Monumento: Out of the Way ang Idealism

Monumento

image credit:Aye dela Cruz

Since naipatayo ang Roosevelt Station ng LRT-1, doon na ko lagi sumasakay everytime pupunta ako sa UN Avenue, sa Mall of Asia or parts of Caloocan, Pasay, and Manila. Mas convenient kasi. Nakakaupo ako, komportable at hindi kailangang makipagpalitan ng mukha sa dami ng mga pasahero. Iyan ang benefit ng pinakadulong train station. Every time din na sumasakay ako sa LRT1, nadadaanan ko lagi si Andres Bonifacio, kasama ang kanyang Band of Nameless Katipuneros.

Alongside Bonifacio, kinikilala rin nating bayani ang lumpo ngunit matalinong si Apolinario Mabini, ang femme fatale na si Gabriela Silang, ang mga manunulat na sina Lopez-Jaena at Marcelo del Pilar. Siempre, hindi mawawala sa list si Gen. Gregorio del Pilar dahil sa kanyang last stand sa Tirad Pass para lang mabigyan ng pagkakataong makatakas mula sa mga Amerikano si Gen. Aguinaldo.

Hindi lang naman si Bonifacio ang may monumento. Karamihan sa mga bayani ng ating bansa ay immortalized sa kanilang mga bantayog at sa mga history books na pinag-aaralan natin mula elementary hanggang College.

Pero isa si Bonifacio sa may pinakamaraming fans hanggang ngayon. Kung masusunod nga ang mga fans na ito eh, siya ang magiging National Hero at hindi si Jose Rizal. Sadly, na-cut short ang kanyang Revolutionary career dahil sa paghatol sa kanya ni Gen. Emilio Aguinaldo. Sabihin na nating wala siyang naipanalong battle against the Spaniards. Pero isa siyang master organizer: kasama siya sa founding members ng La Liga Filipina, ang organization na binuo ni Rizal.

Continue reading

#010 – Di Ka Superhero Pero You Can Make a Difference

Generation Y Chronicles Episode No. 10

Ito ang isa pang episode ng GenY Chronicles, tungkol sa mga Superhero. In this episode, pag-uusapan natin ang mga paraan para gamitin ang ating idealism. Kahit hindi ka Superhero, may magagawa ka para sa bayan.

Right click here to download the episode

Here’s the transcript for this episode:

Kanikaniyang “idealism” ang mga kabataan, paano ba natin gagamitin ang “idealism” na ito To Make a Difference?

Hey mga tropa, what’s up?, what’s up?, grabe talaga ang init na ng panahon ano?, ito si Kuya Mighty at magkakasama nanaman tayo in the next 30 minutes sa kuwentuhan, pakikinig ng music at pakikipagbalitaktakan tungkol sa buhay kabatan. Napakainit na ng panahon mga tropa, summer na summer na nga hindi na talaga natin maipagkakaila ano?, and kumusta naman ang iyong pag hahalo-halo? O kaya yung pagbili ng scramble diyan sa may kanto, grabeh no, maramdaman mo palang ung yelo na natutunaw tapos ung mga prutas na kakainin mo, parang WOW! Naiibsan na kaagad yung init ng summer, at para dun sa mga may aircon naku, hinay hinay lang mga tropa, ung electric bill ninyo baka masyadong tumaas ah dahil sa kaka aircon ninyo, hindi ko kayo masisi kasi sobrang init na talga ng ating panahon.

But anyways for this episode ang paguusapan natin ay.., it’s about being a SUPERHERO. Sino ba ang favorite mong superhero ka tropa?, un bang mga pag nagpantalon eh nasa ibabaw ung brief? Yung mga mahilig mag suot ng tights, tapos yung parang may balabal tapos lumilipad? Ako nung bata ako ang pinapanuod namin nun ay yong x-men, the uncanny x-men, ah hindi ko alam kung inabutan na ninyo un eh, ang inabutan ninyo siguro yung pelikula ng x-men ngayon ano? Ah, Isa pa sa mga favorite kong superhero dati ito yung ano, yung Mighty Mouse parang… “Here I come to save the day” at siyempre dahil ang pangalan ko ay Mighty, everytime na naririnig ko ung mighty mouse parang medyo natatawa ako dahil nga, ah.., Mighty ang pangalan ko tapos meron mouse, diba?, at ayon dahil nga ung mga kaibigan ko, kaklase ko na nanunood din nun eh tinutukso ako minsan ng “mighty mouse, mighty mouse” ganyan, At nun ngang medyo tumanda-tanda na ako (pero wait, kabataan parin ako don’t worry) ang isa sa mga superheroes na talagang naging favorite ko eh ung.., ay si Naruto, Naruto, ayan.., favorite ko talaga ung Anime tsaka Manga.., ah.., hanggang ngayon nga binabasa ko parin ung Manga eh, everytime na may lumalabas, dun sa mangahere.com. Continue reading