ariel eh meron siyang bagong nobela. Ito sa tingin ko, isa sa, siguro ito yung pinakaunang ebook ng Ilocano novel. Sumasabay tayo sa panahon. At alam ko may ISBN to, registered na. Ang maganda dun sa akda ni manong Ariel, feeling ko talaga, makakarelate yung mga kabataan. Kasi yung mga references, yung mga metaphors, yung mga references talagang ano… feeling ko kabataang kabataan yung dating. Manong Ariel, ano nga yung title nitong nobela mo?

Ariel: “Ay, Ni Reberen.” Parang kwento ito ng isang deacon ng Catholic, na hindi pa siya naordinahan. Parang ganun. Pinadala siya sa isang mahirap na parokya. Doon umikot yung nobela. At isang rason pala kung bakit hindi siya naordinahan eh masyado siyang focused dun sa pagiging rocker. Rocker siya eh na deacon. Dun iikot yung nobela. Ngayon, yung sinasabi mong nakakarelate, siguro medyo ginamit natin dito yung wika, o style ng pagsasalita ng mga kabataan. Tapos, maiksi lang siya eh, kaya mababasa mo siya nang isang upuan. Ngayon, medyo light lang siya, yung pagkakasulat, kasi napublish siya sa Bannawag. Medyo pagka-Bannawag kasi, target mo lahat ng populasyon eh.

Pero sabi nung mga nakabasa, medyo konting sundot sa mga social issues. Lalo na sa Cagayan, yung sa Black Sand mining, ganyan, mga paring medyo may barkadang pulitiko.

Mighty: Swabe lang ano.

Ariel: Na-publish siya sa Bannawag, 9 weeks, so 9 chapters. We decided na gawin siyang ebook, para yung mga gustong makabasa, mag-email lang sila sa akin tapos ipapadala ko yung ebook, libre.

Mighty: at ito, mga katropa, actually, nabasa ko na yung nobela. At isa sa mga naappreciate ko dun eh itong si Reberen P, kung ano yung fullname ni Reberen P, eh alamin nyo. Magrequest kayo ng copy ng libro ano. Ebook lang siya, so kung meron kayong iTouch, iPhone, Smartphone, Samsung, whatever. O kaya kahit sa computer pwede nyong basahin yun kasi PDF format eh. Magrequest lang kayo ng kopya sa… anong email mo manong Ariel?

Ariel: asseng.tabag@gmail.com

Mighty: Ipopost po natin yan sa Facebook page natin, sa facebook.com/PinoyYouth at saka yun na nga po, yung character ni Reberen Pi, makikita mo dun yung pagmamahal niya sa Diyos, saka pagmamahal niya sa tao na minsan kahit na, rakista, medyo rebelde ng konti. Ang nakita ko dun, yung caring niya sa flock niya. Kahit na medyo namamatay-matay na yung parokya, eh dahil dun sa pagmamahal niya sa Diyos, saka sa mga parokyano, parang nare-revive yung parokya.

So ayun mga tropa, kung gusto nyo ng kopya nung nobela: “Ay Ni Reberen”, eh mag-email lang kayo sa asseng.tabag@gmail.com.

Ariel: Pwedeng basahin kahit anong relihiyon mo, sabi nga nung editor, tao si Reberen, kasi hindi siya nagpapakabanal dito. So, may isang taong deacon na makikilala nyo.

Mighty: So, ayun, mga tropa, nagpapasalamat tayo kay Manong Ariel for his time. At holiday ngayon, at meron pa siyang tinatapos na nobela, inistorbo natin siya ngayon. Manong Ariel, thank you so much sa pag-guest dito sa programa natin.

Ariel: Thank you din sa pagkakataon. Iba pa rin… gusto ko ring maipakalat natin yung, hindi lang yung nobela, pero yung mga gusto natin gawin para sa wika natin, kahit na nagtatagalog tayo ngayon, dahil sabi mo naman… pero ang pinakapangunahin sa akin mismo eh yung Ilocanong panitikan at Ilocanong kultura, at sana ay lalong mamahalin pa lalo ng mga kabataang Ilocano.

Mighty: Mga katropa, huwag nyong kalimutang puntahan ang ating Facebook page: facebook.com/pinoyyouth at siempre sa Twitter: pinoyyouth, hanapin nyo lang din. At pwede kayong magtext ng feedback, ng question, at kung gusto ninyong halimbawa magsulat para sa Bannawag ano. Itext nyo ako: 09178163127.

Ito yung last episode natin for August. This wraps up our series for the month of August. Challenge ko sa inyo mga tropa. Last time, challenge ko sa inyo na pag-aralan nyo ang ating sariling wika—agilocano kayo, agibanag, agitawes, or whatever di ba? This time, try nyo namang magsulat sa ating sariling wika.

Ariel: Masarap

Mighty: Iba kasi talaga pag galing sa puso. Mga katropa, salamat! Nakasama ko si Manong Ariel Tabag. At ito si Kuya Mighty para sa Generation Y Chronicles.