Right click to download the mp3

September na! Malapit na ang Pasko. Pero bago yan, sembreak muna. Super stressed ka na ba sa school? Here’s a list of 6 tips to help you persevere kahit na mahirap ang pinagdadaanan mo sa school.

 

Transcript of Episode 31

Wazzup, wazzup mga katropa? This is Kuya Mighty, makakasama ninyo in the next 30 minutes para sa ating kwentuhan and listening to some music dito sa ating program Generation Y Chronicles.

How are you mga katropa? After ng siguro halos dalawang linggo ng pag-uuulan at medyo maulan na bed weather eh balik na naman tayo sa normal – napakainit na naman ng panahon. Kaya mag-ingat-ingat kayo katropa at during this time, humihina minsan yung resistensiya natin at hindi natin namamalayan na nagkakasakit tayo dahil sa exposure sa heat and mamaya nauulanan ka o kaya kagaya ng sinasabi ng nanay mo, pag natutuyuan ka ng pawis sa likod tapos nauulanan ka, naku! Gudlak. Maya-maya lang sisinghot singhot ka na.

Ngayon ay September and this is our first episode for the month of September. And we’re kicking it off with a session na I know makakatulong sa inyo sa pagharap sa September before mag-October at anong ibig sabihin niyan. Dalawang bagay lang yan – malapit nang magpasko. Nakarinig na ba kayo ng Christmas songs lately. Just this morning ano, sa isa sa mga early morning TV shows sa mga big networks nakarinig na ko ng Christmas carols. Imagine, Sept 2 tapos Pasko na yung iniisip natin!

But I know before magpasko, you are faced with so many projects! Kasi magmi-midterms na. Submission na ng ilang mga requirements, o baka yung iba sa inyo tapos na ang midterms ano, and you just need to work on that thesis o kelangan nyo pang harapin mga exams or marami pang book reviews saka reaction papers, term papers, you name it! I know how that feels. Grabe ano? Parang kung iisipin mo lahat lahat ng mga requirements na kelangan mong harapin, para kang matatabunan.

Don’t worry katropa, in this episode, pag-uusapan natin some tips on how you can survive this semester. Don’t give up! Persevere! Sabi nga sa kanta ng Planet Shakers, nothing is impossible!

Music: Nothing is Impossible by Planet Shakers

Ganda ng song no? Nagheadbang ka ba kapatid? Nothing is impossible!

Well, hindi rin imposible na masingko ka ano? Kasi kung puro ka prayer, puro ka asa kay Lord, dude, hindi rin naman yun mangyayari ano, that’s why God gave you your brains, your eyes, your hands, and your feet para may gawin ka para diyan. It’s not enough to pray. Sa totoo lang, it’s not enough to pray. But you need to give it your best shot. So ito mga katropa, some 6 tips para makasurvive ka sa September. At please lang ha, wag mong kakantahin ang “Wake Me Up When September Ends” at matulog ka na lang and sleep through the whole month! No, katropa, kung gagawin mo yan, you will wake up to a grade of 5! Bagsak! Ugh!

Well, you know what I mean. At minsan nakakatakot no, just the prospect the babagsak ka sa isang subject. Saka tropa, pag ikaw nabadtrip ka na sa isa mong Prof, nabadtrip ka na sa isa mong subject. Don’t give up! You need to make it work. And here are some of our tips.

Tip no. 1: Go back to your goals!

In the first place, may goals ka ba? Gusto mo bang makatapos ng pag-aaral? Now, after mong makatapos ng pag-aaral, anong plano mo sa buhay? Kung wala kang ganyang goals, at gusto mo na pa-easy-easy ka na lang, pabandying bandying na lang, nakaupo ka na lang buong maghapon na walang gagawin, dude, ba’t ka pa nag-aral?

Nagsasayang ka lang ng pera. So now, alam nyo, ang sabi nila, yung mga goals daw na hindi mo nilista at hindi mo nilagay sa heart mo, they are nothing but dreams! Now, tingnan natin ano, ang pagkakaiba ng dreams sa goals, yung goals may deadline, yung dreams wala!

So ngayon yung goals mo na to, you need to keep it smart. Ano nga ba ibig sabihin ng S.M.A.R.T.?

Una, S – Specific. Ano ba talagang gusto mong mangyari, kelangan mong maging specific. Hindi yung tipong “ga-graduate ako someday.” Sabihin mo “ga-graduate ako sa kurso kong BS in Agriculture” or “ga-graduate ako sa kurso kong mass communications!” Kelangan mong maging specific. Now you need to be more specific. Ano yung mga kelangan mong gawin this semester para matapos mo ito nang maayos. Una, siempre, “I need to complete my thesis in Mass Communication.” Yun dib a, specific yun. Kelangan mong matapos yung thesis mo.

Pangalawa, it should be Measurable. Yung thesis naman ano, hindi siya pwede na 50% lang na tapos, 80% lang na tapos, kelangan you know na 100% siyang natapos kasi kung hindi ka naka-100% na natapos, dude, you will either get a 5—a failing grade, or an incomplete grade! Definitely ayaw mo nun ano, as much as possible.

Pangatlo, Attainable. Dapat, nakatuntong ka pa rin sa lupa. Hindi yung tipong lumulutang ka up in the sky. Tapos sasabihin mo no, “matatapos ko lahat ng requirements ko nitong Sabadong ito!” Tapos pala yung requirements mo na yun will require you to observe something sa laboratory for two weeks. Definitely, hindi yun attainable. Dapat yung alam mo na kayang-kaya mong gawin.

Next one, Relevant. At siempre, pag relevant na sinabi natin na applicable yan sa situation mo. Di ba?

And lastly, Time-bound. Dapat meron kang specific deadline. Kaya nga siya goals di ba? Kaya nga siya SMART kasi you need to have a deadline. Tanungin mo yung mga batikang manunulat mga katropa. Usually, sabi nila, they work best if they have a deadline. Kasi kung sasabihin mo “I will do it someday…” eh kelan pa darating yung someday na yan!

So, kelangan mong magkaroon ng deadline! Ilagay mo yung deadline mo katropa, it will really help you.

Ito naman yung pangalawa nating tip: Face your problems.  

Hindi man siguro madali ano, kasi pwede mong sabihin “wala akong allowance, wala akong pamasahe, wala akong computer…” Face your problems. Huwag yung tipong patumpik-tumpik ka kasi ayaw mong gawin kasi ganito, kasi ganyan. No! No excuses katropa! Kelangan mong ilista kung ano yung mga problema mo, and only then will you be able to identify the possible solutions. Kasi, if you know your problem, that’s the first step. At least alam mo na na may problema ka, at kung ano yung mga problemang yun. And this leads us to our third tip para sayo:

3. Come up with a Game Plan.

Ano ang game plan mo? Ano yung strategy mo para matapos ang mga ito? So for example ano, kelangan mong tapusin ang isang 10-page na term paper tapos on top of that, kelangan mo pa ng isa pang book review, tapos meron ka pang exam next week. Deadline nito lahat lahat ng mga ito will be 2 weeks from now.

Ngayon, ito yung pwede mong maging game plan. Tigilan muna ang pagdo-DOTA nang dalawang linggo. Mahirap ba yan katropa? Actually, for some, mahirap yan ano? But if you really want to achieve your goals, naku sinasabi ko sayo katropa, madali lang gawin yan! As long as you know your goals, and you stick to your strategy. Kelangan mong isaayos yung schedule mo such that matapos mo ang lahat ng mga iyan before or on the deadline itself. At mahalaga na meron ka dapat paraan para macheck mo yung quality nung pinaggagagawa mo.

Huwag naman yung tipong ginawa mo siya nang overnight ano, tapos deadline bukas, then ipapasa mo, hindi mo man lang inedit. Nakakahiya naman sa prof mo yan tropa. Tapos nagplagiarize ka pa. Nandun pa yung links from Wikipedia. Di mo man lang inedit. No! Huwag ganun. Bawal ang tamad katropa! So, dapat you need a game plan and stick to that game plan!

So, minsan kelangan natin ng courage para maovercome natin yung temptation na isawalang bahala ang mga bagay na ito. Minsan ito ang prayer natin, we want to ask for courage, para lang matapos ang mga dapat nating tapusin, at tigilan ang mga dapat nating tigilan. So pakinggan natin ang song na ito from Tim Hughes: “Give Us Your Courage”

Music Playing: Give Us Your Courage by Time Hughes

So ayun katropa, humingi tayo ng courage kay Lord, para movercome natin yung katamaran natin at yung iba nating problema just to overcome and persevere. Kelangang kelangan natin yan.

4. It’s difficult so you have to be stubborn.

Stubborn in the positive sense, ito lang yung ibig sabihin niyan ano. Pag sinabing stubborn ka, kahit mahirap sige Go lang; kahit nahihirapan ka go lang “Sige Kaya Ko to!” Ganun yung klase ng tigas ng ulo na kelangan natin katropa. Hindi ba? KAsi nga, minsan, matigas ang ulo natin in the wrong places, in the wrong situations. Pero isipin mo if you have a goal, alam mo yung problema mo, and you came up with a game plan para matapos mo yung mga dapat mong gawin, now, you need to really stick with your game plan. Kelangan mong maging stubborn, maging matigas ang ulo para matapos mo ito. Ganito yung attitude eh: “Hindi ako titigil hanggat’ hindi ko natatapos lahat ng requirements ko!” No excuses! Di ba?

That will definitely help you a lot! And so, ito naman yung number 5 tip natin katropa.

5. Work with friends.

Work with friends. Ayan, tawagan na ang buong barkada, magdala ng kape, magdala ng pagkain, magluto ng pancit canton, ng monay, alam mo yun, it’s more fun with others. Masaya eh kapag nagtratrabaho kayo together. But here’s one thing no, na working with others na hindi ko nirerecommend. Please DO NOT COPY each other’s work. Dapat keep it original. Wag cheating tropa. Wag ganun. Kasi ibig sabihin nakapagcheat ka, natapos mo, hindi mo naman natutunan yung mga tamang attitudes, yung mga tamang lessons na dapat matutunan mo. Kasi yung mga lessons na yan, kahit mahirap, those are really for you katropa.

And lastly, of course, we need to Pray about it.

May mga times tropa na ibinigay mo na ang lahat lahat. You’ve given your best. It’s just that, your best is not good enough. Haay, saklap nun. Alam mo yung pinagpaguran mot’ lahat tapos biglang nag-crash yung computer mo, ayaw magprint nung printer, nagsave ka sa tatlong USB drive, nawala yung isa, nailaba yung isa, yung isa navirus! Haaa… grabe diba? Yung tipong gusto mong sabunutan, bunutin lahat ng buhok dahil sa stress ng paggawa tapos ganun lang ang mangyayari. Parang, Aaah “My goodness!”

Alam mo in those cases, it’s really best to pray. May mga times na you’ve given your best, wala ka nang ibang magagawa kundi to just let God be God and trust in Him. Kagaya ng song na to ni Carrie Underwood: Jesus Take the Wheel.

Music: Jesus Take the Wheel by Carrie Underwood

So yun mga tropa, instead of saying “Bahala na si Batman,” you need to pray! Magpray ka katropa and just tell God na “Lord, alam mo yun, ibinigay ko na yung best ko. Ito po yung kaya ko. Lord bahala ka na!” sometimes, a prayer as simple as that can work wonders. Kaya nga katropa, do not give up!

And I’m sure nababanggit na to ng mga parents nyo. At nasabi ko na to nang ilang beses sa mga past episodes natin ano na education—yun lang ang maipagkakaloob ng mga parents natin bilang mga anak nila. And wag nating sayangin yun. Huwag na huwag mong sayangin yung pagkakataon mo to improve your life.

You will be surprised sa dami ng mga opportunities na darating sayo if you choose to persevere. Kaya tropa, kahit na mahirap… Actually, it’s supposed to be difficult! Just GO! Go!

So balikan lang natin ano, yung 6 tips para sayo lalo na kung nahihirapan ka na sa semester na to.

Una, go back to your goals.

Pangalawa, face your problems.

Pangatlo, come up with a game plan.

No. 4. Be stubborn, stick to your game plan.

No. 5, Work with friends. Kasi it’s more fun with others.

Lastly, Pray!

So katropa, anuman ang kelangan mong iovercome ngayong September before your sembreak, I pray and hope na matapos mo ang lahat ng mga iyan! If you want to celebrate, puntahan mo ang ating Facebook page  at ishare mo ang iyong faith story. Facebook.com/PinoyYouth at kung namiss yung ating mga previous episodes, puntahan mo lang sa GenerationY Chronicles na nasa PinoyYouth.org/GenerationY

So katropa ito muli si Kuya Mighty nakasama mo dito at magkakasama uli tayo next week. So stay tuned. We have so many exciting things for you this coming September.