Chapter 7: Iwasan ang Kryptonite Study Guide

Pagkatapos mong basahin ang libro, it’s time to go deeper para ma-apply sa buhay mo ang mga leadership lessons mula sa buhay ng mga Super Heroes coupled with biblical principles.

Introduction

Ano ang kahinaan mo? Are you aware of it?
Ano ba ang mga madalas na temptation na nagpapabagsak sa mga kabataan ngayon?
Ano-ano ang mga consequences ng pagbagsak ng integrity at character ng isang lider kabataan?

Chapter Summary

Maraming mga kabataang lider ang bumabagsak dahil sa tatlong bagay: Power, Sex, & Money.

How to protect yourself and maintain your integrity and character:

  • Be accountable
  • Set clear expectations
  • Be transparent

Read

1 Timothy 4:12 (NLT): “Don’t let anyone think less of you because you are young. Be an example to all believers in what you say, in the way you live, in your love, your faith, and your purity.”

#SuperKuwento

Go to Chapter 7 of “#SuperEpic” and look at the story of Tom. Ano kaya ang dapat ginawa ni Tom upang maiwasan ang maling paggamit ng money ng organization?

Questions for Reflection and Discussion

  • How important is integrity and character in our world today?
  • May iba pa bang Kryptonite ang mga kabataang lider ngayon na nakikita mo?
  • How can you avoid the temptation of sex, money, and power?
  • If somebody fell down dahil sa tatlong kryptonite na ito, how can he or she be restored and redeemed?

Lipad Na!

Next week, talk to at least two friends or mentors na puwedeng maging accountability partner mo as you seek to follow God and take on a leadership position.

Resources: Videos

Here’s an excellent video that reminds us about the importance of character and integrity.

 

Here’s another video that’s focused on Integrity in the Philippines:

Chapter 6: Smash the Problem, Not the People Study Guide

Pagkatapos mong basahin ang libro, it’s time to go deeper para ma-apply sa buhay mo ang mga leadership lessons mula sa buhay ng mga Super Heroes coupled with biblical principles.

Introduction

When was the last time na nagkaroon ka ng katampuhan? What caused it? Paano nyo na-resolve ito?
If you build a team, magkakaroon at magkakaroon iyan ng conflict. No doubt about it.
Do you remember the last time na nagalit ka? How do did you handle it? Anong nangyari?

Chapter Summary

Conflict is inevitable.Puwede itong manggaling sa Task, Relationships, and Processes.
People tend to use two strategies in managing conflict: The Hulk Approach or The Deadma Approach. Neither of these approaches is the best.

Ways to deal with conflict within the team:

  • Understand what the conflict really is.
  • Communicate intentionally
  • Walang personalan kahit may argument.
  • Respect!
  • Be honest.
  • Look for solutions
  • Know when to walk away.

Use conflict to grow.

Read

Proverbs 27:17 (NIV): “As iron sharpens iron, so one person sharpens another.”

Questions for Reflection and Discussion

  • Dapat bang iwasan LAHAT ng uri ng conflict?
  • How can you remind yourself to keep calm even in the midst of conflict?
  • Ano-ano ba ang mga bagay na puwedeng panggalingan ng conflict sa iyo?
  • Ano ang kailangan mong gawin para maging mas maayos ang paghandle mo sa conflict?
  • What are the consequences if hindi ninyo naayos ang conflict? How do you prevent that from happening?

Resource: Video

Kung gusto nyo ng more resources on conflict management, panoorin ang sumusunod na TED Talk.

Chapter 5: Assemble Your Team Study Guide

Pagkatapos mong basahin ang libro, it’s time to go deeper para ma-apply sa buhay mo ang mga leadership lessons mula sa buhay ng mga Super Heroes coupled with biblical principles.

Introduction

Nasubukan mo na bang maglaro ng basketball? Nakikita mo ba how the team plays at ang role ng iba’t ibang players?
If you know a Basketball Coach, interviewhin at kausapin mo kung paano niya ginagamit ang skills ng bawat isang member ng team.
Nakapanood ka na ba ng concert ng isang banda? Napansin mo ba kung gaano karami ang performers at ang mga tao na nasa “behind-the-scenes?

Chapter Summary

If you have a vision, you need other people to implement it.

Sabi ni Margaret Mead:

“Never doubt that a small group of thoughtful, committed people can change the world.”

Sometimes, being a leader means working behind the scenes, kagaya na lang ni Nick Fury, ang mastermind ng The Avengers Initiative.

The Six (6) People you need in your team:

  • The Mastermind
  • The Cheerleader
  • The Skeptic
  • The Director
  • The Mentor
  • The Connector

Hindi madaling hanapin ang mga taong ito pero may mga iba’t ibang paraan para mahanap mo sila.

Questions for Reflection and Discussion

  • May mga naiisip ka ba na puwedeng maging members ng team mo?
  • Doon sa 6 roles in the team, alin ang pinaka-applicable sa iyo? Ano ang nakikita mong role?
  • Paano mo mahahanap ang mga puwedeng maging members ng iyong team?
  • How can you become a part of a team na binubuo ng isang leader? Puwede rin namang existing na yung team.

Lipad Na!

Next week, to apply what you learned in this chapter, look for an organization, or a team, or any project to volunteer your time and your energy. Observe mo na rin how the team works.

Resources: Videos

Nick Fury Recruiting Tony Stark for the Avengers Initiative

Nick Fury Recruits Iron Man, who meets the Black Widow

 

Chapter 4 – Aim, Then Fire Study Guide

Pagkatapos mong basahin ang libro, it’s time to go deeper para ma-apply sa buhay mo ang mga leadership lessons mula sa buhay ng mga Super Heroes coupled with biblical principles.

Introduction

Can you imagine walking inside your house, the mall, or in your school while blindfolded? Can you do it?
Naaalala mo pa ba kung ano ang mga dreams and visions ng parents mo para sa iyo?
How about your personal dreams and ambitions?
If you’re leading a group, consider blindfolding the members of your group and letting them walk from one place to another without anyone to guide them.

Chapter Summary

Ang chapter na ito ay tungkol sa superpower ng mata mo–Vision.

Ayon kay Andy Stanley, “Vision is a clear mental picture of what could be, fueled by the conviction that it should be.”

Mahalaga ang vision because:

  • it helps you persevere through difficult times.
  • it brings out the best in you.
  • it provides purpose
  • opens up God’s plan for your life.

Sometimes, we can discover our vision sa pamamagitan ng mga problems sa buhay natin at sa ating paligid.

#SuperKuwento

Panoorin ang video na ito to learn how Jay Jaboneta discovered his vision. It all started with a Facebook Status Update.

Read

Ephesians 2:10 (NLT) – “For we are his workmanship, created in Christ Jesus for good works, which God prepared beforehand, that we should walk in them.”

Questions for Reflection and Discussion

  •  Ano-anong mga problems ang nakikita mo sa buhay mo at sa mundong ginagalawan mo?
  • Ano naman ang mga dreams ng mga magulang at mga kaibigan mo para sa iyo?
  • Try looking into the future, 5 years or 10 years from now, ano ang nakikita mong mga narating at nagawa mo na?
  • What is one thing you could do in the next week to help you discover your vision.

 

Chapter 3: Flame On, Pero Huwag Ma-Burn Out Study Guide

Pagkatapos mong basahin ang libro, it’s time to go deeper para ma-apply sa buhay mo ang mga leadership lessons mula sa buhay ng mga Super Heroes coupled with biblical principles. 

Introduction

Start by thinking about “passion.” Ano ba ang naiisip mo pag nababanggit ito?
If you are in a group discussion, light a match stick and watch until it burns out. Ask the group about the things that you associate with fire.

Chapter Summary

When we talk about passion, ito ay ang mga bagay na gustung-gusto nating gawin. But sometimes, we let ourselves be burned by passion.

How to Discover Your Passion:

  • Books, toys, and favorite things
  • List the things you love doing.
  • Ask people close to you.
  • Meet passionate people.
  • Explore a new hobby or activity

Read: Matthew 5:14-15

“You are the light of the world—like a city on a hilltop that cannot be hidden. No one lights a lamp and then puts it under a basket. Instead, a lamp is placed on a stand, where it gives light to everyone in the house. (NLT)

Questions for Reflection and Discussion

  • Paano ba sinasagad ng mga kabataan minsan ang pagsunod sa “kung anong gusto natin”? Is this good or bad?
  • How is this good? How is it bad?
  • Alam mo na ba kung ano ang mga passions at mga interests mo? How can you use these for good?
  • Kung hindi mo pa alam ang mga passion mo, ano ang isang bagay na dapat mong gawin in the next several weeks para ma-discover mo na?

Resources: Videos

Check out the video below of the different extreme activities of Johnny Storm, aka The Human Torch (isa sa mga members ng Fantastic Four)

Chapter 2: Train for Action Study Guide

Pagkatapos mong basahin ang libro, it’s time to go deeper para ma-apply sa buhay mo ang mga leadership lessons mula sa buhay ng mga Super Heroes coupled with biblical principles. 

Introduction

Start by listing the traits and the superpowers of your favorite Superhero. For groups, compare your list with each other. What are the common traits among the superheroes you listed?
Puwede bang maging Superhero kahit wala kang Superpower?
What really makes somebody a superhero?
If you are leading a group, magandang panoorin ang video ni Matthew Winkler “What Makes a Hero” at ng Super Sikat na si Stan Lee (creator ng maraming Marvel comic superheroes) “What Makes a Superhero”. Ask the members of the group for their reaction to the videos. Please go to the bottom of this post to watch the videos.

Chapter Summary

Walang superpowers si Batman a.k.a. Bruce Wayne, pero he started training and using his resources to become a Superhero.

“It may take time for you to discover your extraordinary purpose, pero pwede ka nang mag-umpisang mag-train ngayon pa lang.”

Like Jesus, kailangan nating pagtuunan ng pansin ang apat na areas:

  1. Intellectual Development
  2. Physical Training
  3. Spiritual Formation
  4. Social Development

“Ang sabi ni Malcolm Gladwell, it takes approximately 10,000 hours para maging expert ka sa isang skill.”

Kailangan ng discipline at hard work to train and become an expert.

Read: Luke 2:52

“Jesus grew in wisdom and in stature and in favor with God and all the people.”

Questions for Reflection & Discussion

  • How can you start developing intellectually? Anu-ano ang mga resources na puwede mong gamitin para dito?
  • How can you start exercising and doing more physical activities regularly?
  • Anong mga simpleng habits ang puwede mong gawin para sa Spiritual Formation at Social Development mo?
  • What are the most common obstacles that will prevent you from doing this?
  • Maglista ng ilang mga strategies at tactics para magkaroon ka ng discipline.

Resources: Videos

“What Makes a Hero” by Matthew Winkler

What Makes a Superhero: A Ted Talk by Stan Lee

Resources: Graphics

NoSuperpowers

Chapter 1: Great Power Equals Great Responsibility Study Guide

Pagkatapos mong basahin ang libro, it’s time to go deeper para ma-apply sa buhay mo ang mga leadership lessons mula sa buhay ng mga Super Heroes coupled with biblical principles.

Introduction

Start by thinking about your favorite superheroes.
What did you like about them?
If you had a superpower, what would it be?
If you’re leading a group, you can also watch the video clips of how Peter Parker got bitten by an irradiated spider. Go to the bottom of this post to see the videos.

Chapter Summary

Dahil sa kagat ng isang irradiated gagamba, nagkaroon siya ng superpowers.

Kung si Parker, kinagat ng gagamba, tayo naman ay nakakabit sa isang napakalaking interconnection ng mga computers na tinatawag nating World Wide Web.

According to Rob Salkowitz, author of Young World Rising, there are three forces reshaping the world of the 21st century: Youth, Information and Communications Technology, and Entrepreneurship.

Para mas maintindihan pa ang kalagayan ng mga Youth all over the world, puntahan ang website ng United Nations Social Policy and Development Division: http://undesadspd.org/Youth/FAQs.aspx

#SuperKuwento

Pakinggan ang podcast interview ko kay Jayjay tungkol sa pagkakatatag ng Helping Overcome Poverty through Education (HOP-E): http://pinoyyuppie.com/006-reaching-out-to-the-poor/. Or you can just click PLAY in the player below:

Panoorin ang video ng kuwento ni Jayjay Lizarondo at kung paano niya natulungan si Mary Rose, dating nangangalakal ng basura sa dump site ng Taytay, Rizal.

Please go to the bottom of this post to watch Jayjay’s video.

Anong masasabi mo sa kuwento ni Jayjay? What can we learn from him?

Marami tayong potentials bilang mga kabataan, lalong lalo na ngayong 21st century. Ang tanong, paano natin gagamitin ang mga powers na ito? Mayroon tayong three choices:

  • It’s all about the money, money, money.
  • Enjoy-enjoy lang!
  • Be #SuperEpic.

Read

Ecclesiastes 11:9-10 (NLT)

Young people, it’s wonderful to be young! Enjoy every minute of it. Do everything you want to do; take it all in. But remember that you must give an account to God for everything you do. So refuse to worry, and keep your body healthy. But remember that youth, with a whole life before you, is meaningless.

Questions for Reflection and Discussion?

  • Ano ba ang mga characteristics ng mga kabataan sa panahon ngayon?
  • Ano ang mga challenges at issues na hinaharap natin bilang mga kabataan?
  • Masama bang mag-enjoy enjoy?
  • Saan ba nauubos ang oras mo araw-araw?
  • Paano mo gagamitin ang Information and Communication Technologies to make a difference?
  • May mga kilala ka bang kabataan who are already doing #SuperEpic things? What can you learn from them?

Lipad na!

What small steps can you do next week to start becoming #SuperEpic?

Share your answers in the comments section below.

Resources: Videos

Videos on how Peter Parker became Spiderman

Ang Kuwento ni Jayjay Lizarondo

Resources: Graphics

Puwede ring gamitin ang mga graphics na ito para sa group study.

YouthPowerStats

habangbatakapa

World-Changing Project copy