Iwasan ang Kryptonite

Chap-07

Sa isang tingin, parang wala nang kahinaan si Superman. May laser vision, nakakalipad, kaya niyang magligtas ng napakaraming mga tao. Pero kapag nandiyan na ang Kryptonite, nanghihina siya at hindi na niya naitutuloy ang laban.

Maraming temptations sa mga kabataang lider. Dito sa Chapter 7, pag-uusapan ang mga temptations na ito na related sa power, money, relationship abuse, atbpa. Parang Kryptonite ang mga temptations na ito–pinababagsak nila ang isang lider.

Kaya dapat matuto ang mga kabataang lider na maging accountable para maprotektahan ang kanilang integrity at character. Icha-challenge din ng chapter na ito na mamuhay ang mga kabataan bilang examples (1 Timothy 4:12).

Smash the Problem, Not the People

Chap-06

May Anger Management problem si Dr. Bruce Banner, at kung nagagalit siya, nagiging higanteng berde siya na si Hulk. At ang paboritong sabihin ni Hulk: “Hulk Smash!” kasabay ng pagsira sa mga buildings at mga gamit.

May mga lider ding ganyan, magkaroon lang ng konting problems, nagwawala na. Yung iba naman, kapag may conflict, ayaw harapin, gusto niya, happy-happy lang. Hindi pwede ang ganun. Ang conflict ay isang opportunity for learning and growing together as leaders (Proverbs 27:17).

Tatalakayin pa ng chapter na to ang ibat’ ibang paraan ng decision-making para sa mga kabataang lider.

Assemble Your Team

Chap-05

Bilang superhero, hindi masyadong kilala si Nick Fury compared kina Spiderman at Iron Man. Pero kung wala si Nick Fury, wala rin ang Avengers project na kinabibilangan nina Iron Man, Captain America, Black Widow, Thor, at iba pa.

Kung mag-isa lang si Nick Fury, hindi niya kayang labanan ang mga aliens para iligtas ang mundo. Kaya nga binuo niya ang Avengers team.

Kagaya ni Nick Fury, kailangang matutunan ng kabataang lider kung paano mag-assemble ng team a makipagtulungan sa ibang mga kabataan at kahit nakatatanda, at mahalaga ring makapag-train siya ng ibang mga lider na pwedeng sumunod sa kanya, kagaya ng bilin ni Paul kay Timothy sa 2 Timothy 2:2.

The #SuperEpic book is coming to the Manila International Book Fair on May 17-21, 2014 at the SMX Convention Area, Mall of Asia.

Aim, then Fire

Chap-04

Sa grupong X-Men, si Cyclops ang may laser vision (or optic blast to be exact). Kaya nitong patumbahin ang isang building dahil super focused ang power ng mga mata niya.

Sa chapter na ito, we talk about the ‘needs of the world’ na pwedeng tugunan ng mga kabataan. Hindi lang iyon, magiging praktikal din ito at ilalahad ang paraan ng paggawa ng vision, goals, at kung paano ito bibigyang aksyon.

Madaling gumalaw bilang lider kahit walang patutunguhan, pero sabi ng Bible sa Proverbs 29:18 “where there is no vision, the people perish.”

Kaya kelangan ng vision at ng plano. Icha-challenge din ng chapter na ito ang mga kabataang lider na tugunan ang ilan sa mga problema ng mundo na nakikita nila. Magpapakita rin ito ng ilang examples ng mga kabataang may aim at nag-fire upang mapatupad ang kanilang vision.

Flame On Pero Huwag Ma-Burnout

 

Chap-03

Kasama ang ibang members ng Fantastic Four, nagkaroon ng superpowers si Johnny Storm at kaya niyang pagliyabin ang kanyang katawan. Apoy ang superpower ni Human Torch. Yun nga lang, nakamamatay din ang apoy na ito.

Ang mga kabataan, natural na may Idealism at kung papasok sa isang bagay, laging passionate. Laging mainit.

Mahalagang matutunan ng mga kabataan ang kani-kanilang passion—iyong mga bagay na gustong-gusto nilang gawin, minsan kahit walang bayad. Ito ang magsu-sustain sa kanila sa kanilang journey to make a difference. Ipakikita rin ng chapter na ito kung paano i-pursue ang passion without being burned out.

Train for Action

Chap-02

Wala naman talagang superpowers si Batman. Malakas lang talaga siya dahil sa walang puknat na pagwo-workout, at magaling siyang gumawa ng mga tools at gadgets para gampanan ang tungkulin niya bilang Batman.

In the same way, dapat magworkout at maghanda ang mga kabataang lider para sa action: kailangang i-upgrade ang kanilang talents, skills, and abilities. Ipapakita ng chapter na ito ang skills and abilities na kailangan ng kabataang lider at paano idedevelop ang mga ito.

Ie-emphasize din ng chapter na to ang kahalagahan ng training at self-discipline kagaya ng sinabi ni St. Paul sa 1 Corinthians 9:25-27

Great Power = Great Responsibility

Chap-01

Titingnan ng Chapter na ‘to ang power ng mga kabataan ngayon.

Ayon sa analysis ni Rob Salkowitz, author ng Young World Rising, may tatlong forces na bumabago sa mundo ngayon:

  1. Kabataan
  2. Information and Communications Technology, at
  3. Entrepreneurship.

Iisa-isahin ng chapter na ito ang tatlong forces na binanggit ni Salkowitz upang bigyang diin ang power ng mga kabataan, at ang matching responsibilities nito.

May ganito ring prinsipyo sa Bible na binanggit ni Jesus sa Luke 12:48 (To whom much is given, much is required.)

Listen to the following audio clip para malaman kung tungkol saan ang chapter na ito.

Click here to go back to the Home Page.