If you’re young, malamang madalas mong tinatanong kung para saan ba ang buhay na ito? Para saan nga ba?

Sa totoo lang, medyo mahirap sagutin yan.  Okay lang naman na hindi mo pa alam at first. Siempre, if you’re young, you want to enjoy life. Minsan, party-party. Minsan serious mode. Pero kung hindi mo ito sasagutin, eventually, maiistress ka!

So ngayon pa lang, maganda siguro, pause for a moment. Pray. Then ask yourself, “Ano ba ang calling ko sa buhay?” What does God want me to do?

First off. Hindi ako naniniwala na isa at ISA lamang ang itinadhana ng Diyos na gawin mo
. At parang kapag hindi mo nahanap yun eh you miss God’s will sa buhay mo. Minsan kasi, ang mga Pastor at ilang mga Christians, kapag sinabi na may “calling” ka, ang gusto talaga nilang sabihin sa iyo eh “Magpastor ka!”

Pero hindi naman ganun kasimple yun. Iba iba ang skills natin. Iba-iba ang mga interests natin. Kaya iba-iba din ang calling natin.

Kapag sinasabihan ako na may calling daw ako at kelan daw ba ako magpa-Pastor. Ang sagot ko lang eh, “hindi po yata yan ang calling ko. Ang calling ko eh maging mayamang Kristiyano.” Heheh. Napapatawa naman sila.

Seriously, it took me a while to figure out my calling and what I really wanted to do with my life. I could definitely say that it’s a process. Minsan magugulat ka na lang sa mga taong dinadala ni Lord sa buhay mo. Pati na rin yung mga bagay-bagay na ginagawa niya sa life mo.

So, join me in asking this question. “What’s Your Calling?”

Ito ang on-going series ng aking radio program at podcast. If you are based in Isabela and somewhere in Quirino, Nueva Vizcaya, Cagayan, at Ifugao, makinig na sa DZMR 1143 sa AM Radio.

Pero don’t worry, I’ll also upload the mp3 of these episodes para mapakinggan nyo dito sa blog.

Last week, March 24, 2014, we talked about how God called Samuel the prophet. Very interesting din yung kwento niya. For the next few weeks, I’ll be dealing with the following Bible characters na tinawag ni Lord.

March 31 – The Calling of Jeremiah

April 7 – The Calling of Moses Part 1

April 14 – The Calling of Moses Part 2

April 21 – The Calling of Daniel

April 28 – The Calling of Amos

Pagdating ng May 2014, we will explore how Jesus called his disciples

Image credit: rastunarebel.blogspot.com