Si Jeremiah ay isang propeta. May isang Bible book na devoted sa kwento ng buhay niya. Just grab a Bible at hanapin sa Table of Contents kung nasaan ang Jeremiah, buklat buklat, then you’ll find it.

Nakakatuwa kasi ang kwento ni Jeremiah. Kabataan pa lang siya nung tinawag siya ni Lord na magsilbi bilang prophet. At talaga namang nakipagdiscussion pa siya nang konti kay Lord.

Kung babasahin mo ang Jeremiah Chapter 1, makikita mo dun kung paano siya tinawag ni Lord. At based sa kwentong ito, marami tayong malalaman tungkol sa relationship ni Lord sa atin.

Ito ang ilan sa mga lessons na mapupulot natin sa buhay ni Jeremiah:

God knows you.

Ito ang sabi ni Lord kay Jeremiah:

“I knew you before I formed you in your mother’s womb.
Before you were born I set you apart
and appointed you as my prophet to the nations.”

Ang sweet di ba?! Parang “I knew I loved you before I met you.” God knows us deeply. At bago pa man tayo ipinanganak, may purpose na si Lord para sa ating buhay. Amazing di ba?

Yes, hindi ka perfect. All the same, God can use you.

At siempre, may objection si Jeremiah sa pagkatawag sa kanya. Ito namang si Lord, di po ako marunong magsalita. Ang bata ko pa kaya…

“O Sovereign Lord,” I said, “I can’t speak for you! I’m too young!”

The Lord replied, “Don’t say, ‘I’m too young,’ for you must go wherever I send you and say whatever I tell you. And don’t be afraid of the people, for I will be with you and will protect you. I, the Lord, have spoken!” Then the Lord reached out and touched my mouth and said,

“Look, I have put my words in your mouth!
Today I appoint you to stand up
against nations and kingdoms.
Some you must uproot and tear down,
destroy and overthrow.
Others you must build up
and plant.”

If God calls you, He also enables you.

Alam naman ni Lord na hindi ka perpekto. Kagaya ni Jeremiah. Pero, kung tinawaga ka Niya, ibig sabihin God will also equip you and enable you para gawin yung mga pinapagawa niya sa iyo. God even touched the lips of Jeremiah para ipakita na seryoso siya.

When God calls you, He gives you a vision.

After na tinawag ni Lord si Jeremiah at nakita ni Jeremiah na wala na siyang lusot. Ayun, God gave him a vision. Kaya nga ang tanong ni Lord kay Jeremiah: “Look, Jeremiah! What do you see?”

At eto na nga ang challenging part sa pagkatawag kay Jeremiah. It was not easy to proclaim the word from God. Essentially, si Jeremiah ang magiging spokesman ni Lord sa mga kababayan niyang matitigas ang ulo.

When God calls you, you need to obey.

It might be a difficult path. Pero if God calls you, he can do mighty things through you. Sunod ka lang. God has you covered.