By Fides Apostol

Mga campaign jingles na nakaka-LSS, mga intelehenteng kandidato sa mga televised political debates, mga constant check-ups ng mga PCOS machines, ang linyang “VOTE WISELY” na nakikita at naririnig kahit saan ka magpunta, pati na rin siguro ang madalas na pagbabalita ng mga surveys ng mga Top 12 Senatorial Candidates–lahat nang ito ay nagsasabing paparating na nga talaga ang eleksyon dito sa bansa natin.

Pero ikaw ba, anong feelings mo ukol rito? Excited ka ba, kinakabahan, nababagot, o sadyang wala ka lang care sa kung anong mangyayari?

Bilang isang Pinoy na nasa sapat na gulang, isang need ang pagboto. Pero aaminin ko, despite the constant reminders sa local channels sa TV, mga campaign posters na nakadikit sa mga dingding sa paligid o nakasabit sa mga kable sa, hindi ko pa rin masabing handa na ako sa magaganap na eleksyon. Siguro, dahil first time kong boboto, at katulad ng mga first dates, first kiss, at iba pang mga firsts, nakakaramdam ka ng excitement at kaba at the same time. At aaminin ko rin, hindi ako tiyak kung magiging maayos at mapayapa ang eleksyon na ito. Siguro dahil na rin sa kinasanayan na mga pangyayari ng Pilipinas noong mga nagdaang eleksyon.

Naisip ko lang:

Sabi nila, nasa boto ng mga tao ang future ng bayan. Pero paano kung hindi naman pala ganun kaganado o ka-aware ang mga tao sa darating na eleksyon?

Paano kung despite the constant reminders na ibinibigay ng local channels sa TV, hindi pa rin sila tiyak sa dapat nilang gawin?

Paano kung karamihan ng mga botante, bored na bored na sa araw-araw na political ads sa TV o sa mga campaign flyers na sinisingit sa mga gate?

Paano kung wala na silang pakialam sa magiging kalalabasan ng eleksyon dahil nawalan na sila ng pag-asang makaahon pa sa kahirapan?

Ngunit alam ko at umaasa pa rin naman ako na balang-araw, mababago rin ang pananaw kong ito dahil mayroon pa ring mga taong may malilinis ang hangarin sa bayan, at nawa, dumating na ang araw na iyon.