Trabaho, Trabaho, Nasan Ka?

Sharing is caring...Email this to someoneShare on FacebookShare on Google+Tweet about this on TwitterShare on LinkedInPin on PinterestShare on RedditShare on StumbleUponShare on Tumblr

by Sola Apostol

Mapa-fresh grad ka man, kaka-endo lang, o ilang years ka nang idle, iisa lang ang aim natin–makapaghanap ng work. Siguro excited ka. Driven. Pressured, o baka naman mismong magulang mo na ang pumipilit sa’yong magpunta sa mga job fairs o gumawa ng account sa mga online job site.

job hunting

 

Minsan mabilis pa sa alas kuatro. Minsan, parang magte-ten years na. Hanap-hanap lang pag may time.

Nag-OJT ako dati sa isang city government office. Ang aim nila ay mabigyan ng trabaho ang mga kababayan nila sa nasabing lugar. Sila ‘yung contact ng iba’t ibang kumpanya para makakuha ng mga empleyado. Kumbaga, parang manpower sila, government-based nga lang. Naalala ko ang sinabi sa’kin ng isang clerk doon.

“Alam mo ba, ang trabaho na ang lumalapit sa kanila. Pero dahil sa mga pansarili nilang dahilan (kesyo malayo at wala silang pamasahe, hindi nila gusto ang trabaho, atbp), pinapalagpas nila ang opportunity na makapagsimulang makaipon sila ng pera.”

Personally, hindi naman talaga mahirap maghanap ng trabaho. Kung talagang hindi ka tumitigil sa pag-apply, tiyak na makakakuha at makakakuha ka talaga ng trabaho within a month or two. At sa tingin ko naman, marami talagang kabataan ang napaka-dedicated sa paghahanap ng trabaho, lalo na’t bumaba ang jobless rate ng mga Pinoy Youth. Kitang-kita na in demand tayo, tropa.

Siguro, bago ka maghanap ulit ng trabaho, keep this two questions in mind:

1. Para saan ba’tong ginagawa ko?
2. Ano bang makukuha ko kung makakapagtrabaho ako?

Promise, makakatulong ‘yan as motivation sa susunod na mag-apply ka. 🙂

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *