Skip to content

Tag: shifting lanes

Boni-Guadalupe: Shifting Lanes

Kung dumaan ka sa Crossing Ibabaw, asahan mong luluwag nang bahagya ang traffic pagpasok mo ng Boni hanggang tumawid ka ng tulay sa may Guadalupe. But then again, it might not. Superepic level kasi lagi ang traffic sa EDSA tuwing rush hour. Nag-calculate nga minsan ang isang friend ko na nagbiyahe from Ortigas to Makati. Sabi niya, ang average speed niya ay 5 kilometers per hour. Imagine! Mas mabilis pa ako maglakad.

Because people are in a hurry to arrive at their destinations, they frequently change lanes sa EDSA, hoping na mas mabilis ang bagong lane na papasukan nila. Swerving ang tawag doon at puwede itong mag-cause ng mas matinding traffic, or worse, magdulot ito ng aksidente. Kaya nga ang six lanes ng EDSA madalas nagiging 8 lanes dahil sa galing sumingit ng maraming drivers.

Hindi lang sa lanes madalas mag-shift ang mga yuppies. A lot of yuppies also shift career several times. In worse cases, some yuppies can work for as much as 3-4 companies in a single year. Hindi ko alam naging collectibles na pala ang dami ng pinagtratrabahuan.

Karamihan sa mga parents natin at mga members ng previous generation, kung ano ang first job nila, doon na rin sila magreretire. That was the norm noong time nila. Sa atin, having a one-track career is the exception. It’s not uncommon to see long resumes of young professionals na nagpapakita ng apat na companies or more within the past four years or so.